Ang hirap naman magstart maybe because I am not a good writer or perhaps it is difficult to remember when everything started.
Ako si Amber Dela Cruz. Proud to say probinsyana. Pagkatapos kong grumaduate ng high school eh nagpasya na si nanay na sa Maynila na ako pag-aralin para magkasama na kami. Mababait ang naging amo nya at pinayagan na doon ako sa kanila tumira kasama ni nanay.
Noong unang taon ko sa maynila, nahirapan akong mag-adjust. Syempre hindi naman ako sanay makipagsiksikan, makipag-unahan at sumabit sa jeep habang umaandar. Sobra ding nakaka-stress yung traffic. Yun bang iniisip mo na marami kang gagawin sa bahay pero wala kang magawa dahil nakaupo ka sa jeep na hindi gumagalaw. Haaay!
Yung lifestyle din ng mga classmates ko hirap pakibagayan lalo na kung makikita mo yung mga gadgets nila. Isama mo pa ang mga damit, bags at sapatos lahat branded. Talagang masasabi mo, mga bigatin talaga sila. The way they speak and act, ang sosyal. Nahirapan tuloy akong makahanap ng kaibigan. Hindi naman ako loner in fact dami kong friends sa province,hindi ko lang talaga kayang sabayan at i-meet ang expectations ng mga classmates ko ngayon. Lagi ko ngang tinatanong sarili ko bakit ba dito ako pumasok na eskwelahan na ito? Bakit ba sa dami ng scholarship na kinuha ko eto pa ang inaccept ko?
Pero hindi ako pwedeng magpa-apekto. Ayaw kong biguin ang nanay ko.Kaya kahit nahihirapan akong mag-adjust pinakita ko kay nanay na wala syang dapat ipag-alala. Sa halip na magfocus ako sa traffic at sa mga classmates ko, nag-aral akong mabuti. Ito lang kasi talaga ang kaya kong gawin.
Nakita naman ng mga prof ko ang potential ko sa academics kaya lagi akong isinasabak sa mga academic competitions at duon na nga kami laging nagkukrus ng landas ni Genesis Sandoval.
Genesis Sandoval. Hindi siya varsity player. Hindi din siya member ng banda at hindi rin sya sumasali sa anumang contest ng pagwapuhan sa school kahit anong pilit sa kanya ng mga classmates nya. Pero sikat siya sa buong campus. Tuwing may academic competition umaalingawngaw ang pangalan nya. Sabi ng mga nakakakilala sa kanya para daw syang walking scientific calculator.
Lagi syang may suot na makapal at black frame na salamin. Malabo siguro ang mga mata nya. Pero infairness naman bagay sa kanya.
Ayon sa itsuserang mga palaka, nag-iisang anak daw sya at mayaman, kita naman sa style nya eh. All male ang tropa nya. At exclusive lang daw yun sa kanila. Wala daw pwedeng sumali sa tropa nila. High profile din ang mga kaibigan nya. Si Justin, yung chess wizard at math quizzer din tulad din Genesis. Si Dwayne ang mvp ng basketball. Si Ezekiel naman ang spiker volleyball team ng school namin at si Marcus naman ang sikat na badminton player dahil sa kanyang smash. Lahat sila gwapo, kasama sa honor at sikat din sa buong school.
Pag wala silang mga practice sa sports nila makikita mo silang nakatambay sa tapat ng library, may dalang rubiks. Nag-uunahan sila sa pagbuo nun. (ganun ba talaga past time ng matatalino at sports oriented na mga tao. Kung naging tropa ko ang mga ito mababatukan ko ang mga ito. Puro kasi utak ang pinapagana.) . Kapag nagsawa na sila,maglalabas na yan ng cell phone nila at sisigaw ng "connect na!" (Free wifi kasi ang library)
So far ang negative na identity nila ay ang pagiging playboy. May flavor of the month sila kasi buwan-buwan daw magpalit ng girlfriend. Para sa kanila walang forever at may expiration ang lahat ng bagay pati tao.
Ang dami kong alam no?! Baka mapagkamalan pa akong stalker. Pero hindi ako stalker at wala din naman akong time para pansinin sila kaso sadya talagang malalakas ang awra nila na kahit sino mapapatingin.
Hindi kami magclassmates ni Genesis at ng tropa nya kaso lagi kaming nagkikita sa mga academic competition. Nagkakatingin kami pero wala lang yun.No interaction more than that. Si Genesis ang laging nagpi-first tapos kung hindi ako second, third naman.
Math month. Syempre no choice na naman nung sabihin ng mga classmates ko na ako ang magrerepresent ng section namin sa math quiz bee. Tinanong naman ako ng prof ko kung willing akong sumali. At dahil nga sa no choice na ako, oo nalang ang sagot ko.
Well, sa loob ko, ok lang naman kasi favorite subject ko yun ever since elementary at sanay naman akong sumali sa math quiz bee.
So ayun dumating na nga ang araw ng math quiz bee at obviously nadun din sa Genesis Sandoval to represent their section. Full support din ang buong tropa nya. Dami tuloy babaeng nagtitilian at nagsisigawan sa buong auditorium. Isinisigaw ang pangalan ni Genesis.
Dumating ang Quiz Master. Tumahimik na ang lahat. Pero kita pa rin yung mga babaeng kinikilig dahil kay Genesis.
10 kaming lahat na participant. Nagsimula na ang quiz master, pinaliwanag ang mechanics at pointing system ng quiz bee. Habang nagsasalita ang quiz master, napatingin ako kay Genesis. Nakatingin din sya sa akin. Ngumiti ako pero hindi sya nag-smile back. Nakakatakot ang tingin nya kaya umiwas akong tingin. Nagsimula na tuloy akong kabahan
Simula na ng quiz bee. Mahihirap ang mga tanong. Nag-eeffort talaga akong magcompute. Napatingin ulit ako kay Genesis. Relax na relax lang. Parang sino-solve nya mentally ang mga tanong.
Ang lakas ng hiyawan sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Genesis dahil sa mga tama nyang sagot. Nakakaloka ang charisma nya. Kaso sa tuwing napapatingin ako sa kanya, nakatingin din sya sa akin. Natatakot talaga ako. Unexplainable.
Eto na ang naging result.Nag-tie kami sa first ni Genesis at kelangan ng clincher. Grabe na talaga ang hiyawan, tapos ang lakas na rin kabog ng dibdib ko. Kelangan namin mag-one on one. Napa-pray na lang ako. Anyway hindi ko man makuha ang tamang sagot kahit papaano second na ako. Kaso bigla kong nakita si nanay nanunuod pala sya sa akin. Sumensyas sya. "kaya mo yan,anak!". For the first time nakapanuod si nanay sa competition na sinalihan ko.
"para ito kay nanay!" sabi ko sa sarili ko. Lumakas ang loob ko.
Ayan na sinabi na ng quiz master ang tanong. Nagfocus akong mabuti. Compute to the max ako. Narinig ko ang bell at ang sabi ng quizmaster na boards up! Pinikit ko ang mga mata ko
"Ok, somebody got the correct answer and the winner for this year Math quiz bee is contestant no. 4. Amber Dela Cruz!!"
Nabingi ba ako ako ba talaga ang nanalo?!!!
Ako talaga ang nanalo! Salamat kay nanay!
Lumapit ako kay Genesis para kamayan sya . Pagkahawak ko sa kanya, hinigpitan nya ang kapit nya at hinila nya ako papalapit sa kanya.
"Are you trying to impress me?!" bulong nya sa akin saka nya ako binitawan.
Nagulat ako. Anong ibig nyang sabihin? Hindi ba nya tanggap na ako ang nagfirst at natalo ko sya.
Pagkakuha nya ng medal at certificate nya umalis na din sya agad. Napakaseryoso. Hindi sya ngumiti. Sabagay anong bago dun hindi naman talaga ngumingiti yun.
Anyways, ayoko nang problemahin yun basta masaya ako.I made it
Salamat nanay!