Kurt POV.
What is happening to myself? Mahal ko na ba si Thaline? Hay nako.
"Hey master Kurt bat mo naman kami iniwan kanina dun?" tanong ni Xhander.
"Oo nga naman, tsh mang iiwan"sabi naman ni Lhester.
"Tsh parang di niyo naman kilala si Kurt"Sabi ni Liam.
Buti na lang at nandyan si Liam.
"Ay nga pala bat kayo mag kasama ni Thaleng?" Tanong ni Lhester at Lee.
" " Di ako umimik, tsh andaldal parang babae.
"Oy! Hintayin niyo ko" sabi ni Thaline ay humabol pala siya, hays.
"Oh andito pala si Thaleng, hello, bat di ka nag recess kanina? Wala ka bang pambili? Sayang naman edi sana sabay sabay pa tayong kumain"sabi ni Lee, ugh magsisimula na naman tong mga to.
"Magsisimula na naman ba kayo? Ganyan na ba talaga kayo? Dati pa ah, dati niyo pa akong binubully, di na ba kayo nagsawa?. Hindi nyo man lang ba inisip na makakapanakit kayo ng kapwa niyo? Ang selfish niyo alam niyo yun? Kasi wala kayong inisip kundi yang sarili niyong kaligayahan, hindi niyo man lang inisip na makakasakit kayo ng nararamdaman. Mga manhid ba kayo? O nagma manhid manhidan lang? Tsh naalala niyo? Na sa tuwing recess, lagi niyong kinukuha yung pagkain ko tapos itatapon niyo lang, naalala niyo ung pagpapahiya niyo saken sa classroom? Yung paglalagay ng bubble gum sa buhok ko, yung paglalagay ng mababaho at maduduming bagay sa upuan ko?. Naalala niyo pa ba yun? Well kulang pa nga yang mga nabanggit ko eh haha, di ko na kailangan isa isahin dahil alam niyo naman kung anong ginawa niyo saken diba? Hindi ko kayo ginantihan ni minsan kasi alam ko naman na wala dn lang akong makukuha, baka mas lalo ko pang maipahamak yung sarili ko eh. Tsk excuse me" sabi ni Thaline habang nagpapahid ng kanyang luha.
THALINE POV.
Well hindi ko na kasi kaya eh, lagi na lang ganito sa tuwing sila ang makakasama ko accidentally, puro pagpapahiya or kahit na anong pang aasar ang ginagawa nila saken.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa may nararamdaman ako na sumusunod saken mas lalo kong binilisan yung pagtakbo ko
"THALINE!! WAIT!!" Uh? Ang pamilyar ng boses na yun ah, wait si Kurt ba yun? Geez nung paglingon ko siya nga hanggang sa naabutan na niya ako at wala akong nagawa kundi ang huminto.
"Oh bat ka andito? Bat mo ko sinundan?" Tanong ko sa kanya habang nagpapahid ng mga natirang luha ko, geez nakakahiya. Ugh
Walang ano ano eh, bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit, gusto ko mang pumiglas pero naririnig ko ang kanyang tibok ng puso at ang bilis.
"Thaline? I have something to tell you, Thaline sorry sa mga ginagawa namin sayo, alam ko na hindi sapat ang sorry para mapatawad mo kami pero please sana mapatawad mo ko, gusto kita Thaline nung una nagpapansin lang ako sayo dahil hindi mo ko pinapansin pero umabot sa punto na pati mga kaibigan ko inaasar or binubully ka na, pasenya na at wala akong nagawa, pero Thaline maniwala ka saken please gusto talaga kita kaya sana mapatawad mo na ako, alam mo ba Yung mga times na pinagta tanggol ka ni Liam? Medyo naiinis ako nun, kasi imbes na ako ang gumagawa nun, eh siya naman. Nagsisi ako nun, Thaline sana mapatawad mo ako " mahaba niyang paliwanag habang naka yakap saken. At ng binitawan niya na ako pinunasan niya ang aking mukha.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pinag loloko mo ba ako? Tanong ko sa kanya dahil ni isa sa mga sinabi niya ay wala man lang pumasok sa isip ko well except sa salitang Sorry. Pero gusto kita? Seriously?
"Thaline I'm serious here, totoo na gusto talaga kita" sabi niya.
"Well hindi ako naniniwala sayo HAHA"sabi ko.
"Gusto mo bang patunayan ko sayo? Tanong niya.
"Basta di pa rin ako naniniwala" sabi ko.
Walang sabi sabi ay lumapit siya saken, hanggang sa macorner niya ako at unti unting inilapit ang kanyang mukha saken at idinampi ang kanyang labi sa'king labi.
"Now? Naniniwala ka na ba? Sabi niya ng naka ngiti ng nakakaloko saken.
"Lngyaaaaaa ka Kurt!!! Yung first kiss koooooo!!" Sigaw ko sa kanya, halaaaa ung first kiss koooo wala na. Nakuha na ng isang Kurt Lucas, huehue.
"Hahaha well it's ok kung ako ang first kiss mo, dahil ikaw din ang first ko" sabi niya ng naka ngiti. Seriously?! Ako?! First Kiss niya?! My goodness.
YOU ARE READING
Love Warning
Short StorySa isang Academy may isang nerd na babae pero maganda siya simple parang ganun. At may isang grupo na magba barkada ang inaasar siya lagi, ever since. Pero ang hindi nila alam na ung leader nila ay may gusto sa babaeng binubully nila. Pero isa rin n...