"Ano ba?! Lumayo ka na nga!"
Layo? bakit ako lalayo?
"Yoyang! Magising ka na nga sa katotohanan!"
Maraming beses na umulit yung salitang 'katotohanan' sa ulo ko
"Hindi na kita kaibigan!"
Hindi? Hindi... hindi. Hindi pwede to. wag. Please don't say that. Bes. wag. Bes bawiin mo yun hindi totoo yan diba? joke lang yan diba?
I felt the tears streaming down my face. Why bes? why? May nagawa nanaman ba akong masama? Pero bakit bes? Sobrang sama ba ng nagawa ko? Bakit bes?
"Miss Ching!"
Ha? sino naman yun?
"Miss Ching!" Aray! Napabukas tuloy ang mga mata ko. Teka may mata pala ako? haha . Funny Yoyang. Funny. Teka? ano ba to? bakit ang bigat ng ulo ko? bwiset!
Hinawakan ko yung ulo ko para makita ano yung nakapatong sa ulo ko. Libro? bakit naman may libro sa ulo ko? Punyeta! Inalis ko yung libro sa ulo ko at tiningnan nang masama kung sino man yung taong naglagay neto.
"Holy sh*t!", sabay takip sa bunganga ko. Ay! Putangina! Si Mrs.Silva! Klase niya pala. putangina!
"What did you just say Miss Ching? Why are you crying? is anything wrong?" dahil sa sinabi niya, napahawak nalang ako sa mata ko at narealize ko na umiiyak pala ako. For what reason? Siguro dun sa napanaginipan ko. Pero hindi ko na maalala.
"Miss Ching. I don't think you're okay. Please go to the infirmary now. Your nose is bleeding", habol pa niya. Ay! Nagkanda-letche na. Bwiset. Tinakpan ko ang ilong ko at sabay pumunta sa infirmary. Walang students sa Hallways! Wengya! Ay.. Bobo lang teh? baka may klase eh ano. Lumakad pa ako sa Hallways hanggang sa mapadpad ako sa harap ng infirmary. Tinaas ko yung kamay ko naghahandang kumatok. Binababa ko yung kamay ko at nag isip. Umabot siguro ng mga 3 minutes ang staring contest namin nitong pinto. Taas baba yung kamay ko. Naghehesitate ba kung papasok ako dito o hindi. Nyeta. Kakatok na sana ako kaso I changed my mind. Why? Simple. Why the hell would I go to the infirmary? Since when did I go to this place? You're not this kind of person Yoyang! Unless si Ate Steph ang nasa loob. Kaso hindi pa niya shift eh. ano bang ginagawa mo sa buhay mo at palagi kang wala sa sarili mo ha?
Tinakbo ko hanggang sa labas ng Building. Pinuntahan ko yung gripo na nakatayo malapit sa likod ng school. Para nga naman walang ebidensya diba? HAHAHA. Binasa ko ang mukha ko. Ang lamig ng tubig! Presko! Naks! At saka kinuha ang panyo sa loob ng bulsa ko. Sabay pinunasan yung mukha ko. Pati na rin pala yung dugo! Yung dugo. eww. Gross. Tinapon ko yung panyo na hawak ko. Kadiri na san ko pa ba ilalagay?
Naglakad lakad pa ako sa school grounds. Saan pa ba ako pupunta? Ayoko naman pumunta sa boring na infirmary na yun. And this is just like me! Cutting classes! Bumabalik lang ako sa B-A-S-I-C-S. Ez pz. Ngumisi nalang ako at tumawa-tawa parang baliw magisa.
While walking in the hallways of Pacific Bell Private High School. Nasulyapan ko yung fountain, kung saan may mga nakakalat na papel. Linapitan ko yun saka pinulot yung mga 3 na piraso. Tinitigan ko yung fountain. It's an old fountain that looks like it's been there for like decades. Pero kahit mukhang luma it's still graceful. Naramdaman ko yung ihip ng hangin at may isa pa akong naramdaman. Tao. Tao sa likod ko na handang hablutin yung papel na hawak ko. Napangisi nalang ako at saka humarap sa tao.
"Hi!" Linakihan ko yung ngiti ko sakanya. Nakita ko siyang nakaluhod kaya lumuhod nalang din ako sa harap niya. Natawa nalang ako kasi hindi niya magawang tingnan ako sa Mata ko. Lalaki siya. Medyo tanned yung balat. Medyo Payat. Pero cute. Kita ko sa mata niya yung kaba. Sakanya tong mga papel? Ano ba to?
Tumingin ako sakanya. Tapos sa papel. Tapos sa kanya ulit sabay sabi "Sayo to kuya?"
Tumango-tango siya saka sinubukan ulit agawin yung papel sakin. Linayo ko yung papel sakanya"Ano ba to? hmm" Tinitigan ko siya ng pabiro at nakita ko yung kaba sa mata niya. How cute. Tiningnan ko naman yung papel. Music Sheets? Wew. Ano to? Sariling composition?
'Bes. Gawa tayong kanta natin bes'
Pumasok nanaman sa isip ko. Kainis. Di ko napansin na nakatayo na pala si kuya at kinukuha na yong mga papel sakin. Napanganga nalang ako nung nakita ko siya. Ang tangkad... Bes.. Suko na ba...
NO! Kahit 6 footer pa yan. Never! Tumayo ako dun sa fountain para magka height advantage at nakataas pa yung kamay ko para lalong hindi maabot. Tumatalon talon pa siya. Hahahaha. Cute measly fellow.
Mukhang napuno na yata siya kasi tumigil sa kakatalon. Hmmm. An bang gagawin ko para maibalik atensyon niya?
"WAAAAH!" *SPLASH* Gulat kayo no? Pero mas nagulat ako eh. SINO BANG HINDI MAGUGULAT DIBA. TINULAK BA NAMAN AKO! Tinulak ako sa fountain! ihhh ewww. Nahimas pa ng left hand ko yung barya sa fountain. bwisit naman. Kaka nose bleed ko lang ngayon naman basa ako? galing ko talaga. Sinulyapan ko yung papel sa righthand ko na nakataas parin. Hay salamat! Di nabasa! Maawa ako ng bongga kay kuya kung nabasa to. Teka... Si kuya.. Asan si kuya? Tiningnan ko si kuya na nanulak saakin. Andito siya sa harapan ko ngayon. Awkward... Parehas kaming basa. Ako nakaupo. Siya nasa harap ko sinusuportahan ng mga kamay niya.
Namula bigla mukha ko nung napansin ko kung saan siya nakatingin.
"MANYAKIS!" Sabay sampal ko sa manyak gamit ang left hand ko. Pak! May kasamang barya! Nagulat ako nung nag collapse si kuya. Hala? Lagoooot anong ginawa ko! Pano na 'to!
Juju charot bessy di pa dito end ng chapter. Baka mamatay tong si kuya kung papabayaan ko. Makulong pa ako.
Linabas ko sa tubig yung papel niya para sure na di mababasa. Binuhat ko siya. Scratch that. Hinila ko siya habang nakapusan. Pwede ba yon? Bastat ganon! Dala dala ko yung music sheet niya at tiningnan ano yung nandoon. Maganda ah? Nag hum ako. Sinubukan kong kantahin kaso wala pang lyrics eh.
Nagtataka kayo bakit ako marunong magbasa ng music sheet? Malamang. That story is for another time. As for now dadalhin ko muna tong mokong na to sa kaligtasan.
Habang naglalakad at kumakanta ako di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kadiri pa naman ako umiyak. Stop na Yoyang. Di na funny. Dont be dramatic masyado baka umulan. Binilisan ko nalang paglakad saka nakarating sa infirmary. Sinalubong ako ng nurse at tinulungan ako sa pagkarga kay kuya.
"Miss Ching. Suki na talaga kita dito ah?" Pabiro na sabi ni Ate Steph, Yung nurse, Saakin.
"Di naman Ate. Ikaw naman. Wala ka kanina eh alam kong di mo pa shift kaya di ako tumambay dito." Nginitian ko siya at saka pinasahan niya ako ng towel. May extra towel siyang binigay saakin. Kaya pinunasan ko na rin si kuya. Kaawa eh.
"Ano bang nangyare diyan kay Caspar?" Caspar name niya? Cool name. Sounds familiar tho
"Nasapak ko Ate.. Hehe.." Yumuko nalang ako dahil sa hiya.
"Ayan. Okay na siya. Hintayin nalang natin siya magising tapos okay na" Nginitian niya ako tapos bumalik na siya sa desk niya. This Guy... Buti nalang hindi nabagok ulo neto. Baka malagot ako kay Mommy. Pero who cares. Im supposed to be rebellious.
"Cadao..." Narinig kong bulong ni Caspar. Ha? Tawag niya ang pangalan ko...?

YOU ARE READING
Just A Little
RomanceJust a little time. Just a little Trust. Just a little care. Just a little everything but little did Yoyang or shall we call her "Yohanna Cadao Ching" The Chinay who has bigger eyes than her heart. Jokes aside, Yoyang is a girl who sees and looks do...