Zshahin
"Oh yung mga papuntang Matipuno St. sakay na. Tatlo pa tatlo pa." Sumakay na agad ako sa jeep na nasa harapan ko. Tatlo pa ha? So ano? Isa sa upuan, isa sa bubong, isa sa gulong? Ang hirap tuloy umupo, piste.
"Ay putik!" Napasigaw ako nung biglang umandar yung jeep. Hindi pa nga nakakaupo eh. Bulag lang? Bulag? Kating kati na akong sapakin yung driver pero may good manners naman ako. Kaya bumababa na lang ako, hayst, mag-aabang na naman.
Nanatili akong kalmado habang naghihintay ng jeep. Malapit na lumubog yung araw pero wala pa rin. Argh. Ang tagal huhu.
"Walang gagalaw! Ibigay niyo lahat ng cellphone at wallet niyo kung gusto niyo pang mabuhay!" Mariamercedes naman oo. Nagsitakbuhan yung ibang mga nag-aabang din ng jeep na malayo sa holdaper. Sa kasamaang palad, kaharap ko lang siya. Argh. Malas naman talaga 'tong araw na to!
"Ikaw!" Baling ni mamang holdaper sakin.
"Ibigay mo wallet mo!" Sabi pa niya habang nakatutok sakin yung baril na hawak niya. Nanginginig siya. Weak haha. Di ko tuloy mapigilang tumawa, na siyang ikinalingon ng mga taong nandito.
"Bakit ka natawa? Tanga ka ba? Di mo nakikita itong baril na hawak ko?! Baka gusto mong mapunta agad sa impyerno!" Ikinasa niya yung baril. Narinig ko na napasinghap ang mga tao. Pero patuloy pa rin ako sa pagtawa na parang isang takas sa mental.
"Nakikita ko yang baril na hawak mo. Ikaw? Gusto mo bang makakita ng impyerno?" Sa pagsabi ko nito, halatang kinabahan siya. Tiningnan ko siya mata sa mata.
"Ngayon, damhin mo ang impyerno." At tumigil ang oras.
"Ahhhhhh"
"Hwag, maawa kayo!"
"Tama na!"
"Gusto ko ng bumalik sa pamilya ko!"
"Patayin niyo na lang ako"
"Araaay!"
"Mamaaaa ilayo niyo ko dito!"
Napangisi ako nung unti unti niyang binababa ang baril habang nanginginig.
"Ano? Ano to?! Demonyo ka! Demonyo!" Naluluha na siya dahil sa mga bagay na tanging siya lang ang nakakakita. Ang impyerno. Mausok. Nagliliyab. Puno ng hinagpis at sakit.
"Pinakita ko lang sayo ang impyerno. Gusto mo pa ba? Gusto mo ng higit pa?" Lalong lumawak ang ngiting demonyo ko nung bigla niyang binitawan yung mga gamit at pera na kinuha niya.
Naging normal ulit ang oras. Walang kaalam-alam ang mga nabiktima sa kung ano ang nangyari. Kinuha nila ang mga nanakaw, at patakbong umalis. Takot. Nabubuhay na tayo ngayon sa takot. Kaya nakakagawa ang mga tao ng mga bagay na makasalanan at maaaring makapinsala sa iba. Nakaramdam ako ng kirot. Ginamit ko na naman kasi ang kakayahan ko na dapat ay isekreto na lamang.
"Miss?" Ang kakayahan na ito na naman ko sa aking ama. Isa akong anak ng demonyo at tao. Hindi dapat pero yun ang totoo. Na-rape si mama sa panaginip niya ng isang demonyo. Inccubus. At ako ang naging bunga nito.
"Miss!"
×××

BINABASA MO ANG
The Devil's Daughter
Mystery / Thriller"I am no devil. I am no saint. Im someone in between."