Kabanata 1

28 3 0
                                    

Kami ni Justin ay magkasama habang lumilibot kami sa mga booths. Bigla akong kinalbit ni Justin sa ulo at ako ay napatingin at nairita ng sya'y tumatawa.

"Napapano ka niyan?" Sabi ko ng may iritado sa aking boses. Ngumiti si Justin ng biglang inakbayan ni Katryna si Justin.

Lumayo ako ng konti sakanila at hindi nalang nagsalita. Ayoko masira moment nilang dalawa. As much as possible, ayokong nagseselos. Ayokong nagpapahalata. Tumingin ako sa paligid at pinag-isipan na hanapin si Alyssa at Madison.

Ako ay nag lakad lakad ng makita si Alyssa na may kausap na lalaki. Umiling ako, busy rin siya. Hinanap ko si Madison ng may kausap rin. Ano ba naman yan, lahat sila may kausap. Ako ay tumulala sa open court ng biglang may naramdaman akong kamay sa aking balikat, ako ay napatalon at tinaggal ito. Tumalikod ako ng makita ko si Justin at pinalo ko.

"Ano, naghahanap ka ba ng ka-date?" Tumabi sakin si Justin at ako ay napangiti. "Busy pinsan ko pati bestfriend ko. Tas ikaw busy ka rin kay Katryna. Wala akong mapuntahan."

"Speaking of Katryna," sya ay humarap sakin ng nakangiti. Napakasaya naman neto, parang ang stress-free niya.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking bulsa at tumingin ng diretso sa mga mata ni Justin. May pagka-hazelnut brown ang kaniyang mga mata. Kaya gusto ko itong tinitignan.

"We'll be going out tomorrow." Siya ay ngumiti at ako ay napangiti na rin. I won't ruin Justin and I's friendship. At ayoko rin na mag-iba ng tingin sakin si Katryna kahit alam kong ayaw parin niya ako hanggang ngayon. I know because of the way she looks at me kapag kasama ko si Justin. I hope she understands I never steal someone. Sana maintindihan niya na hindi lahat ng bagay mapapa-sakanya. Ng tumunog ang bell tinignan ko ang aking orasan. 12:30 pm. Uwian na at kinuha na namin ni Justin ang aming mga bag at umalis na sa campus.

"Osige, mag-usap nalang tayo mamaya Jas." Tumango ako at dumiretso na siya sa may overpass at naghintay ng jeep. Tumakbo sakin si Alyssa at Madison.

"Oh, malungkot ka nanaman?" Tanong ni Alyssa, ng matunaw ang kaniyang ngiti. Umiling ako. "Hindi no, Academy Days na nga malulungkot pa ko? Sapat na ngang makasama siya ngayong araw na to."

"Nakita kita kaninang naka-tanga sa sahig. Anong meron? Sumesenti ka nanaman?" Tawa ni Madison, habang kami ay naglalakad pauwi. Kahit na nagseselos ako, o malungkot, kahit ano pa mangyari mapapangiti parin nila ako.

"Punta kayo saamin." Hiling ni Alyssa. Kami ay tumango ni Madison at pumunta muna sa mga bahay namin para ilagay ko yung bag ko sa kwarto ko. Lumabas uli ako at binuksan ang pinto nila Alyssa.

"Labas mo na yung mga kaluluwa mo, Jasmine. Nakikinig lang kami." Biro ni Alyssa. Ako ay nagkwento sakanila at sila lang yung mga taong nagpapasaya habang malungkot ako. Hindi ko naman kayang panaginipan na sana mag break si Justin at Katryna. They've been together for around 7 months already, yung gusto ko lang na makamtan niya yung kasayahan niya. Basta masaya siya, mas masaya ako para sakanya.

"Ba't di mo na kasi aminin sakanya? Nagsasayang ka lang ng oras, e. Pano kung nagbreak sila ni Justin tas hindi niya nahalata na gusto mo siya? Then after a few months may bago nanaman siya. O, edi nasayang rin yung pag-antay mo ng ganyan katagal!" Sabi ni Madison. Sabagay, tama rin siya. I don't want to waste my time, pero yung pinaka-kinakatakutan ko is yung friendship namin. Friendship is much more important than a relationship. I can't lose him.

"You're right, pero hindi lang yan." Sagot ko. Kinamot ni Madison yung ulo niya, "yung friendship namin." Dagdag ko.

"Your friendship? Jas, I know na you care about your friendship pero isip-isipin mo rin naman yung nararamdaman mo. Habang maaga pa, nasasaktan ka na. Hindi lang ikaw yung nalulungkot, kami rin ni Madison. We care about you more than you care about Justin. Oo, you like him, we understand that pero ayaw mo naman masaktan ng paulit ulit diba? Think about it." Sabi ni Alyssa. Kaninang masaya lang ako, natunaw ng lungkot at problema. They both have a point, and this is where the overthinking happens. If I follow them or follow myself. Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at may naramdaman akong kamay na pumapahid sa aking likod. "Do what your heart says, Jasmine. We care about you, and kung iba yung iniisip mo sa iniisip namin, then do what you want. We're not going to insist you on your plans."

Tinaas ko uli ang aking ulo at napangiti ng konti. Tumango ako at niyakap ko yung dalawa. Ito ang pinakamasarap na nararamdaman ko. Support.

-

Ako ay tumaas papunta sa kwarto ko at nakita kong umiilaw phone ko. Pumunta ako sa aking kama at umupo malapit sa nightstand. Nakita 'kong text pala ng text si Justin, agad kong binuksan ang kaniyang message.

Justin: Jas

Justin: Jaaassss

Justin: Jaaaassssmmmmiiiinnneeee Clllaaaiiirreeee Mmmmooonteeenneegrooo

Ako ay konting napangiti at nagsimulang nag-type.

Me: Pumunta lang ako kila Alyssa. Kalma lang.

Justin: May tanong pala ko.

Me: Ano naman yun?

Justin: Mag d'date kami ni Kat bukas. Any advices on how to be more pogi than you actually are?

Me: Sorry, wrong number.

Justin: Joke lang uy, advice naman diyan.

Me: Basta come up with a lot of stories that happens to you everyday. Yung naging tanga ka tapos yung natuli ka nung Grade 6 ka

Justin: Sige iba nalang, bye

Ngumiti ako at pinatay ulit yung phone ko. Pagod na ko, gusto ko nalang maligo at matulog. Tumayo ako sa kama ko at kumuha ng towel sa aking cabinet at dumiretso sa CR.

Nang matapos ako ay tinignan ko ulit yung oras. 10:49 pm. Inaantok na rin ako, buti nalang at Sabado bukas. Binalot ko ang sarili ko ng kumot at napapikit ng konti konti. At ako ay nakatulog ng tuluyan.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon