Chapter 1

36 1 1
                                    

kriiiiiiiing!kriiiiiiiiing!kriiiiiiing!

Nagulat nalang ako nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko.Agad naman akong nagkusot ng aking mga mata at bumangon para patayin ito.

Hayy grabe pasukan na naman pala diko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw. Naligo nako at mabilis na kumain mukhang malelate na kasi ako eh.

"Hay nako Venisse Steffe Aurollio De Guzmaaan! Ang aga mo nagising anong oras na oh ambagal mo talaga kumilos kahit kailan!Pag ikaw nalate sa klase madami kang mamimiss na lessons baka dika na makakapagtapos niyan." dinig kong sigaw ng OA kong mama waw ha. Malelate lang di na agad makakagraduate hahaha at baka nakakalimutan niya first day of classes ngayon kaya sigurado walang kamatayang introduce yourself na naman yan hahaha.

Diko nalang siya nagawang pansinin. Pero kahit ganun siya, mahal na mahal ko siya.

"Manong bayad ho" mabilis namang kinuha ng driver ang bayad ko at pinaandar ang tricycle tapos umalis di man lang ako nabalingan ng tingin tss -_- inirapan ko nalang nang makaalis na siya HAHA taray ba?

Napalinga linga ako at inilibot ang aking mga mata. Di ako makapaniwala nakatapak na naman ako dito sa paaralang to.

Mabilis akong naglalakad nang linilingon sa iba-ibang dereksyon ang aking mga mata nang biglang...

"ARAAAAY!!!!"
diko namalayan ang mga pangyayari dahil sa bilis nito ang alam ko lang ay may nakabangga ako.

Mabilis kong iniangat ang aking ulo at tinignan ang lalaking kanina pa palang seryosong nakatingin saakin. Nakapamulsa siya ng kanyang kamay nang para bang walang nangyari sa kanya. Natatakpan ng kanyang itim na buhok ang isa niyang mata diko maipag kakailang gwapo siya at malakas ang dating.

Agad kong pinulot ang mga gamit ko at tumayo.Antangkad din pala nito. Sinundan naman niya ako ng kanyang mga seryosong titig.

"Dika ba magsosorry?"

Sambit niya. "Bat naman ako magsosorry? sino kaba?Bakit? Porke gwapo kana ako na magsosorry sayo?Hoy!Pareho lang tayong may kasalanan!"

Nagulat at nainis ako sa sinabi niya at diko namalayan ang mga salitang nabitawan ko.

"Ah ganun ba ako kapogi para pati hindi ko kilalang babae masasabihan agad akong ganun? hehe ako nga pala si Matthew Lopez ik---

"o edi sorry na!" diko na pinakinggan pa ang mga sumunod pa niyang sinabi dahil agad akong tumakbo at di na siya nabalingan pa ng tingin.

Grabe sobrang nakakahiyaaaa!"What the heck did you just said Venisse nakakahiya ka" parang baliw na binubulong ko ito saking sarili habang tumatakbo.

Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng maiinom...phew! napagod ako doon ah!Pagkatapos kong inumin ang Tubig agad akong dumiretso sa aming classroom.

Shet late na talaga ako at since first day of school as expected may kasalukuyang nagpapakilala sa harap."Goodmorning miss" dinig kong bati niya sakin nang naka ngiti.Yung tipo ng ngiting maiinis ka. Di ako pwedeng magkamali...siyaaa......Siya na namaaaaaan!!!!!!!!!!!!!!

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon