Stolen Memories

9 0 0
                                    

_eamlleryz

This is an original story. Characters, scenes and places is only fictional and not intended to be same in real life story, if any. No part of this story may be reproduce or transmitted by any forms and by any means except when it's permitted by law.

*****

Lahat ng nangyari sa ating buhay, masama man o mabuti, ay parte na ng ating memorya.....

Paano kung isang araw sa pag-gising mo, ang memoryang meron ka ay inaangkin na ng iba?

.....kaya mo ba itong ipaglaban o hahayaan nalang siya na maangkin ito ng tuluyan?

Handa kabang kalimutan ang lahat-lahat sa nakaraan mo para lamang makabuo ng bagong ala-ala? Pipiliin mo bang maging masaya o maging miserable habang buhay?

*****

PROLOGUE

Nasa kahimbingan ng pagtulog ang batang si Larah ng maalimpungatan dahil sa isang malakas na kalabog. Napabaligwas siya sa pagkakahiga.

What is that noise? Kinakabahan niyang tanong sa sarili. Napatingin siya sa maliit na orasan na nasa side table. Alas dose na ng madaling araw. Saan kaya nagmula ang ingay na yon?

**BLAGGG**

Muling narinig nya ang malakas na kalabog. Sa pagkakataong iyon ay lalo siyang nahintakutan, mas lalo kasing lumakas ang ingay na parang nagmula lang sa malapit. Agad na sumagi sa isip niya na baka may nakapasok na magnanakaw sa kanilang bahay, wala pa naman ang mommy at daddy niya. Nasa America ang mga ito para sa isang business tour. Biglang napalitan ng lungkot ang takot na naramdaman lamang nya kanina. Hating gabi na at ang ibig sabihin ay kaarawan na niya. Bakit sa ganitong pagkakataon pa wala ang kanyang mga magulang. Bakit sa araw ng kapanganakan pa niya naisipang umalis ng mga ito.

**BLAGG**BLAGG***BLAGG**

Waring nagpapapansin talaga sa kanya ang bagay na lumilikha ng ingay dahil muli na namang may kumalabog at sunod-sunod na iyon. Kinabahan na naman siya kaya napatalakbong nalang ng kumot.

Pilit nyang isiniksik ang nanginginig na katawan sa isang sulok ng kama. Hindi na nya talaga kaya. Takot na takot na siya lalo pa't hindi na tumigil ang malalakas na kalabog.

"Larah, sweetheart. Dont be scared. Be brave. Hindi sa lahat ng oras ay nandito kami ng mommy mo, so you need to stand with your own."

Isang pangaral ang biglang pumasok sa isip niya. Mula iyon sa kanyang daddy. Naalala nya kung pano ito nasabi ng ama. First day nya sa kindergarten noon at ihinatid sya ng kanyang mommy at daddy, wala pa syang kakilala kaya't umiyak siya ng malamang iiwan sya ng mga ito. But her dad said all those words na nagpalakas ng loob niya kaya pumayag narin siyang maiwan. And in this time muli nya itong naalala.

Tama ang dad niya, kailangan niyang maging matapang. Nawala ang takot na nararamdam niya. Inalis nya ang kumot na nakatalakbong sa kanya at bumaba na ng kama. Dahan-dahan syang lumabas ng silid para alamin kung ano ang dahilan ng sunod-sunod na ingay na narining niya kanina. Narating na nya ang hagdan, wala naman siyang napansing kakaiba, nawala narin ang ingay na nagbigay sa kanya ng matinding takot. Napatingin siya sa sala mula sa itaas ng hagdan, madilim ang kaluwangan noon, wala ring kakaiba dito. Naisip nyang baka mga ligaw na pusa lang na naglalaro sa labas ang narinig, nakahinga siya ng maluwag. Wala naman pala kong dapat ikatakot. Naiiling na sabi niya sa isip. Tatalikod na sana sya para bumalik sa kanyang kwarto ng biglang---

**KLIKK**

Tumunog ang switch ng ilaw at nagliwanag ang kaluwangan ng sala. Kasunod noon ang---

"Happy birthday Larah!". Sabay-sabay na bati ng mga taong bumungad sa kanya sa sala.

Napako na siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala, nandoon ang mommy at daddy niya. May hawak na cake na may nakasinding kandila na hugis number 8 sa gitna ang kanyang mommy samantalang may walong pirasong balloon naman na ibat-iba ang kulay ang hawak ng kanyang daddy.  Nandoon din si Manang Lydia, ang kanilang mayor doma, Mang Gustin, ang kanilang driver at ang tatlo pa nilang kasambahay na syang naghahawak sa tarpaulin na may nakasulat na malalaking letra na "HAPPY BIRTHDAY OUR PRINCESS!!!". Nakasuot pa ng party hat ang mga ito. Napansin nyang nandoon din ang kanyang Tita Monica at pinsang si Danice na matanda lamang sa kanya ng tatlong buwan.

"Come sweetheart, give me a hug". Aya ni Leandro sa anak. Ibinuka pa nito ang dalawang braso na nag-aanyaya ng pag yakap.

Dali-daling bumaba sa hagdan ang batang si Larah at mahigpit na yumakap sa ama.

"Mommy,Daddy akala ko po next month pa ang uwi nyo?" Si Larah.

"Yeah, It is suppose to be next month. But we dont want to missed this special day of our princess. Here blow your candle." Si Amandan.

Kumalas sa pagkakayakap sa ama ang batang si Larah para lumapit sa ina at bigyan din ng mahigpit na yakap. Kumalas din agad ito para i-blow ang kandila na nakatulos sa kanyang cake. Nagpalakpakan ang mga nandoon sa sala matapos nya itong hipan. Sabay siyang niyakap ng kanyang ama't ina na na talagang nagpasaya sa kanya.

"Happy birthday Larah." Si Leandro. Kumalas na sila sa pagkakayakap sa anak at may inabot ditong isang maliit na pulang kahon.

Namimilog ang mga matang kinuha ni Larah ang kahon. "Ano po ito?"

"Open it. That's our present for you." Nakangiting sagot ni Amanda sa anak.

Agad namang binuksan ng bata ang kahon at tumambad sa kanya ang 24k gold necklace with letter "L" pendant. Lalong namilog ang mga mata ni Larah.

"Wow! its beautiful." Namamanghang sabi ng batang babae. Pati ang mga tao sa sala ay namangha din sa nakitang regalo.

Kinuha ni Leandro ang kwintas sa kahon at isinuot sa anak. "Always wear that necklace. That is the sign of being our daughter, of being a real Lineth Larah Arce."

Lalong natuwa si Larah sa sinabi ng ama kaya nayakap na naman nya ito. "Dont worry mom, dad. I'll take a good care of this because you give it to me. It is special."

Habang masayang-masaya ang lahat sa nasasaksihan ay meron din namang hindi natutuwa. Si Monica at ang kanyang anak na si Danice. Lalo pang ikinapuyos ng damdamin ni Monica ang huling sinabi ng Kanyang Kuya Lean patungkol sa kwintas na ibinigay sa anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon