APOMM

13 0 0
                                    

Isang tao. Taong may hinihiling. Hinihiling na sana mahalin siya ng kanyang minamahal.

Siya naman ay isang babaeng may magandang kalooban. Gayunpaman maganda. At may isang binata umiibig sa kanya na hindi niya nalalaman. Kontento na ang binata na itago ang kanyang nararamdaman.
Malapit sila sa isa't-isa.

Masaya siyang kasama ang dalaga sapagkat siya ang buhay niya. Lalo itong nahuhumaling kapag ngumingiti abot sa kanyang mga mata.

Parati silang nagtatawanan, Nagkukwentuhan, nagdadamayan. At marami pa pang magagandang alaala.

Hindi na talaga mapigilan ng binata ang kanyang nararamdaman. Dahil sa tuwing tumagal ang panahon ay ganun din ka lalim ang kanyang pagsinta. Kaya humanap siya ng paaran na sasabihin ang kanyang saloobin. Tila may mga malilikot na paru-paro sa kanyang tiyan.

Sa hindi inaasahan. Dumating ang dalaga kasabay ang kanyang manliligaw.

Tila may nararamdaman siyang matinding kirot at parang mabasag ang kanyang puso.

At nasaksihan din ng kanyang dalawang mata kung gaano kaligaya ang dalaga sa piling ng iba.

Kahit labag na sa kanyang kalooban na wala na siyang pag-asa ay umipon siya ng lakas na ipagsabi ang kanyang saloobin. Laking pagkabigla ng dalaga sa kanyang nadinig. Subalit hindi din niya ito masisisi sapagkat hindi nito mapigilan ang nararamdaman lalo na't sa matagal nilang pagsasama. At hindi din masisira kung ano ang relasyon na meron sa kanila.

Gaano man kasakit ay kanyang tanggapin. Pipilitin niyang paring ngumiti kahit ang sakit sakit. At kahit ang hirap makalimot ay kanyang gagawin.

Pero natutunan din niyang bumitaw...

Napaisip siya

Huli na ba ang lahat ?

O kaya

Hindi talaga sila para sa isa't-isa.

Hindi naman lahat ng gusto nating pangarap ay nagaganap. Siguro nangyayari lang ito sa mga kuwento-kuwento lamang.

Pero natutunan din niya na

Kung mahal mo talaga ang isang tao ang handa kang palayain siya

At hayaan mo kung ano ang ikakasiya niya kahit sa hindi piling mo.

Hindi man sila para sa isa't-isa ay naging masaya siya na naging bahagi din ang ito sa kanyang buhay. Tila, magsisilbi nalang itong masayang ala-ala sa kanyang storya.

The End~~~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Part Of My MemoriesWhere stories live. Discover now