Birthday ngayon ni Papa. Namimiss ko na sya. Gabi ngayon at umiiyak na naman ako. Gusto ko ng magpakalayo. Kung saan hindi ako napapagod sa lahat ng bagay. Kung saan kaya kong maging masaya. Kung saan walang mangingialam sa buhay ko. Kung saan walang magbabato sakin ng mga masasakit na salita. Pagod na akong tamaan ng mga binabato nila. Kapatid ko pa mismo ang nagtatatak sakin ng mga mura at masasakit na salita nya. May galit ba sya sakin? May nagawa ba ako? Bakit ganun sya? Pagod na ako. Di ko alam kung saan ko ilulugar yung sarili ko. Wala akong kwenta. Bobo. Walang silbi. Tamad. Pabigat. Sakit sa ulo. Walang utak. Tanga.
Siguro kung saksak yang mga yan. Siguro patay na ako. Sana nga patay na ako eh. Para hindi ko na maramdaman. Para di na ako yung nagdudusa dito sa higaan habang umiiyak ng tahimik. Ayokong marinig nila ang bawat paghikbi ko. Ayokong tawagin nila akong mahina. Sobra sobra na yung itinatawag nila sakin. Tama na.
Sana hindi na lang ako pinanganak. Para wala na silang sakit ng ulo. Para wala na silang poproblemahin. Para wala ng tanga, bobo at walang kwenta. Sana wala na lang ako. Para di na sila nahihirapan. Para wala ng sesermunan si Lola. Wala ng sisigawan si Lolo. Para wala ng mumurahan si Jeyah. Para wala ng ikukumpara sa iba. Sana patayin na lang nila ako. Lagyan nila ng lason yung pagkain ko. O kaya takpan ng unan yung mukha ko habang tulog ako. Kahit itapon na lang nila ako sa may gilid ng kalsada tatanggapin ko. Para wala ng basura. Proper disposal ba. Pagod na akong umiyak ng hatinggabi. Pagod na akong basain yung punda ng unan at mga kumot ko. Pagod na akong punuin ng luha yung mga panyo. Pagod na akong pigilan ang bawat pag-iyak ko. At mas lalong pagod na akong magpanggap na walang naririnig kahit na sumasaksak sakin lahat ng mga sinasabi nila. Pagod na pagod na ako. Tulungan nyo ko. Ayoko na dito. Madilim dito. Malamig. Puro sakit. Puro pagkakamali ko. Wala na akong ginawang tama. Alisin nyo ko dito. Ayoko na sa sarili ko.