I stay on this chair. Cause nobody care. Still waiting for my pair. To Dance with me there.
--ddg
Nandito nanaman ako sa bintana namin. Nakatanaw sa Bahay ng kapitbahay.
Umuwi nanaman kasi yung Matagal ko nang hinahangaan.
Si Vince.
Umuuwi lang sila dito ng Parents niya sa pilipinas kapag bakasyon.
Taon taon iyon. Walang mintis.
Doon kasi sila nakatira sa Australia.
Ang Mommy niya nakapag-asawa ng Australyano. Kaya sa madaling salita,May lahing dayuhan siya.
Nakakatuwa lang siya kasi,Marunong siya magtagalog. Parang hindi nga siya taga-ibang bansa kung managalog.
Paano ko nalaman? Syempre naririnig ko,Kapag nakatambay sila sa Terrace ng Bahay nila. At tsaka sa isang pangyayari na hindi ko malimot limot.
Yun nga lang,Kapag nandiyan siya,Hindi ako makalabas ng Bahay. Nakakahiya kasi yung itsura ko. Tsaka..
Hindi ako maganda. Hindi ako mayaman. Kumbaga,Siguradong hindi niya magugustuhan.
Dagdag pa nga yung nangyari.
"Aray!" may bumatok sa akin. Si Ate Mae,Kapatid ko.
"Sige! Silip!" aniya.
"Bakit? Hindi naman ako namboboso" sagot ko,At bumalik muli sa pag-mamasid.
"Eh kung ganyan ka! Wala talaga! Hindi ka mapapansin niyang si Vince. Tsaka kalimutan mo na yung nangyari! Hindi ka na maaalala niyan"
Hindi ko siya pinansin,Alam ko naman na yun. Paulit ulit nalang siya.
"Hindi na uso ang mahiyain ngayon,Rizza" sabay alis niya.
Wala eh. Pakiramdam ko talaga hindi ako mapapansin ng lalakeng ito.
Dahil na rin sa nangyari, Tatlong taon ang nakalipas. Nung talagang nagkita kami Face to Face.
Junior Senior Promenade namin noon. Katapusan ng February.
"Wala tayong pera ngayon anak,Pambayad na natin ng kuryente ito" sabi ni Mama.
Nanghihingi kasi ako ng perang pambili ng Gown na susuotin ko.
Natahimik na lamang ako sa isang tabi. Hindi nalang siguro ako pupunta,Tutal wala rin namang magsasayaw sa akin.
Pero nung mismong araw na yun. Pinilit ako ng nag-iisang kaibigan ko na pumunta. Wala daw kasi siya makakasama umupo sa isang tabi. Tumambay ba.
Alam ko naman na pupunta lang siya para mapagmasdan yung natitipuhan niya. Sabi niya pa nga sa akin. Sapat na raw na makita niya yun,Kahit sa malayo na lang,Kahit may iba na itong makakasayaw.
Naawa rin ako,Kaya ayun naghanap kami ni Ate ng masusuot ko. At ayun may nahiram kami.
Kulay itim na hindi man lang humapit sa katawan ko. Hindi ko alam kung ako lang ba yun o baduy talaga. Ang sabi kasi nila Ate..
"Ayos na yan!"
Nagsimula na ang dilim. Sign na umpisa na ng J.S prom.
Nauna pa nga ako'ng dumating. Nabigyan tuloy ako ng award na Early Bird.
Lumipas yung oras at Ilang oras na rin ba kaming nakaupo.
"Okay! Next! A special number from my very own nephew,Na kararating lang mismo ngayon. Upang paunlakan tayo at magpakilig" yung Teacher na yan ay taga sa amin rin. Kamag-anak ng kapitbahay naming sila Vince. Habang sinasabi niya iyon,Gusto ko nang tumayo,Kaya lang nahihiya ako sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Wallflower
Short StoryHindi ka niya napapansin? Baka malabo lang ang iyong paningin. 2/13/2014 fatymagine©2014