21

116 15 0
                                    

Dumating na sila Ziam at Liam. Ang mga kalaro ko. Pero wala pa din sila mommy at daddy.

Tumawag sila kanina. At sabe nila dadating sila, kaya naghihintay ako..........

Lumipas ang mga ilang oras ...

Wala pa din sila. Bakit ganon? Siguro traffic? Hindi eh. 

Dadating sila at magkakasama sama kami ngayong birthday ko.

Gabe na pero ..

Wala pa din sila.......

"Yaya nasan na po sila?"

"Ah eh hindi ko alam eh baka padating na"

"Sige po"

Nanlulumo akong umupo sa damuhan. Sana dumating sila..

*RING*

*RING*

*RING*

May tumatawag! Sila mommy na kaya yun! Sana sila na.

"Louise,kakausapin ka daw ng mommy mo"

Si mommy nga! ^_______^

(Hello mommy! Nasan na po kayo?)

(Louise)

(Mommy?Bakit po? Nasan na po kayo?)

(Hindi kame makakarating dyan)

(Mommy,sabe nyo po kanina eh)

Natulo na ang mga luha ko. Hindi pwede! Makakarating sila dito!

(Sorry anak,babawi kame sayo)

(Sinungaling ka! Sinungaling kayo ni Daddy! Mas mahalaga pa sainyo yan kesa saken ha! Liaaaaaaaaaaaaaar!)

Ang sakit ng nararamdaman ko. Napaka sama nila. Bigla kong hinagis ang phone at tumakbo paalis ng bahay.

10 Years old na ako ngayon pero wala. 

Noong 7 lang ata sila nakapunta sa birthday ko.

Nangako sila eh, naghintay ako at umasa na dadating sila!

Pero niloko lang nila ako. 

Mas mahalaga ang bussiness nila kesa sa akin!

Mga sinungaling sila! HINDING HINDI KO SILA MAPAPATAWAD!!

Takbo lang ako ng takbo habang tumutulo ang mga luha ko ng biglang......

*Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!*

Ang sakit ng katawan ko.... Parang natanggal ang mga buto ko sa katawan napakasakit.

Sinusubukan ko pang tumayo at maglakad.

Nakalakad ako ng mga dalawang baitang ng biglang....

May sumalpok sa ulo ko.

Ang sakit ng ulo ko at ng katawan ko.

Hindi ko na kaya....

Bigla na lang pumikit ang mga mata ko pero alam ko na natulo pa din ang mga luha ko.

Sinungaling sila... Yan lang ang paulit ulit na sinasabe ng utak ko..

Hanggang sa wala na itim na lahat ng nakita ko.

Pero biglang bumuka ang mga labi ko at sinabeng...

"Mga sinungaling kayo,hindi ko kayo mapapatawad"

......................

Nagising ako, puro puti. Puti ang dingding may mga monitor sa tabi ko at may isang lalaking natutulog sa tabi ko at hawak ang kamay ko...

Sino sya?

Biglang may pumasok sa isip ko. Nabangga ako ng dalawang sasakyan.

Ayun lang ang naaalala ko. SINO AKO? SINO ANG LALAKING ITO? BAKIT AKO NABANGGA? 

"Louise,gising ka na pala"

Louise? Sino yun? Ako ba yun?

"S-s-sinong louise?"

Tanong ko dun sa lalaki.

"Ha?"

Biglang tumayo yung lalaki.. Matagal-tagal din syang wala.. Pero pagpasok nya may kasama syang isa pang lalaki... Isang doktor... Tama isa syang doktor..

"Doc,ano pong nagyari sakanya?Bakit hindi nya kilala ang sarili nya?"

"Nang mabangga sya nauntog ang ulo nya,nadamage ang utak nya nawala lahat ng memorya nya"

"Hindi maaari doc! Bakit po ganon?"

Naiyak yung lalaki. Naguguluhan ako.

"Pasensya na, may amnesia po sya, pero pwedeng bumalik ang mga alaala nya pero matagal na panahon pa, bawal syang magisip ng nakaraan dahil sasakit ang ulo nya, maaari mo syang papuntahin sa mga lugar na napuntahan nya baka sakaling may maalala sya, yun lang po, salamat"

Naguusap lang sila nung lalaki, at biglang umalis yung doktor.

Pinilit ko na may maalala pero biglang sumakit yung ulo ko.

Ano ba ang pinagusapan nila?

"Steph, may amnesia ka"

Maluha luhang sabi nung lalaki sa akin.

Steph? Louise? Ano ba talagang pangalan ko!!

"Pakisabi nga anong pangalan ko?"

"Stephanie Louise Lopez ang pangalan mo. Ang tawag ko sayo Steph o,Louise o,Stephanie"

Ayun pala ang pangalan ko.

"Anong pangalan mo?"

"Ako si Ziam, Ziam Drake"

"Anong nangyari sa akin?"

"Nabangga ka, noong araw ng birthday mo"

"Ha? Bakit ako nabangga?"

"Maaalala mo din"

Maaalala ko din? 

Lumabas yung lalaki. Naiyak sya alam ko.

Sino ba si Ziam sa buhay ko?

-END OF FLASHBACK-

Nagka Amnesia ako dahil sa pagkakabangga ko dahil sa mga pesteng magulang ko...

Mga ilang taon din akong walang alam...

Pero dumating din ang araw na bumalik ang lahat ng ala-ala ko...

Simula 'nong araw na yun.

Naging masama na ang ugali ko, wala na akong pakialam sa damdamin ng iba..

Kinasusuklaman ko ang mga magulang ko..

Binago ko din ang pangalan ko..

Ginawa kong..

''Steph Zavier Lopez"

Minsan ko lang gamitin ang pangalang Zavier. Mas lagi kong ginagamit ay Steph.

Wala ng natawag sa akin na Stephanie lalo na ang Louise..

Bukod sa walanghiya kong nanay.

Ang tawag pa din nya minsan sa akin ay Louise o Stephanie.

Nakakadiri 'yon....

Hindi na ako bata na kaya nilang pagsinungalingan kagaya ng dati nilang ginawa..

Kahit kailan hinding hindi ko sila mapapatawad...

~~

I Met A Jerk!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon