Chapter 3
Someone's POV
"Sir, pwede po bang magtanong?"
"Nagtatanong ka na Roger" natatawa kong sagot
"Eh kasi Sir, sino po ba yang batang yan? Ang swerte niyo naman po at nagkatagpo kayo, naligtas ka niya tuloy" tanong niya sabay tingin sa batang babae na nagligtas sakin kagabi.
"Hindi ko nga siya kilala eh, tatanungin ko sana siya pero biglang nahimatay" nakangiting sagot ko.
"Roger sila"
"Sir?" halatang nalilito siya sa sagot ko.
"Yung mga humahabol saken, ano nang nangyari sa kanila?" tanong ko.
"Umm ayon po nakulong na sila, swerte naman nila at hindi talaga sila tinuluyan ng batang yon, kundi! Naku! Nasa ospital naman silang lahat ngayon, at yung tinuturi naman nilang leader ay halos 50/50 nalang. Ang swerte talaga"
"Hahahaha sabagay may point ka. Laking pasalamat ko talaga na dumating tong batang to" sabi ko at tinignan ang batang babae na nagligtas ng buhay ko.
"Bakit po?"
"Sabihin nalang kaya natin, na siya ang sagot sa mga problema ko *wink*" sabi ko kaya natawa siya.
"Hali ka na nga, may meeting pa ako. Zyn bantayan niyo siya tawagan mo ako pag nagising na siya" bilin ko sa katulong ko.
"Opo sir"
Eira's POV
*dilat
Nasan ba ako?
Anong ginagawa ko dito?
Narinig kong bumukas ang pintuan at parang may sumisigaw na babae? Ewan, dahan dahan akong tumayo para malaman kung anong nangyayari pero napahiga naman ako ulit dahil nakaramdam ako ng sakit sa may braso at tiyan ko.
>__________________<#
"A-Aray" sambit ko.
"Wag mo nalang ipilit, masyadong pang mahina ang katawan mo, kailangan mo pang magpahinga"
Napalingon ako sa may pintuan at may pumasok doon na babae at bodyguards.
Sino ba ang mga ito?
Ano din nga pala ang ginagawa nila dito?
"Ano pong ginagawa ko dito?" tanong ko at pilit na tumayo kaya tinulungan naman niya ako.
"Pagkatapos mong natumba kagabi ay dumating na ang bodyguards ko kaya binuhat ka nila at dinala dito sa Mansion ko"
Hindi ko napansin na may lalake pala sa likod ng mga guards na to.
Teka-- ito yong lalake kagabi ah?
O____________O
"Ako nga iha, at salamat din pala sa ginawa mo kagabi, utang ko sayo ang buhay ko" nakangiting sabi niya.
Teka, pano niya nalaman na--
"Halata naman kasi haha" natatawang sbi niya.
Okay, shattap na ako.
Lumapit siya sakin at umupo sa gilid ko.
Bumaling siya sa mga bodyguards niya at tinignan ang mga ito.
"Pwedeng iwan niyo muna kami sandali? May paguusapan lang kami"
Yumuko silang lahat at nagsilabasan.
"Ano nga pangalan mo iha? At ilang taon ka na din nga pala?" tanong niya.
"Hi po I am Eira Shanai Dela Fuente, 17 years old!" masigla kong sagot.
YOU ARE READING
Gwardiya Ako Ng Playboy (On Going)
Teen FictionNawalan ng trabaho... Naskatan... Nagbodyguard... Yan ang buhay ng isang Eira Shanaia Garcia, naging instant bodyguard siya sa isang tao na pinagiinitan ng ulo niya, ayaw niya sana pero wala na siyang magagawa. Ito lang ang nagiisang trabahkna avai...