I

8 0 0
                                    

Alex

WATSSS APPP MADLANG PIPOL. Choss. Hayyy, first day of school pero nakakatamad bumangon sa malaki at malambot kong kama. Sobrang sarap ng tulog ko kagabi ehh.

"Alex bangon na, malelate ka sa klase mo." Mommy.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eii. tsk tsk. Umandar na naman ang malakanyong bunganga ng mommy ko. Pero wag ka, mahal na mahal ko yun.

"Opo ma, ligo lang ako." sigaw ko mula sa sarili kong banyo.

Pagkatapos ko maligo, syempre nagbihis na ako, nag ayos na din ako ng sarili ko at ng mga gamit ko. Mamaya na ko magtotoothbrush pagkakain ko.

"Good morning mom. Good morning kuya." sabi ko pagbaba ko ng hagdan. Tapos umupo na ako sa seat ko.

Susubo na sana ako ng pagkain ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Twinnie Jean Calling....

"Twinnie. san ka na? Andito na kaming lahat, ikaw na lang ang kulang. Kahit  kelan talaga paimportante ka. tskkk." Twinnie.

"Wait lang Twinnie, malapit lang naman ako. Give me 20mins okay? Bye. mwuahh." sabi ko sa kanya. Actually, walking distance lang naman ung university namin. Nasa loob kasi ng village yung university kaya no problem sakin.

"Bilisan mo huh. Bye. mwuahh. tsaka kay kuya mo." loko talaga to. May gusto pala kay kuya. hahahaha

"Tse. sige na." Tapos binaba ko na.

After ko kumain, nagtoothbrush ako agad then retouch konti. Okay! Ready to go.

"Mom, kuya, alis na ako. andun na barkada ko, ako na lang daw yung kulang. hihihi." paalam ko kay mommy.

"Yan kasi lagi na kasing late magising kaya laging napag iiwanan." asar sakin ni kuya. Kainis si kuya grrrr..

"Mommy si kuya ohh, lagi na akong inaasar." sumbong ko kay mommy.

"Tama na yan." awat samin ni mommy. "Sige na, pumasok ka na."

"Bye mom, nga pala kuya, Good Morning sabi ni twinnie." pag kasabi ko nun, nakita ko si kuyang parang namumula na ewan. Syempre nagulat ako dun. Mamaya pag uwi ko, iinterviewhin ko sya. bwahahahaha.

Twinnie Jean Calling...

"Oo na, malapit na ko." pagpuputol ko sa kanya.

"Good." at bigla nyang binaba, ayy bastusan.

School (entrance gate)

Pagdating ko sa harap nila, bigla nila akong pinalakpakan. "Dumating din ang ating prinsesa." si Brent sabay biglang akbay sakin. "Thank you guys.." pagkasabi ko nun, nagtawanan naman  kaming lahat.

"Okay guyss. Let's go. We're getting late. and it's so hooot" si Scarlet yan, ang ate naming lahat.

At sabay sabay na kaming pumasok ng university.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Perfect DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon