Hi! Ako nga pala si Patrice Gonzaga, photographer-in-training at 2nd Year high student sa Dandelion Academy.
Kumakain nga pala ako ngayon ng breakfast habang nag-iinternet. Kasama ko si Jessie ngayon kasi school fair na mamaya at nag-sleepover siya kagabi.
“Bestie, musta na kayo ng Paul mo?”
Si Paul nga pala ang ultimate crush ko simula 1st year high, eh 3rd year na siya ngayon at impossible na maging kami.
“Ok naman, kayo ni Eric mo?”
“Kami na, actually-,”
“Ano?!?!?!?!?! Kayo na ng hindi ka nagsasabi?”
“De joke lang,”
“Eh ano nga?”
“Inask niya ako sa JS Prom nila”
“Luh, 2nd year ka palang ah”
“Pwede daw mangimbita”
“Ah, so sinagot mo naman.”
“Oo, huehue!”
“Maligo ka na nga maaga pa tayo!”
“Opo.”
Pagkatapos naming maligo at mag-ayos, eh dumiretso na kami sa Dandelion Academy Fair or mas kilala sa theme na Intrepid 14’ na gaganapin sa DASC (Dandelion Academy Sports Complex) which is about 6km away from our house, 1hr drive yun kaya maaga kami umalis. Nag-soundtrip muna ako sa kotse ni Jessie, may driver kasi siya eh.
Anyway, nag-out of town yung parents ko at only child ako kaya ako lang mag-isa. Mayaman din si Jessie, kaya may sarili siyang kotse at driver, hindi nga siya makapag-antay na mag eighteen na para legit driver na siya.
“Bestie andito na tayo!”
“Ha, ah sige wait lang.”
Ang ganda ng eskwelahan namin, may paper buntings, balloons, flowers, etc. Andami ding booths! Whole day tong fair naming kaya mahabahaba ang time naming na mag try ng booths.
Kaakit-akit din ung malaking banner na may nakasulat na “LIONS!” Tadtad din ng mga photographers dito. Ofc, may dala din akong dslr noh!
Sinamahan namin ung iba naming kaklase, nag-disco booth muna kami tapos nag film showing at nag photobooth, napagod din kami kaya kumain kumain kami dun sa may Celie’s, isa sa mga sikat na food chain dito.
Pinilit naman ako pumunta ng mga kaklase ko sa marriage booth, may ikakasal daw ung teacher namin, eh persistent yung mga yun kaya napilitan ako. Taga-picture naman ako eh :3
Pagdating ko sa marriage booth bigla akong binlind fold tapos pinaupo.
Tapos bigla nilang hinatak sa akin ung dslr ko at pagmulat ko ng mata; si Paul ung nakamarriage booth ko.
Naghiyawan yung mga G kong mga kaklase. Like, wth is this for? Kumukulo ang dugo ko sa kanila at the same time namumula ang pisngi ko.
Sa kaloob-looban ko sumisigaw na ako ng “PAKAWALAN NIYO KO! G BA KAYO?! HINDI NAKAKATAW PRAMIS HONESTO! WALANG GANYANAN OY BESPREN KO BA KAYO?!”
Tapos si Paul naka-ngiti lang throught nung “ceremony”.
Paul tigil, natutunaw ako.
Pagkataps ng shenanigans, kinasal kami tapos ang dare is...
Kiss Sa Forehead, ehmeged.
WALA NA AKONG PERA PARA BAYARAN TONG DARE PAUL WAG MO GAWIN TONG DARE OY! GUSTO KO NA TUMAKBO AT UMALIS DITO.
And without any warning napayuko ako at…
*kiss*
EHMEGED! WAG NIYO AKO PICTURAN
Naghiyawan pa sila tapos yung iba one more pa daw!
*kiss*
Grabe ano ba tong napasukan ko, nakakahiya!!!
SANA PANAG-INIP NA LANG TOH! GISINGIN NIYO AKO OY! PAKIDALA AKO SA MENTAL NGAYON NA PLS! TAMA NA TOH TORTURE EH!
Pagkatapos nun, dumiretso ako sa park at umupo sa bench. Tinext ko sila na wag ako hanapin at may gagawin pa ako, tapos nagsign in ako sa facebook at pinost nila agad ung picture! OMG! Sinendan pa nila ako ng video at pictures namin ni Paul sa marriage booth.
Pero ginusto ko rin naman toh eh, kung hindi nila ako hinila walang mangyayari diba? Kinilig din naman ako mga 100x haha.
“Um miss, is this sit taken?”
“A-eh ano, hindi bakit? Dito ka uupo?”
“Ay hindi miss sa lapag. De jk lng, pede ba umupo.”
“Sige.”
Hulaan niyo kung sino yon? SI PAUL NGA EHMEGED.
“Ang cute mo talaga!”
*biglang pisil sa pisngi ko*
“Oy!”
Hinimas ko ung pisngi ko sa sobrang sakit. Paul buti na lang crush kita kung hindi nasapak nakita!
“Patrice?”
“Bakit?”
“I like you.”
Pano kami nagkakilala? Parte kasi kami ng school paper kaya ayun naging close kami.
“Ha? You like me?”
“Yes, dati pa naman eh. Simula nung 1st year ka. Ikaw, do you like me?”
“The feelings are mutual, Paul.”
“So pwede manligaw?”
“Yes haha.”
“Pakiss nga.”
“Ha an-“
*kiss sa lips hindi sa forehead ha ehmeged*
“Patrice?”
“Bakit?”
“Will you be my prom date?”
Tapos biglang dumating yung mga back-up dancers, singers na kumakanta ng 1,2,3,4 (I love you) ng Plain white T’s, tapos may mga lalaki na may hawak na anim na hearts na nakasulat ang “WILL” “YOU” “BE” “MY” “PROM” “DATE”, at eto pa ung mga kabarkada ko kasali dun sa mga back-up singers! Ang sweet talaga ni Paul! <3
“I will!”
“Patrice, I love you.”
“I love you too.”
The End.
A/N: I’m willing to write a sequel for this just in case na magustuhan niyo. VOTE, COMMENT AND SUPPORT this story po. I know na maikli po ito kaya sana if gusto niyo, i-expand ko po ito as one novel. <3
BINABASA MO ANG
Kiss sa Forehead (One Shot)
Teen FictionSi Patrice ay isang 2nd year high student na patay na patay sa senior na si Paul. Walang namumuong ugnayan sa kanila pero paano kung napasok ka sa isang sitwasyon na di mo kayang tanggihan? Ito na ba ang simula para sa kanilang dalawa? (c) 2014. All...