Green Land

122 6 0
                                    

Third Person  POV;

Nang makarating si Yoona sa Green Land agad itong nag lakad papunta sa pinaka tuktok ng garden. Kitang kita nya mula sa kinalalagyan nya ang buong syudad ang mga nag iilawang mga sasakyan at ang mga building na naka tayo dto

Tumingala naman sya para makita ang ganda ng langit ang mga bituin na nag kikislapan sa ganda na tilay walang iniindang sakit at problema

Agad na tumulo ang luha nya sa mga pisngi nito umubob na lamang sya at hinayaan ang pag agos nito pilit man nyang pigilan ay hindi na nya magawa dahil kung pipigilan lamang nya ito ay mapapagod lang sya kaya't hinayaan nya ang sarili na umiyak ng .......mag Isa

***********

Kabilang banda hindi nya alam na merong isang tao ang naka masid sa kanya. Isang matandang Babae na agad na lumapit ito sa kinaroroon ni Yoona

"Iha" pag tawag nito sa dalaga nag angat naman ng ulo si Yoona upang makita nya ito

"S-sino po kayo?" Piyok nitong tanong dahil narin sa pag iyak kaya sya pumiyok sa pag sa salita

May inabot naman ang Matandang babae sa dalaga panyo nag alangan pa itong kunin pero wala naman syang magagawa dahil wala naman syang dalang panyo

Bakit ba nakalimutan kong mag dala ng panyo

Sa isip ng dalaga at kinuha ang panyo na inabot sa kanya ng matandang Babae

"Salamat po" sabi nito

"Alam mo iha ...parati kitang na kikita sa lugar na ito ...tuwing pupunta ako dto ikaw ang na daratnan ko ....at umiiyak ka pa may problema ba iha?" Ani ng matandang babae sa kanya

Bahagya naman syang na gulat sa nalaman nya sa matanda. Hindi nya akalain na meron pang nag pupunta sa lugar na ito. Dahil kahit gaano kaganda ang lugar na ito ay hindi ibigsabihin na dadayuhin na ito ng mga tao para maging palipas oras. Kaya na gulat sya na meron paring palang nag pupunta sa lugar na ito

"Wala po" simple nitong sagot at agad na tumingin sa baba

Wala na mang na gawa ang matanda kaya hinayaan na lamang nya ang dalaga

"Alam mo ba na ang Green Land na ito ay isa sa pinaka sikat noon" panimula nito

Nakita naman nya na kumunot ang noo ng dalaga kaya ipinag patuloy nya ang pag kekwento

"Marahil nag tataka ka sa sinabi ko ang tulad ng isang to ay isa pala sa pinaka sikat na pasyalan noon. Tama ang narinig mo dahil naging saksi ako sa pag sikat at pag ganda ng Green Land na ito" putol nya sa kwento

"Ano pong nang yari....bakit wala ng taong nag pupunta sa lugar na ito kung isa itong sikat na pasyalan noon?" Pag tatanong ng dalaga

Bahagyang ngumiti ang matanda dahil meron ng isang tao ang mapag kekwentohan nya ng nakaraan ng Green Land ang dahil kung bakit nag bago ang lugar na ito

"Napaka saya ng mga tao noon tuwing pupunta sila dto meron pang mag kasintahan ang nag dadate tuwing buwan ng February pero sa isang iglap na wala ang lahat ...ang masaya at punong puno ng mga tao lahat yun nawala na parang isang bula na bigla na lang mawala ...lumipas ang mga taon at tuluyan na ngang naging Dark land ang lugar na ito ...."

".......walang gustong mag punta pa sa lugar na ito ....May isang Matandang Lalaki ang nag mamayari ng lugar na ito Isang lalaking ubod ng bait at gwapo na bighani sya sa isang babae naging masaya sila pero dumating sa puntong ....kailangan nilang mag kahiwalay ....ang akala ng lalaki simpleng pag hihiwalay lang iyon at kinalauanay babalik din ang babae ....pero nag kamali sya dahil nabalitaan nyang ikakasal na ito sa mismong kaibigan pa nya ...sobra syang nasaktan....kaya na isip na lamang nya na itutok ang atensyon sa trabaho hanggang na isip nya na ipatayo ang Mall dto mismo....."

I Fall In Love  With The Bad Boy Where stories live. Discover now