Simula

26 0 0
                                    

Simula

          Isang pihit pa ng silinyador ng aking motorsiklo ay aabot na ito sa pinakamabilis nitong takbo, bigla kong kinabig pakaliwa dahilan para bumunggo  ang isa pang motorsiklo na kanina pa humahabol sa akin sa kotseng nasa harap at nakita ko sa side mirror na  tumilapon ang taong sakay nito sa ibabaw  at gumulong-gulong ng mabilis kasabay ng marahas na pagbagsak nito sa aspaltong kalsada. Marami pang saksakyan ang nagsitigil dahil sa nangyaring aksidente. Napangiti nalang ako sa nangyari, mabuti nga't yan lang ang nangyari sa taong iyon at nakasisiguro akong buhay pa ito. Mabilis ko parin pinapatakbo ang aking motorsiklo ngunit hindi na kasing bilis kanina. Sinulyapan ko ang aking relo, mayroon pa akong dalawampung minuto sapat na oras papunta sa Elysium High.

          Elysium High, ang pinaka magandang mataas na paaralan sa siyudad ng Polaris City. Itinigil ko ang aking motorsiklo sa isang eskinita na puro basura dalawang bloke mula sa paaralan. Hinubad ko ang aking itim na helmet at black leather jacket, ngayon ay handa na akong pumasok na parang isang normal na estudyante. Muli kong sinulyapan ang aking relo, Tatlong minuto para umabot sa klase. Kailangan ko ng anim na minuto kung tatakbuhin ko ang normal na daanan papuntang classroom. Tinignan ko ang pader ng gusali sa eskinitang ito at sinimulan kong tahakin ang short cut na alam ko. In just two flawless swift ay naabot ko ang rooftop at mabilis na tinahak ang susunod na gusali at walang hirap na tinalon ito at eksaktong bumagsak sa aking mga paa sa edge ng rooftop. Nakalampas na ako sa isang bloke at isa nalang ang kailangan ko para makapasok sa loob ng paaralan, ngunit eto ang nangangailangan ng tamang kalkulasyon dahil isang pagkakamali lang ay pwede akong tumama sa itaas na bahagi ng pader na may ilang libong boltahe ang nakakabit dito.

          Isa't kalahating minuto na ang lumipas, kinuha ko ang isang mahabang stick at saka bumwelo kasabay nito ang pagtukod ko ng stick at sumakay rito na para akong lumilipad. Naramdaman kong nabali ng bahagya ang gitnang bahagi ng stick, marahil hindi nito kaya ang bigat ko. Alam kong hindi pa oras para tumalon papunta sa puno na malapit sa pader ng eskwelahan pero kapag hindi ko pa ginawa ay tuluyang mababali ng stick na ito. Bahala na, yan nalang ang nasabi ng utak ko kasabay ng pagtalon ko patungo sa puno, limang sigundo at milagrong nakakapit ako sa sanga ng puno. Isang minuto nalang ang natitira. Nakakapit parin ako sa sanga ng puno, muli akong bumwelo sa pag swing ng aking katawan at isang swabeng galaw ay nakalapag ako ng maayos sa ikatlong palapag ng gusali ng paaralan kung nasaan ang aking silid aralan. Inayos ko ng kaunti ang aking uniporme at saka prenteng naglakad patungo sa classroom. Limang segundo pa ang natitira nang makapasok ako sa aming classroom, nagtungo na ako agad sa aking upuan sa dulong bahagi katabi ng bintana, mula dito ay kita mo ang malawak na field ng paaralan. Kasabay ng pagupo ko ay ang pag ring ng bell, senyales na umpisa na ng klase.

          Sa kalagitnaan ng klase, ay may isang estudyanteng babae ang pumasok at natigil ang klase. Marahil sya yung transferee na binanggit kahapon ng aming guro. Tuloy-tuloy sya sa pagpasok ng nakayuko habang hawak-hawak ang dalawang laylayan ng strap ng bag pack nya at tumigil sa badang gitna katabi ni Mr. Philip ang aming guro.

"Class, this is Ms. Aurora Farr at bago nyong kaklase simula ngayon hanggang matapos ang school year, maliwanag?" Pagpapakilala ni Mr. Philip

"Opo"  "Yes, Sir." Sagot ng mga kaklase ko ng sabay sabay.

"Hello, Ako si Aurora." Mahinhin at nahihiyang bati nya saming magkakaklase. Naghiyawan naman ang mga lalaki sa pagpapakilala ni Aurora.

"San ka galing school Aurora?" Tanong ni Byron, isa naming classmate na kilalang fuckboy ng school.

"Uhm, homeschool ako." Nahihiya paring sagot ni Aurora. Kung titignan mo sya parang normal na babae lang, mahaba ang buhok na medyo wavy, maputi at maganda ang mga ngiti. Mapupula ang labi at may dimple sya, mapupungay ang mata na parang nangungusap. Napansin ko rin na maliit ang mga kamay nya na mala kandila. Wala siguro tong ginagawa sa bahay, napatingin tuloy ako sa kamay kong puro sugat at sobrang gaspang. Parang napaka delicate nya kung titignan mo ang kabuuan nya. Oo tama, normal na babae lang sya.

High School HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon