Kyline's POV
Ba't niya ginawa yun. Nakakainis talaga siya. Napaka-manyak. Buti na lang at nakalabas na ko sa room na yun at saka bakit ba di ako nagagalit sa kanya samantalang dalawang beses niya na ako ninanakawan ng halik, ni hindi ko manlang masabi ang salitang PERVERT. Ano ba yun?😒
Pero ang awkward lang kanina, napakatahimik at napakaseryoso.
Teka,nasan ba yung kitchen nila, anlaki naman kasi ng bahay e.
Pagkaliko ko sa may dining room. Ayun nakita ko na sa wakas. Phew. Kanina pa ko naghahanap.
May nakita akong lalaking nakatalikod nagluluto ng pancakes. Hmm, ambango.
"Excuse me, saan yung baso niyo dito?"
"Dyan lang sa may tabi ng ref."- seryoso niyang sabi ng di manlang tumitingin sa direksyon ko.
" Uh, thank you."- aalis na sana ako pagkatapos kong uminom pero-
Nagugutom na rin ako e.
"Ansarap naman niyan."-sabi ko.
Di siya umimik.
" Pancakes yan diba?"- tanong ko.
"Nakikita mo naman diba? O sadyang timang ka lang?"- ang hard naman nito sakin.
" Pwede patikim."- sa pagkakataong ito humarap na siya sakin.
O____________________________O
Oh my God! It can't be. Si-si Tyler?!
"Tyler?"
"Kyline?"
Sabay naming sambit.
"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sa kanya.
"Natural, bahay ko 'to. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"- puno ng pagtataka niyang tanong.
" Ah-eh, kasi-" naputol yung anumang sasabihin ko dahil sa-
"Kasama ko siya, Tyler."- si Damon pala.
" Wait lang naguguluhan ako. Ba't kayo nasa iisang bahay ni Tyler?"
"He's my younger brother."- sagot ni Tyler.
"Magkapatid kayo?"- buong pagtataka at gulat na gulat kong tanong. Nakakaloka.
"Correction, 'half' younger brother."- dagdag ni Damon. Na diniinan yung salitang 'half.'
" Kilala mo siya, Kyline?"-tanong ni Damon. Habang tinuturo si Tyler.
"Ah, Oo, kaibigan ko siya."- sagot ko. kaibigan ba talaga?
" Ano naman sayo?!"- sigaw ni Tyler kay Damon.
" Anong ano naman sayo?! Kung suntukin kaya kita dyan!"- sumbat ni Damon kay Tyler.
Oh no! May isyu nga pala sila sabi ni Damon kanina. Kaya pala, kasi half brothers sila.
Hinila na ako ni Damon palabas ng kitchen nila habang si Tyler naiwan dun tapos pumunta na kami sa kwarto niya.
Ang higpit ng hawak niya sakin.
"Waaa. Ansakit naman! May balak ka bang putulin yung kamay ko?!"- sigaw ko sa kanya. Ano bang problema nito.
Di siya umimik pero di na mahigpit yung pagkakahawak niya sakin.
At yun...
Nakarating na kami sa kwarto niya at umupo na siya sa kama, si Ako naman nasa study table.
Tinititigan ko lang siya pero napapansin niya kaya tumitingin siya sakin tapos ako naman syempre titingin sa hawak kong libro, baka isipin pa nito na nagwagwapuhan ako sa kanya. Hindi nga ba? Haha.
YOU ARE READING
Starts With A Prank.
Teen FictionThis story begins with a prank. Sa huli, siguro magtataka kayo kung bakit 'Starts with a Prank' yung story title. HAHAHA. Kahit ako rin e naguluhan. Isang Gang Hater magkakagusto sa isang Gang Leader. Nagkakilala sila sa School. Si Damon ay natalo s...