Happiest break-up
Babatiin muna kita bago ko simulan ang sinulat ko. Kakatawa diba?
Ito na.Hi, babe. Kumusta?
Kumusta ang araw na wala na ang tayo?
Buo ba ang mundo mo?
Sa palagay ko, oo.
Kasi hindi mo naman ako minahal diba?
Hindi mo naman pinatunayan sakin na karapat-dapat kang ipaglaban.
Naalala ko 'non, ang sabi mo sobra mo akong mahal.
Ang sabi mo, di mo ako kayang mawala.
Ang sabi mo, ako lang ang mamahalin mo.
Anong nangyari ngayon?
Anong resulta?
Ito tayo, wala na.
Natatawa ako pag-naalala ko mga sinasabi mo noon.
Kasi, kahit ni-isa n'on walang natupad.
Kahit niisa sa mga salitang binitawan mo, walang nabuhay.
Di nagtagumpay.
Siguro, sasabihin mo na sobra akong nasaktan 'nong iniwan mo ako.
Siguro, sasabihin mo sakin na umiiyak ako 'nong panahon na wala na tayo.
At ipagkakalat mo sa mga barkada mo na hirap na hirap akong magmove-on.
Pero nagkakamali ka.
Bakit?
Dahil ako 'yong taong iniwan mo na sobrang saya.
Oo, tama ang nabasa mo.
Sobra 'yong saya ko 'nong araw na wala na ang tayo.
Kasi napagtanto ko na, ang sarap sa feelings na walang mang-iinis sakin.
Walang gugulo sa araw-araw ko.
Wala nang mangangako sa akin ng mga salitang hirap matupad.
Wala nang magsasabi sa akin ng i love you, i miss you na puro kasinungalingan lamang.
And lastly, wala ka na sa buhay ko.
Pero, salamat.
Salamat dahil pinaranas mo sa akin kong paano ka sakit ang pagmamahal.
Salamat dahil naging bahagi ka ng buhay ko.
Salamat dahil nakilala kita.
Salamat dahil pinatunayan mo sakin na kaya ko naman ang sarili ko kahit wala ka.
Salamat dahil ikaw 'yong nagturo sakin kung pano magmahal.
Maraming salamat, babe.Pero may sasabihin pa pala ako.
Babe, sana. Sana matuto kang tumingin sa palagid.
Sana makiramdam ka sa mga tao na nagmamahal sayo.
Babe, mahalin mo siya.
Babe, wag mo siyang saktan katulad ng pananakit mo sa akin.
Babe, sana 'wag mo siyang lokohin.
Babe, alagaan mo siya. Katulad ng pag-aalaga ko sayo.
Babe, ito na ang huli.Babe, huwag na huwag mo siyang sasaktan. Huwag na huwag 'mong sasaktan ang kabiyak ng puso at buhay ko. Dahil sa oras na malaman ko na sinaktan mo ang pinakamamahal ko, ako, na sarili ko ang mananakit sayo.
Sa oras na winasak mo ang tiwala at pagmamahal na binigay nang kakambal ko sayo tapos na ang ugnayan niyong dalawa.Hanggang sa muli babe.
Paalam.
BINABASA MO ANG
Break-up
PoetrySinong nagsabi na madali ang pakikipagbreak? Ang hirap. Lalo na't mahal mo ito. Pero may isang tao na naging masaya sa break-up nila. Isang tao na nagparaya para sa kabiyak ng puso niya. Makita niya lang itong masaya, okey na siya. Pero paano p...