Ikalawang Kabanata

10 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata

"Aaaaaaassssshhhhh!!"

          Napabalikwas ako sa pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ng bwisit na babae. Agad kong tinignan ang kinaroroonan nya na nasa ibabaw ng aking swivel chair at nakakapit na parang tuko. Tinignan ko ang  bagay na kinatatakutan ni Aura at nakita ko ang isang asul na centipede na gumagapang sa sahig. Agad naman akong naalarma ng makita ko ito at hindi na ako nagdalawang isip na kaladkarin ang babaeng ito palabas ng kwarto. Ang asul na centipede na iyon ay simbolo ng isang mensahe na kapag pinadalhan ka nito ay may mahalagang misyon ang ibibigay sa iyo. Sa limang taon kong pagsasanay at 3 taon bilang isang ganap na hunter ay ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganitong mensahe. Ang aking unang pinaka mahalagang misyon na walang kahit sino man ang dapat makaalam liban sa taong magbibigay ng misyon at sa taong pagbibigyan nito na sa mga oras na ito ay AKO.

          Kinatok ko ng malakas ang kwarto sa kabilang gusali kung saan naroon ang kwarto ng mga babae. Pagbukas ng pinto ay ang gulat na ekspresyon ni Tiff ng makita ako. Walang sabi sabi ay hinatak ko paloob si Aura na hanggang ngayon ay walang habas ang bibig sa pagrereklamo ng sa wakas ay binitawan ko na sya.

"Wag na wag mong palalabasin ang babaeng to hangga't di ako bumabalik" Wika ko kay Tiff na gulat parin sa nangyari.

"Ano!? Teka! Bakit? Ano bang problema mo bakit moko biglang hinatak dito? At ngayon gusto mo akong ikulong dito?" Naghihisteryang tanong ng maingay na nilalang. Hindi ko naman pinansin pa ang mga sumunod nyang angal at pumunta na sa bukana ng pintuan.

"Wag mo rin syang gagalawin kung ayaw mong ikaw ang hatakin ko palabas sa eskwelahang ito." Pagbabanta ko at tuluyang isinara ang pinto ng kwarto. Ilang pag aangal pa ang narinig ko mula sa loob hanggang sa nawala ito nang makalayo ako at makabalik muli sa aming kwarto. Hindi, sa aking kwarto.

          Agad akong tumugon sa Head Hunter gamit ang isang code bilang pagpapaunlak na tinatanggap ko ang misyon na ibibigay nya sakin. Ngayon ay kailangan kong magpunta agad sa headquarter kung nasaan ng head hunter. Patungkol sa nalaman kong may traydor sa asosasyon ay pinili kong huwag muna itong ipaalam kahit kanino maging sa head hunter. Kailangan kong tukuyin muna kung sino ang lapastangang traydor at magkalap ng iba pang impormasyon mula sa tag na nakuha ko kagabi. Posibleng may mga kasama pa ito o kung mag isa lang sya, kaya kailangan kong magdoble ingat, wala akong pwedeng pagkatiwalaan. Sa makatuwid, mag-isa kong gagawin ang misyon na ito kasabay ng isang misyon na ibibigay sa akin sa oras na makausap ko ang HH (Head Hunter).

          Makalipas ang trenta minutos na paglalakbay gamit ang aking motor ay ipinarada ko na ito sa parking lot ng COFFEE SHOP. Oo, ang headquarter ng mga hunter na tulad ko ay itong Thirsty Cafe. Ngunit sa likod ng maganda at cute na design ng coffee shop na ito ay may sikretong daan papunta sa talagang baluarte ng Head hunter. Um-order ako ng Long Black at sliced ng strawberry cheese cake. Agad na tumugon ang barista sa order ko at naupo ako sa isang bakanteng stool malapit sa counter. Marami rami rin ang mga customer ngayon, may nakita rin akong ibang High School students na maiingay na nagdadaldalan. Lumipas pa ang ilang sandali ng lumapit sakin ang isang barista na babae na may dala na sa tingin ko ay ang in-order ko. Inilapag nya ito sa aking harapan ng nakangiti, tinignan ko lamang ito maglakad muli patungo sa counter. Kaakibat ng in-order ko ay ang isang maliit na animo'y greeting card mula sa coffee shop, kinuha ko ang iyon at tinignan ang likurang bahagi ng card at binasa ang nakasulat.

Hunt me down.

-HH

          Hudyat upang malaman ko ang unang pinakamahalagang misyon. Agad akong nagtungo sa dulong bahagi ng baluarteng ito kung nasaan ang HH, tumigil ako sa harapan ng nagiisang metal na pintuan na ginamitan ng teknolohiya para hindi basta-basta mabuksan ng kahit na sino liban sa isang taong nasa likod ng pintuan na ito, ang Head Hunter. Isang beses pa akong napaatras ng biglang tumunog ang metal na pintuan kasabay nito ang unti unting pagbukas. Nang tuluyan itong mabuksan ay dahan-dahan akong pumasok at siniguro kong walang kahit anong ingay ang magagawa ko, ng makapasok ako ay sya ring pagsara ng metal na pintuan. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid nang hindi ko nakita ang HH, nanatili akong nakatayo sa aking pwesto nagmamasid, nakikiramdam sa ano mang panganib na darating. OA ba? Hindi. Likas na sa aming mga hunter ang pagiging maingat sa lahat ng bagay, tao, lugar kahit sa sarili naming baluarte walang lugar ang pagiging kampante. May kalakihan ang silid ng HH, blue dim lights ang bumabalot sa buong silid, sa sentro nito ay ang desk ng HH at swivel chair na walang nakaupo. Lahat ng kagamitan ay gawa sa metal at glass, sa gilid ng silid ay may dark gray couch at mini glass table na may isang centerpiece ng Eiffel Tower na gawa rin sa glass at kapag natamaan ng ilaw ay kumikislap ito, napakagandang likha. Sa kabilang gilid ay isang glass stairs patungo sa ikalawang palapag na marahil ay ang bedroom ng HH. Ilang sandali pang katahimikan ang bumabalot sa silid at wala paring HH ang nagpapakita, mas lalo kong pinakiramdaman ang paligid. Muli kong inalala ang Aking hunter's knife na nasa loob ng aking kanang sleeves ng itim na leather jacket, dito nakakabit ang lalagyanang bumabalot sa patalim. Unti-unti ko itong pinadausdos papunta sa aking kamay hanggang sa mahawakan ko ito, kasabay ng isang kisapmata ay itinutok ko ito sa leeg ng taong nasa likuran ko. Tuluyan ko itong hinarap ng mapagsino ang taong ngayon ay malaking nakangisi. Ang Head Hunter.

"Head Hunter." Sambit ko at mabilis na inalis ang aking patalim. Yumuko ako ng bahagya senyales ng paggalang.

"Magaling Voltron." Papuri nito sa akin. "Tama ako at ikaw ang aking pinili sa misyong ito. Ikaw, na pinaka magaling sa inyong pangkat." Pagpapatuloy nya habang naglalakad sa kanyang desk at umupo sa kanyang swivel chair.

Kinuha nya ang isang maliit na remote at may pinindot sya rito dahilan upang umilaw ang kanyang desk na animo'y isang telebisyon. Maraming data ang ipinapakita nito, pinangpatuloy nya ng pag pipindot sa kanyang desk/T.V. ng huminto sya sa isang profile ng isang tao. Hindi ito basta-bastang tao dahil kilala ko ito. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang kinalaman nya sa mahalagang misyon na ito.

"Sya ang iyong misyon. Ang iyong unang pinakamahalagang misyon Voltron. Ang taong dapat mong pangalagaan simula sa oras na ito." Pormal nyang pagpapahayag ng aking misyon.

Si Aurora Farr, ang bwisit na nilalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon