Who you?
P*ste!
Wow. What a word para simulan ang isang kwento. Tss! Eh paki niyo ba? Aarrgggh! Eh sa masakit puson ko ngayon! Oo, may dalaw kaya wag na magataka.
Pero di naman yon ang ikinakagalit ko eh.
*beep!*
1 message received
+639*********
Who you?P*ste talaga! Ayan na naman ang 'Who you?' na yan. -___-++ Kanina pa talaga ako napipikon.
Bakit? Eh sa hindi ko kilala ang number na yan tapos nang tinanong ko nang 'Who you?' eh binalik lang sakin ang tanong. Nyemas! Nakakapikon. Siya 'tong unang nagtext nang kung ano tapos ako tatanungin?
"Aaarrgggghh! Bahala ka na nga diyan! Kung sino ka mang hunghang kaaa!" sigaw ko sabay bato ng celphone., siyempre sa kama lang. Ano ako sira? Ba't ko sisirain celphone ko? Binili ko tas itatapon ko lang ng basta-basta? Pumasok na ko sa banyo. May klase pa ako.
Tsaka sayang pinaghirapan ko dito sa phone ko ha? *o* Hirap kaya kumuha nang mga stolen pics niya! Hahaha.
Hindi ako stalker ha! Hindi naman masama na kumuha ng pictures ah. Kong trip ko, edi trip ko.
Araaayy! Ang sakit talaga ng puson ko! Pero kailangan ko pang pumasok.School..
Naglalakad ako papasok ng school gate. Late na ako!! ^___^
Pero ako lang ata ang late na nakangiti. Oh, walang basagan nang trip! Gusto ko eh.
Pumila ako sa linya nang mga late. Mga sampu ata kaming late, at ako lang ang 4thyr. =___= Himala at hindi late si Ferdinand a.k.a Fergie.
"Ms. Sandoval.."
Nagtwinkle agad ang mata ko nang tinawag niya ang pangalan-- este apilido ko. Ang sarap pakinggan pag siya ang nagsabi. Hihihi. " *o* B-Bakit?"
He stared at me. Nakakatunaw! "You're late,. AGAIN." Napangiwi ako nang sinabi nitong 'again'.
Pasensiya naman! Hindi nalang ako umimik at nginitian ito ng matamis. Pero he just stared at me like nothing. Blangko ang tingin niya kaya unti-unting nawala ang ngiti ko. Yumuko ako. "S-Sorry po, Pres."
Si Gian Mendoza, ang Student Council President namin. Matalino, responsable, magaling sa lahat ng bagay, pogi,. pero suplado. Tss! Ewan ko ba kung bakit ko gusto ang lalaking toh. Hindi niya naman ako napapansin. Kaya nga heto ako't nagpapapansin.
"You always say 'Sorry' pero palagi ka namang umuulit." sabi nito sakin nang diretsahan.
Aray! Sapul. Alam kong straight forward siya pero masakit parin eh. Ang ipina- pagpapasalamat ko nalang sa kanya ay tuwing kinakausap niya kami, paisa-isa. Kaya kung may sasabihin siya, atleast walang ibang makarinig.
