17

70 1 0
                                    

Dear Mr. Imitator,

Makalipas ang halos isang oras na kuwentuhan kay tita claire ay nakauwi na rin ako.

Sa halos isang oras ko na pag stay doon hindi ko masyado na-aagilap si Wiue dahil na sa kwarto lang siya palagi.

Pero sa halos isang oras na pag stay ko sa bahay nilang tita Claire marami din akong nalaman.

Impormasyon tungkol sa twin brother ni Mark.

Si Wiue.

Kaya pala hindi nakukuwento ni Mark at ng pamilya niya sa akin noon ang tungkol kay Wiue dahil nakatira si Wiue sa tita niya sa California.

Matagal na din sila walang contact kay Wiue dahil sa nagka-alitan yung tita ni Wiue at si tita Claire.

Pero ngayon nagka-ayos na sila.

Kaya dito na muna mag-aaral si Wiue para makasama niya ang pamilya niya.

10 years old pa lang silang Mark noon nung nagkahiwalay sila ng kakambal niyang si Wiue.

Pero kung kailan magkikita na sana si Mark at Wiue ngayon pa nawala si Mark.

Ito tuloy, naiiyak ullit ako.

Miss ko na kasi si Mark.

Kahit isang puppy love lang iyon, kahit nasa college na ako siya parin nasa puso ko.


Ms. Maine~~

Diary Ni Miss Maine 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon