Chapter VIII way back into pain???

198 8 2
                                    

"ikaw!! ??? " sabay naming sabi ng nakabungguan ko..

hindi ko maiwasang mailang, mainis, magalit pakiramdam ko gustongkumawala ng mga luha ko palabas sa mga mata ko. dahil sa mga oras na ito nakikita ko ang kaisa isang lalaking minahal ko ng totoo, ang lalaking unang nagpatibok ng puso kong ito at lalaking nanloko at nagpaiyak sakin ng sobra sobra.

pero kailangan kong ipakita sa kanyang balewala na sya sakin, na tapos na sa amin 

"violet kailangan mong ngumiti, bumati, kumaway kung kinakailangan .. wag kang magpaapekto"

yan ang sinasabi ko sa sarili ko ngayon, tumayo na ko sa pagkakaupo ko sa sahig at pinulot ang mga gamit kong nahulog at mula sa "IKAW" na huli kong sinabi ko sakanya .. nagawa kong ngumiti at bumati ..

^_____^ long time no see ha .. kamusta ka na ? 

kahit kumikirot ng onti ang puso ko pinilit ko pa ding banggitin ang mga katagang yan... oo may kirot napakasakit na kirot kasi hindi yan ang gusto kong sabihin sa pagmumukha nya, ang gusto kong sabihin sa kanya ay ang salitang ANG KAPAL NG MUKHA MO! ISA KANG MANLOLOKONG WALANG KWENTA ! gusto kong ilabas tong mga luhang to kaso hndi pwede, hindi dapat... kasi matagal nang tapos ang saming dalawa.

"a-a- o-o-nga- ha-ha-ha  a-aayos n-naman"  mautal utal nyang tugon sa tanong ko sa kanya... na sinundan pa ng pilit na ngiti.

ayoko ng atmosphere sa pagitan namin ngayon .. OO ayoko ksi hanggang ngayon kahit matagal na ang nakalipas Mahal .. mahal na mahal ko pa din ang manlolokong lalaking yan. kaya bago pa nya dugtungan ang sasabihin nya...

"ah violet... umm ano.. nga pala ---" inunahan ko na sya bago pa nya matapos ang sasabihin nya ayoko nang makita sya ng matagal kaya nagpaalam na ko at dali daling umalis sa harap nya.

"ah sige mauna na ako sayo madami pa kasi akong dapat gawin .. bye "  nakangiti kong sabi

pero habang unti unti akong lumalayo sa kanya , unti unti ring bumabagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak... unti unting bumalik yung sakit na naramdaman ko noon , nung mga panahong iniwan nya ko ng walang dahilan.

dahil sa mga luhang nagsisibagsakan sa aking mga mag mata , lumabo na ng tuluyan ang paningin ko na naging dahilan ng pagkakabunggo ko nanamn sa isang tao..

"oh violet .. bakit ka umiiyak ? sorry nabangga kita .. oyy wag kang umiyak ..oyy violet naman wag kang umiyak pinagtitinginan tayo dito" sabi ni dave

si dave pala yung asungot kong classmate ang nabunggo ko... oo kilala ko na yung bwisit nyang boses kaya kahit di ko pa makita mukha na alam kong sya yan.. pero wala akong panahon mainis sa kanya ngayon .. gusto ko lang umiyak ng umiyak at ilabas lahat ng hinanakit ko sa pyso ko.

kaya kahit naririnig ko syang pinapatahan ako sa natatarantang tono  ..walang epekto .. lalo lang akong naiyak kasi may taong nagcocomfort sakin ..khit na di totally pangcocomfort ang ginagawa nya .. 

pero hndi ko inasahan ang sunod nyang ginawa tinanggal nya ang kamay kong nakatapik sa aking mukha at pinunasan nya gamit ang hinlalaki nya ang mga luha ko sa pisngi sabay sabi..

"tahan na , gusto mo ng kausap? handa ko makinig .. kahit di ko alm kung bakit ka umiiyak dyan, kahit wala akong maibigay na advice sayo.. makikinig na lang ako baka sakaling mabawasan yang nararamdaman mo" 

----

uyy may tinatago palang kaekkekkan tong si dave ! aahahaha :) 

comment , vote o kya mag fan po kayo sakin ^^ :) 

o kaya kahit subaybayan nyo nalang po itong story ko .

masaya na ko dun ^___^

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon