Anak baba ka na jan! - sigaw ng aking inay
Agad akong tumayo at nagayos dahil unang araw ngayon ng aking klase .
Lumabas na ako ng kwarto para makapagalmusal.
Sumalubong ang aking ina at ako'y binati ng:
Magandang umaga anak- bati ng aking ina habang nakangiti
Magandang umaga din inay - nakangiti kong tugon at siyay niyakap ng mahigpit.
Nagtataka kayo't wala ang aking inay at kapatid.
Wala na akong itay ewan ko ba kung bakit kapag tinanong ko ang aking itay laging iniiba ni inay yung kwento. Kaya di nalang akong nagtanong muli.
Mga kapatid ? Wala magisa lang ako diba ? Ang lungkot kaya mahal na mahal ko ang aking ina dahil siya lang ang ginto ng buhay ko.
Tapos na akong kumain at aking lilisanin na ang aming munting bahay . Oo mahirap lang kami kaya lang naman ako nakapagaaral dahil sa "scholarship" na aking napasa. Hindi sa pagmamayabang ngunit matalino ako hindi! Hindi pala ako matalino pero masipag akong magaral. Kaya't ingat na ingat ako dahil pag bumaba ang aking grado sa palengke ang aking bagsak.
Hindi pa pala ako nakapagpakilala . Ako nga pala si Vrace Black Montecillo. Labing anim na taong gulang . 4th year high school. At nagaaral sa pinakatanyag na ekwelahan sa Pilipinas ang Waetford University. Pangit ako maraming tigyawat at talagang mukang mahirap dahil sa aking gamit na itsura pa lang luma na . Kaibigan? wala din ako nun. Pano ba naman! Nandidiri sila sakin sabi nila di daw ako nababagay sa kanila dahil isa lang daw akong HAMPASLUPA.
Hindi ko napansin nandito na pala ako aking skwelahan.Pumunta na ako sa kwarto ng 4th year section 1.
Pagpasok ko palang na aming kwarto . Bumungad agad sakin ang nandidiring itsura ng aking mga kaklase . Simula 1st year ako ganyan na sila kaya sanay na sanay na ako . Umupo ako sa pinakadulong parte ng aming kwarto para di nanaman ako mapagdiskitahan nitong mga kaklase ko.
Napakagulo ng aming kwarto sigawan, tsismisan at tawanan. Pinagkwekwentuhan din nila ang magarbo nilang bakasyon. Ako? Pinagaralan ko lang lahat ng subject namin ngayong taon .
Pagtapos ng paghihintay . Dumating din ang aming guro bago lang siya kaya siya'y nagpakilala pa .
Hai sainyo mga anak ako ang mamahala sa inyo ngayong taon. Ako si Bb. Maria Diamente. Isa akong filipino teacher.
At ayon na nga nagpakilala kami isa isa sa harapan.
Di ko napansin na ako na pala kaya:
Ikaw na susunod nanong- turo sakin ni Maam
Ako po ? - ako na nagtataka
Oo ! Kanina pa kita tinatawag ! Ano bang iniisip mo? Ako ba nagagandahan ka ba sakin - Maam
Hindi po ay mali! Wala po ! - nahihiyang sagot ko at sa kabilang dako tawa ng tawa ang aking kaklase .
Sige na sa harapan at magpakilala ka na -Maam
Di na ko sumagot ako at ng tumayo ako sumama ang aking upuan . Tawa ng tawa ang aking kaklase . Dahil sa bigat ng upuan dahil itoy kahoy ay napunit ang slacks ko at nakita nila ang boxer kong si Spongebob ang design at napakaluma na . Tumawa ulit ng malakas ang aking kaklase.
Sumigaw ang aking guro.
Tama na iyan mga anak masama iyan ! - MaamSumagot si Allysia na siyang gustong gusto ako paalisin sa paaralan na to.
Masama ? Di ba ang masama yung pinipilit mo ang sarili mo ? Diba masama yung lumandi ang kanyang ina kaya't iniwan siya ng kanyang ama. Freak! stupid ! -AllysiaHindi totoo iyan ! Kilala mo ba ko ? Diba hindi at wag na wag mo dinadamay ang inay ko dito ! -sagot kong lumuluha
Owe? Sabagay malandi ! AHAHAHAHAHAHA -Allysia
May pasagot sagot ka pa ! - isang suntok ang tumama sa mukha ko pinagtulungan na ako ng mga barkada ni Renz boyfriend ni Allysia
Tumakbo ang aming guro at tinawag ang mga guards.
Ng makakuha ako ng pwersa tinulak ko sila at tumakbo ako ng mabilis kahit hinang hina na ako.
~
Jan na muna mga guys AHAHAHAAHAHAHAHA-KIERBIE SO GWAPO GWAPO HAHAHAHHH
BINABASA MO ANG
PUSONG WASAK
Teen FictionSa mga taong nanakit Na di mo alam kung bakit ? Tinuring kang may sakit May tao pa bang mabait? At anjan para magmalasakit? Sa agos ng buhay Ikaw ba'y sasakay O ikaw susuko sa paglalakbay ? Kung ikaw ay nabigo At puso mo'y nakabilanggo Ikaw ba...