Boy replies:
Saddest Break-up
Hi babe.
Masaya ka ba? Ugh. Sobrang saya mo siguro no?
Ako kasi hindi e.
Ang sakit pa kasi. Ang sakit na hanggang ngayon andito pa din.
Babe, wala naman ako pagkukulang sa'yo diba? Wala naman diba?
Kung meron man sana sinabi mo. Kung meron man sana nagpaliwanag ka.
Hindi yong basta-bastang hiwalay na lang.
Babe, tinuruan ko lang mahalin ang kakambal mo.
Tinuruan ko lang ang puso ko na mahalin siya.
Pero ikaw pa din 'yong mahal ko.
Babe, ikaw pa din. Hanggang ngayon.
Walang nag-bago. WALA!
Babe, bakit? Bakit ganon ang nangyari?
Bakit mo ako binigay ka sa kakambal mo?
Laruan lang ba ako sayo? Laruan lang ba ako?
Babe, ang sakit isipin. Ang sakit tanggapin na binigay mo lang ako sa kanya.
Wala ba akong importansya sayo? Wala ba?
Kasi kung meron babe, di mo ako bibitawan ng ganon kadali.
Alam kung hindi mo gagawin yon. Alam ko.
Babe, maghihintay pa din ako sayo.
Maghihintay ako sa iyong muling pagbalik.
Alam kong babalik ka sakin. Alam ko yon.
Dahil alam kong di mo ako makakalimutan.
Babe, inalagan ko pala yong kambal mo.
Inalagan ko siya nong nagkasakit siya nong araw na umalis ka.
Babe, hanggang ngayon kapatid pa rin ang tingin ko sa kanya.
Hindi pa din nagbabago pagtingin ko sa kanya, babe.
Babe, kailan ka uuwi? Babe? Kailan?
Ayaw ko pa magmove-on, babe. Ayaw pa nang sarili ko.
Babe, mag-ingat ka dyan.
Mahal na mahal kita kahit binitawan mo na ako para sa kanya.
Kahit binigay mo ako sa kanya. Mahal pa din kita. Hindi magbabago yon, mahal ko.

BINABASA MO ANG
Break-up
PoetrySinong nagsabi na madali ang pakikipagbreak? Ang hirap. Lalo na't mahal mo ito. Pero may isang tao na naging masaya sa break-up nila. Isang tao na nagparaya para sa kabiyak ng puso niya. Makita niya lang itong masaya, okey na siya. Pero paano p...