Simula

48 16 44
                                    



Isang masangsang na amoy ang namayani sa loob ng isang abandonadong bahay kung saan pinalilibutan ng maingay na alingawngaw ng nagsisiiyakang mga tao. Maraming napahiyaw nang marinig ang malakas at sunud-sunod na putok ng baril.

Maraming inosenteng nadamay sa kasamaan ng demonyo. Walang pakialam sa iba kundi sa sariling kapakanan lamang, maialis lang ang galit, hinanakit, at sabik sa kanya ang paghihiganti. Namayani ang isa pang putok ng baril at umalingawngaw ang putok nito sa silid.

"Tang ina ka, Mondemor! Hayop ka! Wag mo nang patagalin 'to! Hindi uso sa akin ang intense kaya patayin mo na ako!" Naglalabang wika ni Gregorio. Ang lalaking nakatali sa upuan at pinipilit ang sariling makawala doon.


Nagtagis ang mga ngipin ng demonyo at itinapat nya rito ang baril na hawak sa mga nanginginig nyang kamay sa sobrang gigil nito.

"Tumigil ka! Isa pang dakdak mo at papatayin na kita!" Anito. Malaki ang hakbang nito patungo sa nahihirapang si Gregorio. May hiwa na sa gilid ng malapit sa tenga nito na kagagawan ng paghampas ng demonyo dito gamit ang isang palakol.


"Mondemor.." Nagulantang ang demonyo sa tawag ng babaeng natipuhan nya noon pa man. Ngunit ano nga ba ang halaga ng pagmamahal nya sa babaeng ito kung ang pagmamahal na binibigay nya ay iwinawasiwas nito sa iba? At isa pa.

Walang taong nagmamahal ng isang demonyo. Mapwera na lang kung lumitaw ang pakpak nito.


"Jinnah.." Mahimbing ang boses nyang tinugunan ang tawag ng pinakamamahal nyang babae. Ngunit ang himbing na iyon ay napalitan ng galit nang makitang umiwas ito sa kanyang titig at inilipat ang nagsusumamo nitong mata sa lalaking nasa harapan nya.


Walang halaga ang pagmamahal mo sa ibang tao kung patuloy kang dumadapo sa demonyo. Hindi ko akalaing ang demonyo ay magmamahal sa isang anghel na katulad ni Jinnah. Posible kayang magkatuluyan ang anghel laban sa kasamaan?


Napakalaking imposible!


"Itigil mo na 'to. Ako na lang ang patayin mo, hindi ba't ako lang naman ang kailangan mo?" Ani Jinnah. Nakadapa ito sa sahig dahil sa pagpapahirap ng kasamahan ng demonyo. Buong lakas nyang pinilit ang makatayo, ngunit hindi sapat ang lakas nya upang makabangon ulit. Ang lakas nito ay nauwi na lamang sa paggapang nya papunta sa lalaking tunay nyang minamahal.. si Gregorio.


"Isa pang hakbang mo at hindi ako magdadalawang isip na paputukin ito sa ulo mo." Matalim ang kanyang mga matang sinuklian ang titig ni Jinnah rito na may kasamang namumuong luhang kanina pa gustong kumawala.


Naubusan na sya ng bait. Hindi na nya kayang kaligtaan ang kanyang galit.


"Please.. Stop this. Nagmamakaawa ako sa'yo Mondemor. Hayaan mong mapayapa ang buhay ng mga mahal ko. Kailangan ng anak ko ang tatay nya–"


Dumapo ang malakas na pagdikit ng palad ni Mondemor sa kanya na syang nagtigil dito sa pagmamakaawa. Inamin ni Jinnah sa sarili na may malaking kasalanan rin sta kay Mondemor. Ngunit mapipigilan ba ang pusong magmahal? Kahit na pinilit lang sya ni Mondemor na mahalin nya ito ay kahit limang minuto naramdaman naman nya ang tibok ng puso nya rito na kagaya ng nararamdaman nya sa tunay nyang minamahal na si Gregorio. Oo limang minuto. Isang katiting na minuto lamang ang naramdaman nyang pagmamahal nya rito.


"Traydor!" Lumalalim na ang tingin nito. "Minahal naman kita ng totoo, Jinnah!" Humagos na ang mga luhang puno ng hinanakit. "Minahal kita ng sobra na halos wala na akong maitira sa sarili ko! Pero bakit mo ako ginanito?"


Ex vs the Current Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon