Chapter 13

5 0 0
                                    

Sinundan ko siya palabas. Hindi ko na siya nadatnan. Baka lumabas na.
Nagbihis muna ako ng medyo maganda bago lumabas.
Napatingin ako sa salamin napansin ko ang pag unti ng pimples ko.
Siguro dahil hindi ako ganong stress. Nagsuot ako ng palda na hanggang talampakan ko at isang croptop.

Bumba ako.
Nakita ko si Ford.

"You're too slow"Sabi niya.
Naginit ako pisngi ko sa sinabi niya.
Hinintay niya ako ^0^

Pumasok kami sa isang bar. Shet apaka toxic! May mga naghahalikan pa sa mga sofa don at mga naninigarilyo.

Tatayo na sana ako. Pero Hinila ni ford ang braso ko.

"Where you think your going? " Tanong niya na medyo nilalakasan ang boses.

"I can't breathe! "Sabi ko.
Nahihirapan talaga ako dahil sa mga yosi sa kabilaan ko. Nahihilo din ako sa ilaw na patay sindi.

"What!? " halata ang pagalala niya sa mata niya. Lalo akong hindi makahinga ng isang lalaki ang bumuga sa harapan ko ng madaming beses. Nanghihina ako.

"F-ford let me go. Hin-di ako maka-hi---" tuluyan ng bumigat ang talukap ng mata ko.

---WILFRED'S POV----

Nakarinig ako ng mga taong nag kakagulo. Nakitako si ford na buhat buhat si annika at isang natumbang lalaki na sapo sapo ang dumudugong bunganga nito. Agad kong sinundan si ford.

"Bro. What happen?" Tanong ko.

"Nawalan siya ng malay" Sabi niya.

"Bakit? "

"I don't know! Call the goodamn doctor! " sigaw niya sakin. Ngayon ko lang nakita si ford na ganto-- hindi ganto din pala siya pag inaatake ng asthma si stacey.

Yung matang alalang alala. Yung mga kamao nangingig. Mga luhang nag babadya na pumatak. Nauulit nanaman.

---ANNIKA'S POV----

Puti. Isang puting kwarto. Sigurado ako kay ford. Yun unti unti kong nakita ang muka na nagalala ni ford.

"S-sorr--" hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng mag salita agad ito.

"I'm sorry" sabi niya.

"Ha? F-ford." Sorry? Bat siya nag ssorry! Hindi niya kasalanan.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Ford" Gulat kong sabi sakanyan. 
Halatang nagulat din ito dahil sa ginawa niya. Agad naman itong kumalas ng yakap at naglakad palabas ng kwarto.

Naalala ko ang nangyari isang matabang baboy na may hikaw sa ilong at labi ang paulit ulit na bumuga ng mabaho niyang hininga sakin. Siraulo yun. Sa susunod na makita ko yun reregaluhan ko yun ng toothbrush at toothpaste.

Punyeta pag nanganak ang pimples ko talaga nalang!

Bumangon ako sa kama niya habang sapo sapo ang ulo ko.

Gaaa. Ganto ba ang epekto ng mabaho niyang hininga sakin?

"Gising kana pala" Sabay na pasok ni wilfred at lee.

"Oo hehe" Mapakla kong sagot.

"Di mo naman sinabi na may asthma kapala" Sabi ni wilfred.

"Wala ah. Masyado lang crowded dun" Sabi niya.

Nakaramadam ako ng gutom.
Hays di pako kumakain sila lang ang kumain kanina.

Tumayo na ako at nakita ko si ford na nasa harap ng elevator.

"Where you think your going? You stubborn kid" Sabi niya.

"Kakain sa labas. " Sabi niya.

"May pera ka?" Tanong niya natigilan naman ako sa pag lalakd ng maalala na binigay ko na nga pala sakanya ang card niya. Napanguso naman ako dahil nagugutom na talaga ako. At wala akong pera pang kain.

"Don't do that. You're ten times cuter when you do that" sabi niya ng nakangiti.

Lalo ko itong hinaba dahil alam kong muka akong janitor fish.

"Let's eat" aya niya sakin sabay labas ng kamay niya sa pagkaka hawak niya sa bulsa niya.

"Wala akong pera " sabi ko.

"I have lot we can share. " walang alin langang sabi niya.

"Baliw. " sabi ko at tumalikod.

"Come let's eat!" Ulit niya.

Hindi nako nakaimik ng hilahin niya ko papunta sa elavtor.

Nag punta kami sa isang restobar sa labas
Isang mamahalin na resto.
Isang romantic place.
May kumakanta din sa harap.

"Can i take your order mam?" Tanong sakin ng isang medyo batang waiter. Napansin ko ang madalas na pag sulyap niya sa dibdib ko.

Nakita ko na nag tama ang mata namin pero imbis na mahiya ito ay ngumisi pa. Napahawak nalang ako braso ni ford na halatang alam na natatakot ako.

"We'll buy your best seller. And put your eyeballs down. Or I'll show you the hell" Sabi niya mautal utal na sumangayon ang lalaki. At mabilis na umalis.

Binitawan ko na si ford.

Habang kumakain ako napansin ko na nakatingin lang siya sa kinakain niya.

"Ayaw mo?" Tanong ko.

"What is that? " Tanong niya.

"Hipon" Sabi ko.

"How can I eat that? " tanong niya.
Natawa nalang ako. Hindi niya alam kumain ng hipon. So shunga naman ford. Haha! ^_^

Love requests. Where stories live. Discover now