Alex's POV
"Alam mo tol, hindi ka parin ba nagsasawa man lang o nakakamove on kay Louis?" ani ni Fin.
"Oo nga naman Alex, nagmumukha ka nang tang* ng dahil sakanya. Tignan mo may boyfriend na ata siya" gatong naman ni Hans.
Hindi ko pinansin yung mga pinagsasabi nila.
Hindi ako katulad ng mga lalaki diyan na may lakas loob na ligawan yung mga gusto nila...
Kahit na kumilos ako wala din mangyayari kasi hindi naman ako kapansin pansin.
Hahaha, nagiging corny na ako ng dahil sakanya.
Naglalakad lang ako papunta sa bahay namin kasi papunta sa school namin at papunta sa bahay, 15 minutes lang makakarating kana.
Habang naglalakad ako, may nakita akong matandang lalaking nanghihina.
Nagulat ako at dali dali ko siyang tinulungan
"Iho, tulungan mo ako. Wala na akong makain dahil pinalayas ako ng mga anak ko"
Pagmamakaawa sakin ng matanda.Dali dali kong kinuha yung natira kong tinapay na binaon sakin ni Mama.
Tinulungan ko siyang tumayo at pinaupo sa bench.
Binigay ko sakanya yung tinapay at tubig.
"Sorry lo, kung yan maibibigay ko sayo"
"Iho, alam kong marami kang desisyon na hindi mo ginawang tama"Ani niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Lo, tara na po ihahatid ho kita sainyo at ituro niyo nalang kung saan yung bahay niyo" pagiiba ko ng topic.
"Ipapakita ko sayo ang mga bagay na nagpapasaya kaso nasira lang lahat ng ito sa mga desisyon na ginawa mo"
Hindi ko marinig yung mga binulong niya kaya nga bumulong.
Itatayo ko sana si Lolo para ihatid sakanila kaso bigla niya kong hinilang pabalik sa upuan.
Hinawakan niya ako sa noo,nakaramdam ako ng hilo at naging itim ang lahat.
Pagmulat ko ng mata ko, nakahiga ako sa kama ko at napagtanto ko na nasa kwarto ako.
"Alex!!Tumayo ka na diyan malalate ka sa unang araw ng pasukan!! Anak ka talaga ng tatay mo!"
Nagulat ako sa sinigaw ni Mama at dali dali kong kinuha yung cellphone ko.
June 5,2016
6:00 am"Seryoso?!! Nagloloko ba tong cellphone ko?!" Nabulyaw ko ng wala sa oras.
Tumayo agad ako sa kama ko at nag ayos na para pumasok.
Pagkababa ko, kumuha nalang ako ng tinapay at nilantakan yun.
"Sige Ma, papasok na ako"
Lumabas na ako ng bahay at sa isang kisap mata, nasa room na agad ako.
"Good morning class, I am Mrs. Jenny Dela Cruz and I'll be your adviser for this school year"
Nag greet din kami at biglang bumukas yung pinto.
"Sorry Ma'am, kung late po ako at traffic po kasi"
Nagkasalubong yung mata namin.
Teka parang naaalala ko ito, ito yung mismong araw na nakilala ko siya.
Sa isang kisap mata, nag iba yung lugar na nasa paligid ko.
Nasa harap ako ngayon ng isang bilihan ng bulaklak