HINDI makapaniwala si Myth.
To be standing in front of everyone, being applauded. Holding her newly recieved sword. Awarded as the most outstanding student in her batch of agents.
She knew she worked hard for it, but she still feels like she's in lala land
She caught her Master Gem in her gaze, and she gave Myth a nod. She flashed her a sweet smile in return.
" Congratulations again, Ms. Florian! You may now return to your seat. " nakangiting wika sa kanya nang host.
Nginitian nya ito pabalik, at bumaba na nang stage.
" Sinasabi ko na nga ba't ikaw ang ma-a-awardan! " narinig nyang sambit nang napaka-pamilyar na boses.
Napalingon sya, at di sya nagkamali nang hula kung sino ito.
Jennieth.
" Kahit na magkalaban tayo, at gustong-gusto kong ako ang nasa posisyon mo, ay masaya parin ako para sayo. " natatawang usal pa nang binata sa kanya.
" Gusto mo sa'yo na? " puno nang sarkastikong pagbara nya dito.
" Kung pwede lang! " masayang masaya pang usal nang lalaki sa kanya habang tumatawa.
" Psh. " nasambit nya na lang at umalis na sa harapan nang lalaki upang bumalik sa upuan nya.
Bakit sumusunod sya?!
Liningon nya ang lalaki na nakasimangot, nang napansin nya na nasa likod nya lang ito.
" Don't get me wrong. I'm not following you, magkaparehas tayo nang table. Top 2 pa rin naman ako. " nakakalokong tono na saad ng lalaki sa kanya.
Pa'no nga ba nya nakalimutan?! Magkasama sa iisang table ang Top 5 nang pinakamagaling sa batch nila.
Nang-mapagtantong tama ang sinabi nang lalaki ay pina-ikutan nya na lamang ito nang mata at naunang dumiretso sa upuan nya. Narinig nya namang tumawa ang lalaki sa likod nya.
" Myth! Congrats! " nakangiting wika ni Daughn, ang kanyang matalik na kaibigan, sa kanya nang makaupo na sya.
Si Daughn ay ang Top 5 sa batch nila. Inaamin nyang mas magaling sya sa bakbakan, pero di hamak naman na mas magaling ang kanyang kaibigan pagdating sa academics.
" Salamat! Congrats rin sa'yo! " sagot nya sa kaibigan.
" Ang galing talaga ng bes ko! " natatawang wika ni Kentrix, ang isa nya pang kaibigan.
Si Kentrix naman ay nakikiupo lang sa table nila. Apo sya ni Master Elio, ang may ari nang kanilang paaralan. Mas gusto ni Kentrix ang mag-manipula at gumawa nang mga bagay na may kinalaman sa makina at science, at ang pag-gawa nang inbensyon kaysa sa pakikipag-laban, kaya napabilang ang kaibigan nya sa mga itini-train na scientist nang paaralan nila.
" Salamat Kentrix! Congrats rin sa'yo! Balita ko ay napili ang inbensyon mong panibagong shield nang nga masters para magamit nang mga nakakataas sa misyon nila! " nakangiting wika nya kay Kentrix.
" Hahaha, oo nga eh. Salamat! " sagot sa kanya ni Kentrix.
" Myth! Pinapa-akyat tayong Top 5 sa stage! Halika na! " tawag sa kanya ni Juchin, ang top 3 at kaibigan nya rin.
Pinulupot ni Juchin ang kanyang braso kay Myth at hinila sya papuntang stage.
Kung ibang lalaki lang ang pumupulupot sa braso nya ngayon ay natadyak na nya, ngunit hindi nya magawa kasi si Juchin ito. Ang pinakabata sa kanilang batch, at bunso. Tinuturing na nya itong bunsong kapatid.
BINABASA MO ANG
Battles
Teen FictionNot all battles are done with weapons. Sometimes, a heart will do.