Chapter 12 (^o^)V

348 18 2
                                    

KUNG GUSTO NYO PO MAGPADEDICATE FOLLOW NYO MUNA PO AKO! THANK YOU PO! ♥

  Follow Me on Twitter @EzFm_09

----------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 12 (^O^)V

KEITH'S POV

''Buti pala kahit papano may natirang maganda sa buhay ni Mayabang'', parinig ko

''Ikaw babae ka nasa pamamahay mo ako ah!'', sabi nya na halatang naiinis

''Sorry po!'', sabi ko tapos nagpout ako

''Uy dito tayo sa garden!-, sabi ni John sumunod naman kami at naupo

''Kala ko ba maglunch tayo?-, naiinis na tanong ni Angela

''Oo nga eh, saglit lang daw sabi ni Kyle'', sabi ni Rica

''Masa ba ang pakiramdam mo Angela?'', tanong ko

''Wala ka nang pakealam, CR lang ako'', sabi niya halatang galit ata sa akin

''Uy napano iyon?'', tanong ni John nagewan-look lang ako

''Otz.. nandito ako hello? ang sweet nyo ah, kaso ikaw ah nagtapat pala sayo itong si John hindi mo sinasabi!'', sabi ni Rica habang sinisiko ako

Namula nalang ako sa hiya kaso naguilty ako kasi hindi ko tinanggap iyon sabi ko hindi siya nararapat sa akin, nung uwian kasi noon ay sinamahan ko siyang bumili sa National BookStore at doon siya nagtapat pero sabi niya ok lang daw sa kanya iyon kaya ok naman kami...

RICA'S POV

''Uy wait lang CR lang din ako ah..'', sabi ni Keith tumango-tango naman kami

''Ang boring naman nagugutom na ako..'',sabi ko napatingin naman sa akin si John at lumapit

''Rica sa tingin mo kapag hinintay ko si Keith kung pwede na siya magkaboyfriend sasagutin niya ako?'', tanong niya kumirot naman ang puso ko dahil sa sinabi niya

''Um.. sa tingin ko hindi ko alam ewan, may iba namang nagmamahal sa iyo hindi mo lang napapansin..'', sabi ko tapos nalungkot nalang ako

''Uy bakit ka napasimangot? mahal ko talaga si Keith kaso parang kay kyle na ata yun kaya sige im going to move on na sa kanya'', sabi niya Haisst.. wag kaiiyak RICA! nagwalk-out ako kaso napigilan niya ako

''Oy teka pati ikaw aalis'', sabi niya ako naman nakayuko pero tinaas niya ang mukha ko

''Oy bakit ka umiiyak?'', sabi niya umiiyak parin ako

''Ikaw kasi, ang tanga mo bobo manhid!'', sabi ko tapos hinampas-hampas ko siya

''Huh? ano bang pinagsasabi mo'', sabi niya at mas lalo pa ako napaiyak hinawakan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay..

''Kasi ikaw nandito naman ako eh!'', sabi ko tapos yung mukha niya gulat na gulat

''Puro kayo Keith! Keith! galit ako kay Keith!'', sigaw ko bigla niyang tinanggal ang kamay sa mukha ko at tumngin sa akin ako naman ay umiiyak parin

''Mahal mo ako Rica?'', seryosong tanong ni John sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko,tumango naman ako

''Mahal na mahal'', sabi ko naman tapos niyakap niya ako

''Tatanggapin ko ang pagmamahal mo Rica, sa tingin ko kaya kitang mahalin pero sana huwag kanang magalit kay Keith'', sabi niya niyakap ko narin siya noon at napangiti nalang ako

KEITH'S POV

Sana maraming pagkain ang yaman nila Kyle, hehehe! sigurado masasarap nag pagkain mamaya katagal kasi ng mama at papa niya eh pati yung kapatid niya na pangalan daw ay Alodia..

''Ano bang problema mo Angela?'', sigaw ng isang lalaki habang papunta ako sa CR dahil sa pagiging chismosa ko ay pinakinggan ko ito

''Sorry na Kyle tanggap ko na nagkamali ako..'', pagtingin ko ay si Angela at Kyle pero teka anu ang pinaguusapan nila?

''Sorry nagalit ako kay Keith dahil akala ko inagaw ka niya sa akin'', nagulat nalang ako doon umiiyak si Angela

''Tsk, ikaw kasi eh Angela pabigla-bigla buti nalang hindi mo sinaktan si Keith dahil alam mong..'', hindi na natuloy ni Kyle ang sinabi at dinugsungan ito ni Angela

''Si Keith diba? mahal mo siya tanggap ko na iyon kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin..'', napahawak ako sa bibig ko, ano ba ang nangyayari? naguguluhan ako! napaiyak na lang ako at bumalik kung nasaan sila Rica at John pero ang nadatnan ko ay nagsisigawan din sila... ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI?

''Puro kayo Keith! Keith! galit ako kay Keith!'', sigaw ni Rica habang hinahampas si John, lahat ba sila galit sa akin? umiiyak narin ako sa narinig ko at umalis nalang ako sa bahay nila Kyle...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING! ^_^

♥ ♥ ♥  FAN.VOTE.COMMENT.SUPPORT  ♥ ♥ ♥

BY: KPOP_09 (EDEZA FAMERO)

Si Ms.Masungit at Si Mr. Mayabang (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon