"Xy!"
Napalingon ako sa tumawag sakin. Yung bestfriend ko lang pala...
"Ano na naman, Ulap?"
"Yan ka na naman sa Ulap na yan! Cloud nga kasi sabi!"
Kasalanan ko ba na Cloud ang pinangalan ng magulang nya sa kanya? Mas malala nga yung akin eh...
"Eh, kasi naman..gusto ko," natatawanang sambit ko.
"Hoy, Sanlibutan! Umayos ka. Matatamaan ka sakin," pikon niyang sambit.
Sanlibutan ang tawag niya sakin. Eh, paano naman kasi...sinong matinong magulang ang papangalanan ang anak nila ng Galaxy? Yeah, parents ko lang yun.
"Ewan ko sayo. Halika na, pumasok na tayo!"
——————
Pumasok na kami sa first class namin. Si Cloud ang mayaman sa aming magkakaibigan.
"Galaxy! Kamusta ka na?" pamungad ng isa pang kaibigan namin na si Sky.
"Ito, okay lang. Anong ginawa mo nung summer?"
"Beach here, beach there...beach everywhere!"
Tatlo kaming magkakaibigan. Nasa ika-apat na taon na kami sa highschool. Simula elementary pa kami na magkakaibigan. Kami ang Kalawakan trio. Of course, dahil sa mga pangalan namin.
Dumating na yung teacher namin. Kaya bumalik na kami sa mga upuan namin.
"Xy, alam mo ba na may bago tayong kaklase? Galing daw sa Celebrity Academy," kinikilig na kwento ni Sky.
"Tumigil ka nga. Baka mapagalitan tayo ni miss."
Nagsalita na yung teacher namin na kung ano-ano...tungkol sa foundation week at sa mga activities na gagawin namin for this year. "Guys, may bago kayo na kaklase. Galing siya sa Celebrity Academy. Siya si Storm Chase Padilla."
Biglang may pumasok na lalaki na ang buhok ay color silver gray. Bagay naman sa kanya kasi maputi naman siya. Matangos ang kanyang ilong at makikita mo palang sa mata niya na suplado siya. Nasa 6'1 ata ang height niya. He's like a Greek god na naligaw sa school namin. Nakakapagtaka na taga CA siya, tapos lumipat siya dito.
"Hi, I'm Storm Chase Padilla. I will be your classmate for this school year only. I was tasked by our principal to find students who are fit in Celebrity Academy. Only 3 students from this school will be chosen and be given a chance for the scholarship. So, impress me." British accent. God, ang hot.
"Galaxy!! Impress natin siya. Dream ko talaga makapasok dun!! Kilala mo si Thunder? Kakambal niya si Storm. Siya yung sikat na singer sa CBS Network. Balita ko, nag-aaral din siya dun!!" sabi ni Cloud.
"Hoy, Cloud Serene! Tigil-tigilan mo ako ha. Anong paki ko naman sa Thunder na yan. Dapat ang iisipin natin yung college natin at course na kukunin," pagmamaldita ko.
"Che! Kaya wala may nagtatangka manligaw sayo kahit maganda ka eh! Pasalamat ka at bestfriend kita. Hoy, Langit! Kausapin mo nga 'tong Sanlibutan na 'to baka i-evaporate ko yan sa mga ulap," reklamo ni Cloud.
"Hayaan mo na 'yang si Sanlibutan. Menopausal baby eh! Gwapo din kaya yung kuya niya na si Night! Kasing gwapo ni Thunder!!" sabi naman ni Sky.
YOU ARE READING
Celebrity Academy
General FictionCELEBRITY ACADEMY. The school where dreams do come true. Each year, may tatlong maswerte na bibigyan ng scholarship para makapasok sa prestigious academy na 'to. But, there's one secret that lies between the school. Ang tanong, ano kaya ito?