CUG~6

7 0 0
                                    

Dale POV

Its been a month nang magsimulang manligaw ang dalawang aso ni Tabs, why dog? Eh laging nakasunod kay Tabs eh. But syempre tago sa parents ni Tabs we know naman na hindi sya allowed mag paligaw.

"Yes mom, ngayun po ang meeting for prom night" kausap ni Tabs si tita sa phone nya.

Oo nga pala may meeting pala ngayun for prom night. Biruin nyo ah 3 months pa bago mag prom pero may meeting na, excited lang eh nuh? Ma text na nga si mom.

To: Mommydear

-hey mom, may meeting pala now for prom night. Love you!

Sent!

After kong mag text dumiretso na kami ni Tabs sa classroom namin, as usual maraming nakatinging boys samin este kanya lang pala hehe dito sa corridor, wala eh dyosa kasama ko.

Pagpasok namin ng classroom nag vibrate ung phone ko.

From: Mommydear

-okay sweetie, I'm on my way. Sabay na tayo umuwi. Love you too!

Sweet mother.  Umupo kami ni Tabs sa punaka likod.

"Excited nako sa prom yats!" eh? Tagal panun ihh "3months nalang bago mag prom!" Excited nga.

"Yah, 3months pa bago mag prom" Poker face kong saad.

"Sabay tayo humanap ng night gown ah" I just nod, dumating na kasi yung fist subj. Teacher namin. Syempre kelangan kong makinig mabuting istudyante ako eh.

-- Break time --

Ang pinaka favorite part ko , break time! Hihi. Pagpasok sa cafeteria amoy na amoy ko yung mga kaligayahan ko haha. Anu kaya kakainin ko ngayun? Tumingin ako sa paligid. Alam ko na! Lahat nalang haha.

"Yats anong kakainin mo?" Ayy. Nakalimutan kong may kasama pala ko hehe. Pag foods talaga nakakalimot ako.

"Lahat!" Masigla kong saad, sya naman napa poker face.

"No, hindi ako payag" napakunot noo ako "You need to diet now, malapit na ang prom. Sabagay may 3months ka pa" medyo sumaya ako sa sinabi nya.

"3months kumain ng kumain?" Masaya kong tanong, wahhh! Ang sarap isipin nun hihi.

"3months mag diet!" Wahhh! Ayaw ko nun.

"Papatayin mo ba ko Tabs?"

"Tara na" hinila nya ko sa vegetable unit. Ang foods dito eh puro damo huhu, I want meat!  I want chocolates! I want chips!

"Pag kaing kabayo yan Tabs" turo ko sa mga green na pagkain dito.

"Anong pagkaing kabayo? Pagkaing tao yan uyy!" She said.

"Parang hindi naman, dun nalang sayo sa cake unit!" She shook her head. Huhu anu ba yan! "O sige ako nalang" akmang aalis na ko ng hinila nya yung damit ko sa likod.

"Where do you think you're going?" She asked

"Dun" sabay turo sa Ice creams, wahh ansarap!

"No dito tayo, ate dalawang vegetable salad please" ang sarap pakinggan nung salad pero yung may vegetable? Ugh! Ano ko kabayo? Ang alam ko pig ako eh.

"Di ko kakainin yan" pagmamaktol ko.

"Sige kalimutan mo nang best friend mo ko" sabi nya sabay kuha ng order nya at lakad palayo, hayst no choice men. Hinabol ko sya at kinuha ang isang plato ng vegetable salad sabay amoy.

Chubby-Ugly-GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon