Wala sa sariling naglalakad si Asha, binabaybay niya ang madilim na daan patungo sa kanilang kakarampot na bahay sa tabing ilog. Tila nanghihina ang buong katawan niya ng mga sandaling iyon. Halos hindi narin maipinta ang mukha niya sa sobrang pagod at gutom, daig pa yata niya ang sumabak sa digmaan na mga sandaling iyon.
"Besy!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan niyang sina Melissa, Aika at Jasmin ng mamataan siyang paparating. Nakatambay ang mga ito sa tindahan sa tapat ng bahay nila.
"O, anong ginagawa n'yo rito?" kunot-noong tanong niya sa mga ito.
"Natural, hinihintay ka namin!" ani Melissa
"Naku, Besy bakit naman ganyan ang hitsura mo? Saang digmaan ka ba nakipaglaban?" puna sa kanya ni Aika.
Napabuntong hininga na lamang siya. "W-wala, nag over-time lang ako sa trabaho. Kailangan eh, may sakit kasi si Nanay." nanlulumong tugon niya at umupo sa tabi nito.
"Hay, naku Asha! Alam mo sa tingin ko, malala na sakit ng nanay mo." sabad naman ni Jasmin.
"Yon na nga eh, kayanga nag-iipon na ko ng pampagamot niya." tugon niya at muling napabuntong hininga.
"Eh ano ba kasing sakit ng nanay mo?" tanong ni Jasmin.
"Stage one na 'yung cancer niya sa ovary. Kailangan na nga daw ma-operahan na 'yun, kundi lalala pa raw." aniya na at nagbaba ng tingin.
"Naku, mahirap nga 'yan!" ani Melissa at bahagyang napapailing.
"H'wag ka ng malungkot Besy, May alam kaming solusyon d'yan!" sabad ni Aika at bahagyang nangingiti-ngiti.
"Ano na naman 'yan? Baka naman iindianin n'yo lang ako ha?"
"Hoy, hindi ah! Kilala mo naman kami, basta may pagkakakitaan, game lang! Pero, besy big time 'yung raket na 'to." nakangising wika ni Aika.
"Oo nga besy. Promise kikita ka ng malaki dito!" sabad naman ni Melissa.
"Eh, ano ba kasi 'yun ha?" kunot-noong tanong niya.
"Okay, ganito 'yan. Inaalok kami ni Mamarazzi ng sideline. Do you still remember her?" ani Jasmin.
Bigla niyang naalala ang Mamarazzi na tinutukoy nito. Manager ito sa club kung saan siya nagtrabaho dati bilang waitress doon. Dito siya unang nagtrabaho noong maka-graduate siya ng high school. Galit na galit ang nanay niya ng malaman na doon siya nagtatrabaho kaya't wala pang isang buwan ay pinag-resign na siya.
"O, ano namang inalok sa inyo?" nagtatakang tanong niya.
"A-ano kasi eh, kung pwede daw sana–" ani Aika.
"Stag party" deretsong wika ni Melissa.
Biglang nanlaki ang mata niya sa narinig. "W-what? Stag party?"
"Oo, h'wag mong sabihing hindi mo alam 'yon?" taas kilay na tanong nito.
"P-pero anong gagawin natin do'n?"
"Sasayaw lang tayo. Don't worry, Asha walang ibang mangyayari." nakangising wika ni Jasmin.
"Sa-sasayaw? A-ayoko" naguguluhang tugon niya sa mga ito.
"No, Asha. Malaking pera 'to, para sa'yo rin 'to. And besides, naki-usap pa kami kay Mamarazzi para lang ihanap kami ng malaking pagkakakitaan. Now, this is it! So don't waste the chance, maipapagamot mo na agad ang nanay mo." ani Aika na pinipilit siyang kumbinsihin.
Napabuntong hininga na lamang siya sa mga ito. Hindi niya alam kung anong gagawin, litong-lito na ang isip niya. "S-Sorry, pero hindi ko alam kung tamang solusyon 'yon para kumita ng malaking pera. Isa pa, sigurado ba kayong malaki ang kikitain natin d'yan?" kunot-noong tanong niya rito.