May extra ballpen ka?? ( one shot )

387 27 29
                                    

( Clarisse's POV )

Naglalakad na ako ngayon patungong school namin, Oo naglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang paaralan namin sa bahay namin eh.

Pagpasok ko ng gate as expected wala pang tao ang aga pa lang kasi eh, ang pasok kasi namin ay 7:30 at exactly 6:00 pa lang ngayon araw-araw talaga akong maagang pumapasok, nakasanayan na rin kasi.

Pagdating ko sa room ay nandon na rin pala si Jacob, kilala ko siya dahil classmate ko siya at higit sa lahat ay seatmate ko rin yan sa loob ng tatlong taon ay wait mag-aapat na taon na pala dahil seatmate na naman kami ngayong school year, dahil Alphabetical order kasi, ang pangalan niya ay Jacob Sandro Mariveles at ang sa akin naman ay Clarisse Martinez, pero kahit na matagal ko na siyang seatmate ay hindi parin kami close.

Wala nga talaga yang ka close, tahimik niya kasi pero Captain Ball siya ng basketball team namin sa school at marami rin yang fan girls dahil gwapo nga ang kuya niyo eh, at higit sa lahat matalino rin siya nong nagpaulan siguro ang diyos ng biyaya ay hindi siya nagpayong.

Umupo na ako sa upuan ko at nagsimulang magbasa ng mga stories sa wattpad may free wifi access kami sa school namin, alangan namang makipag-usap ako sa katabi ko na hindi naman kami close at higit sa lahat natutulog siya.

Ang gwapo niya talaga infairness no dark spots, pimples at un even skin tone, wait mas babae pa siguro ang mukha niya kaysa sakin. Ano kaya ang gamit niya na facial wash master? ponds? eskinol? Ano kaya?

"Alam mo bang masama ang mangtitig ng ibang tao" sabi niya nong nahuli akong nakatitig sa kanya bigla niya kasing minulat ang mga mata niya.

"S-Sorry" yun lang ang nasabi ko, bwisit as in bwisit, that was EMBARASSING grabe talaga, spell nakakahiya C-L-A-R-I-S-S-E. Akala ko talaga na tulog siya eh, nakapikit kaya ang mata niya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa habang siya ay nakapikit parin, ewan diyan kung natutulog ba yan. Hindi ko na lang siya tinignan baka mapahiya pa ako ulit. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang iba naming mga kaklase at nag flag ceremony na rin kami. Pagkatapos ng flag namin ay bumalik na kami sa room.

"Good morning class" sabi ni Sir, Ano kaya ang good kung papasok siya? Pa'no ba naman nong kahapon ng kahapon ay oral exam, kahapon naman pop quiz, Ano na naman kaya ngayon?

"Good morning Sir" bati naman namin sa kanya sabay tayo.

"Ok sit down class" sabi niya.

Umupo naman kami gaya ng sabi niya. Sana hindi siya mag-exam ngayon hindi pa naman ako nag-aral at higit sa lahat kahit naman mag-aral ako ay hindi ko parin yun matatandaan.

"Class get one half length wise we will be having a pre-test about the topic Statistics" sabi ni Sir.

Talaga? hiniling ko pa nga lang na hindi mag-exam, ganun na ba ako kasama para parusahan ng ganito? Oo na hindi talaga ako magaling sa Math eh, anong magagawa ko, zero na naman ako ngayon for sure. Bakit kasi mahilig si Sir sa examination? Kinuha ko na lang ang papel ko sa bag at ang ballpen ko, sinulatan ko na ng pangalan ko.

"May extra ballpen ka?" narinig kong sabi ni Jacob, hindi ko na lang siya pinansin dahil baka sa iba siya ng hihiram.

"May extra ballpen ka?" sabi niya ulit, baka hindi lang siya narinig nong hinihiraman niya ng ballpen, hindi ko parin siya pinansin.

"Clarisse may extra ballpen ka?" sabi niya na naman ulit, grabe naman nong hinihiraman niya ng ballpen hindi parin siya nar-.. wait ako lang naman ang Clarisse dito sa room di ba? so ako ang hinihiraman niya ng ballpen. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko ang direksyon niya at tama nga ako, ako nga hinihiraman niya, sa akin kasi siya nakatingin eh. Pati ang iba naming mga kaklase ay nakatingin na rin sa amin, nagsalita kasi ang kuya niyo eh minsan lang kaya yan magsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May extra ballpen ka?? ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon