Posible kaya? Posible kayang mahulog ka sa isang tao na isang araw mo lang nakasama't nakausap? Parang imposible, pero napatunayan ni Jane sa sarili niya na puwede pala. Pero paano niya masusunod ang kaniyang puso kung pagkatapos ng isang araw na iyon ay hindi niya na alam kung saan at paano niya mahahagilap si Rain, ang lalaking muling bumihag sa puso niyang kaytagal niyang iningatan.
Posible pa kaya?