Last Victim

684 35 19
                                    

--==LAST VICTIM==--

"Bitiwan n-niyo 'ko! H-huwag! Parang a-awa niyo na po... Huwaaag!"

Ngunit sa halip na makinig, muli'y isa na namang malakas na sampal ang natamo ko. Pinasundan pa iyon nang paulit-ulit na pagbaon ng matalim na bagay sa kahit saang parte ng aking katawan. Matulis ang bagay na iyon. Kumikinang sa tuwing masisinagan ng buwan.

Hindi ko na matantya kung gaano kalakas ang ginawa kong pagsigaw at paulit-ulit na pagmamakaawa mula sa mga kamay ng dalawang lalaking nakadukwang sa katawan ko. Ngunit, alam kong malakas iyon at sapat na upang makatawag ng pansin sa sinumang nasa paligid. Masakit na ang lalamunan ko na tila nagdurugo na sa loob nito. Ngunit, ang sakit ay tila kagat na lamang ng langgam. Kaya ko pang tiisin. Kaya ko pang sumigaw ng ilang daang ulit mapigilan lamang ang mga ito sa balak nilang gawin.

Ang pagtangis ko'y tiyak na tutunaw sa sinumang may malambot na pusong makakakita nito. Ang mga usal nang pagmamakaawa ko'y tiyak na pupukaw sa konsensya ng kahit na sino. Ngunit, ang dalawang lalaking ito'y tila sadyang bulag at bingi. Wala silang nakikita; wala silang naririnig. Ang mapunan lamang ang kanilang matinding pagnanasa sa laman ang nag-iisang bagay na tumatakbo sa kanilang isipan.

"P-parang awa n-niyo na... Ayoko n-na... Tama naaa!" muli kong hiyaw nang maramdaman ko ang maiinit nilang mga palad na humahaplos sa maseselang parte ng aking katawan.

Marahas.

Mapagparusa.

Sabik ang bawat kilos ng mga ito na sinabayan pa nang manaka-nakang pag-ungol—tanda na labis silang nasisiyahan sa kanilang ginagawa.

Dama ko ang pagtatayuan ng mga balahibo ko, maging ang napakabilis na pagtibok ng aking puso. Tila sasabog na ito sa dibdib ko. Pakiramdam ko ri'y para akong nalulunod sa napakalalim na dagat at hinihila ang mga paa ko patungo sa pinaka-ilalim nito—na kahit anong pagpupumiglas ko'y wala ring saysay. 

"Huwaaag!" Muli na naman nila akong inundayan nang mga saksak. Malinaw na wala silang balak na buhayin pa ako matapos makuha ang kanilang gusto.

Puno na ng galos, sugat, at pasa ang buong katawan ko't matindi na ang panginginig. Dugo, kahit saang parte ng katawan ko'y dama ko na ang likidong ito. Ubos na rin ang lakas ko para makapaghintay pa sa tulong na darating—kung mayroon man.

Bago pa man tuluyang mawala ang ulirat ko'y nakarinig ako nang malalakas na pagsabog sa 'di kalayuan, na halos yumanig sa buong kalupaan. Pagyanig na hindi na huminto pa. Sunod-sunod na ang mga pagsabog sa buong paligid. Maging ang malalakas na tunog nang pagkapunit ng lupa na kasing bilis nang pag-agos ng tubig sa ilog ay dumagdag pa sa labis na takot sa dibdib ko.

Ang nakababahalang paggalaw ng lupang kinahihigaan ko'y nagdudulot ng labis na pagkahilo sa ulo ko't dahilan nang pagsuka ko ng dugo. Gusto kong tumayo't manakbo rin katulad ng ginawa ng dalawang lalaki. Ngunit, bilang na ang aking paghinga. Unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata. Sa ilang sandali'y namamanhid na rin ang buo kong katawan, hanggang sa tuluyan na akong walang maramdaman.

--==WAKAS==--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Victim (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon