chapter Twenty seven : im sorry

239 4 0
                                    


◆Nikko POV ◆




Unting unti kong dinilat ang aking mga mata . nakaharap ako sa isang kisame. Nasa isang bahay ako. di ko alam kung kaninong bahay ito ngunit isa lamang itong maliit na bahay na siguradong kasya sa dalawang tao .





Erin ... Naalala ko kaagad si erin , inikot ko ang paningin ko upang malaman kung nasan si erin ngayon . panigurado namang siya ang nag dala sa akin dito . sino pa bang kasama ko ? dahan dahan kong iginalaw ang katawan ko , pero hindi ito naging maayos dahil sa kirot nang tagiliran ko . Nasaksak nga pala ako kanina , hindi ko na alam kung ano pang nanyare pagkatapos nun. biglang lumabo ang paningin ko hanggang sa magdilim ito .





Pinilit kong ini-upo ang sarili ko kahit man masakit kailangan kong tiisin ito. Pagkaupo ko, napansin kong meron palang nakabalot na tela paikot sa bewang ko . at sigurado akong kay erin ito. nasan ba siya ngayon? gusto ko siya makita , paulit - ulit kong tinawag ang pangalan niya pero ni isang sagot mula sa kanya wala akong narinig .






" ERIN !! " sigaw ko ulit , baka naman umalis siya para kumuha nang pagkain namin . pero diba nga may mga assassin sa paligid baka naman mapahamak siya ! Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko , kinakabahan ako baka nga napahamak na si erin ngayon . ano na bang nanyayare sa kanya?!






TSK! ung raccoon na talaga un di nag papaalam !





Dahan - dahan kong iginalaw ang katawan ko , kahit man medyo nakirot pa ang sugat ko . ini-upo ko ang sarili ko sa higaan na ito , humawak ako sa may head board at maingat na tumayo . nakahawak pa rin ako sa may tagiliran ko .





Naglakad ako papunta sa labas nang bahay na ito , at sa paglabas ko , inilibot ko ang paningin ko at nagbabaka sakaling makita ko si erin sa paligid lang . isinigaw ko ulit ang pangalan niya , at nagsimula na ako maglakad . Bago pa man ako makalayo sa bahay biglang .....








*BLACK OUT*



_____________



◆stefferin POV ◆


Nagtipon tipon ang mga assassin dito sa kampo namin . lahat sila ay nakatingin sa akin habang pinanonood akong naglalakad palapit sa aming pinunong si Ari , nakahawak pa rin ang dalawang assassin na nasa likod ko sa kamay ko at sa balikat ko . nakayuko ako habang naglalakad dahil ayaw kong makita kung gaano kagalit sa akin ang pinuno namin .





Malaki ang tiwala sa akin nang pinuno namin , at alam kong magagalit siya lalo na't napaka halaga nang patakaran na sinaway ko . pero ito na ito , kailangan kong harapin ang kasalanan ko . Nang marating ko na ang harapan nang pinuno namin , binitawan na ako nang dalawang assassin na nasa likod ko , hindi lang basta bitaw ang ginawa nila sa akin , ngunit ang pagbitaw na tipong napaluhod ako sa lapag . At sa pagkakataong ito , ini-angat ko na ang ulo ko at ngayo'y nakikita ko na ang pinuno namin .





nakatingin siya pababa sa akin , at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit niya sa akin . Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumitig sa akin , at ganun rin ako sa kanya .





alam kong malaking parusa ang maaring gawin sa akin . isang parusa na paniguradong madadamay pati ang buhay ko . Inalis ni Ari ang hibla nang buhok ko na nasa mukha ko. at .







.. *PAAAAAAAAAAAK!! I DESERVE THIS! Sinampal niya ako , hindi lang isang simpleng sampal ngunit isang sampal na halos napatagilid ang mukha ko dahil sa sobrang lakas nito . at ngayon nakikita ko si samuelnakatingin sa akin .







My Slave LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon