Chapter 5

63 8 0
                                    

Maymay's POV

Wednesday.

2 pm na at nandito ako sa Starbucks sa loob ng ABSCBN. Hinihintay ko ang best friend ko na si Kisses. Medyo matagal na din kaming hindi nagkikita, kaya naman niyaya ko siya na magkape. At siyempre, since medyo marami na akong utang sa kanya, eh ako naman ang manlilibre, tutal nagtatrabaho na din ako.

Tatlong buwan na ang nakaraan simula noong unang beses akong nagtrabaho para kay sir Alex (yung Production Designer). Pagkatapos nung Jollibee commercial, tuloy tuloy na akong kinukuha ni Sir Alex para asikasuhin ang wardrobe. Ang sabi kasi niya ay magaling ang mata ko at may taste ako. Kaya ayun, gusto daw niya akong i-train na maging susunod na magaling na PD. Oh diba bongga!

Napatingin ako sa glass door ng Starbucks nang makita ko ang isang pamilyar na chinita.

"Kisses!" Tawag ko sa kanya ng pagpasok niya ng pintuan.

"May!" Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

Umupo na kami.

"O my gad! Namiss talaga kita ng sobra Maymay. Kamusta ka naman?" Tanong ni Kisses.

"Wait! Bago ang lahat, umorder muna tayo. Anong gusto mo?"

"Strawberries and Cream ako." Ngiti sa akin ni Kisses tapos inabot niya ang pera.

"Naku! Ano ka ba, it's my treat. Diba sabi ko dati na kapag may trabaho na ako, ako naman ang manglilibre sayo? Eto na yun bes!"

"Wow! Umaasenso si Maymay. Thank you bes." Pa-sweet niyang sabi.

Pumunta na ako sa counter para pumila. Hindi naman ganon kahaba ang pila kaya natuwa naman ako. Pangatlo ako kaya habang hindi ko pa turn sa pagsabi ng order ko, tumingin muna ako sa menu board dahil hindi ko pa alam ang gusto kong order-in.

"Next please!" Sabi ng cashier.

"What's your order ma'am?" Tanong niya.

"One Strawberries and cream na Grande, one blueberry Cheesecake (favorite ni bes.), one sticky cinnamon bun, and uhh..." Hindi pa ako nakapagdecide kung ano ang gusto kong kape kaya medyo natagalan ako sa cashier.

"You're holding up the line Miss Payatot." Sabi ng nakasunod sa akin sa pila.

Hindi ko siya tinignan agad dahil ayokong namamansin ng mga strangers na hindi maganda ang ugali.

"Hey, I said you're holding up the line Miss Payatot!"

"Ano ba! Why are you so ru-" Napatigil ang salita ko ng makita ang kinaiinisan ko na si Edward Barber.

"Kaya naman pala, si Mr. Sungit ang nagsasalita." Mataray kong sinabi.

"Miss, one Caramel frappe na Venti." Sabi ko sa cashier.

"What's your name ma'am?" Tanong sa akin ni ate cashier.

"Her name is Miss Payatot." Aba, walang hiya tong bata na to ah.

"Ate, wag kang makinig diyan sa Mr. Sungit na yan." Tumingin ako kay Edward "Or should I call you, Mr. Balyena?" Pang-aasar kung sabi habang tumatawa ng nakakaasar.

"You-" Hinarap ko muli si ate kaya naman natigilan siya sa sasabihin niya. Inabot ko na ang pera.

"My name is Maymay." Sabi ko kay ate cashier at inabot ko ang pera sa kanya. Pagkaabot niya sa akin ng sukli, dumiretso ako sa may pick-up area.

Bwisit tong bata na to! Hindi na talaga nagbago. Three months na nga kaming hindi nagkikita, naaalala parin niya talaga yung Miss Payatot.

"How dare you call me a balyena in front of everyone." Tahimik pero pagalit na sabi ni Edward.

"Eh diba ikaw ang nagsimula? Wag mo sabihin na asar talo ka?" Natatawa ako habang sinabi ko iyon dahil namula ang mukha niya sa galit at hiya.

"Hoy bata, kung maasar kalang, edi sana hindi ka nalang nagsimula."

"First, don't call me bata, cause I am already 18. 2nd, hindi ako asar talo." Umiling ako at ngumiti ng nakakaasar. "And third, how dare you humiliate me in front of everyone?" Namumula na talaga siya ng malala at parang lalabas ang ugat sa noo.

"Alam mo, Mr. Balyena, wag kang mag-alala. Atleast ngayon mas maraming makakaalam ng tunay mong ugali. Malay mo mas sumikat ka pa."

Tinawag na ang pangalan ko kaya naman iniwanan ko na ang Balyenang yun.

Kinuha ko ang pagkain namin ni Kisses at bumalik na sa table namin.

"Hoy ikaw Maymay! Hindi mo sinasabi na close pala kayo ni Edward Barber. Meron na palang namumuong pagtitinginan hindi mo naman kinukwento. Nakakatampo ah." Sabi ni Kisses.

"Anong pagtitinginan?! Hindi mo ba nakita na nagbabangayan kami doon? Ang sungit niya kaya." Sagot ko.

"Eh ano naman kung masungit? Sobrang gwapo naman niya. Sus choosy ka pa."

"Ano ka ba, may kalove team na yan."

"Alam mo, yang mga love team na yan, yung iba sa harap lang ng camera, sa likod iba ang nilalandi. Kaya kung ako sayo, iseduce mo na siya, kayang kaya mo yan with your beauty."

"Kisses, itigil mo na yan. Hindi ako pumapatol sa mga taong mababaho ang ugali."

"Wow! Edi ikaw na!" Tumatawa si Kisses.

"Oh kamusta ka naman diyan sa work mo?" Tanong niya.

"Ok lang naman. Kaso lang nakakapagod ng sobra. Parang mas gusto ko nalang mag-events." Sagot ko.

"Sabihan mo lang ako kung ayaw mo na talaga diyan sa commercials. Sasabihan ko si mommy na kunin ka na project coordinator sa events namin."

Mayaman sila Kisses, may-ari sila ng pinakamalaking events organizing company sa Pilipinas. Sila madalas ang naghahandle ng concerts ng mga foreigners kaya naman parati niya akong sinasama sa mga ganyan.

"Sige ah, hindi na ako mahihiya, kakapalan ko na mukha ko. Thank you talaga bes."

-----

Thank you for reading!

Love Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon