Do you hate strangers?
If you do, then we’re the same.
Lalong lalo na pag sa text.
Nako kumukulo na talaga yung dugo ko.
Tas kung tatanungin mo parang iwan.
Hay naku, no comment na ko.
Kung minsan panga sinusungitan ko eh.
Meron kasing circumstances na tinitrip ka lang pala nila.
Akala mo kung sino talaga, pero yun pala kaklase mo lang.
Tapos pag nagpauto ka, tatawanan ka lang nila.
Diba nakakainis yun?
Hindi ko naman sinasabi na naranasan ko yun dahil hindi ko naman talaga naranasan.
Pero according sa ibang mga nauto, doon yata ako natuto.
Anyways, may kaibigan pala ako na itatago ko sa pangalang “Thea”.
Isang araw kasi may natanggap siyang text galing sa kung sino.
Nagpakilalang “chris”(hindi talaga yan ang pakilala niya ngunit itatago ko nalang sa ganyang pangalan).
Ibinigay daw ni *** ang number ng kaibigan ko sa kanya.
Kilala namin yung sinabi niyang pangalan, pero unfortunately hindi naming na tanong si *** dahil nakagraduate na sa school namin noong time na yun.
Ewan ko bas a kaibigan ko kung bakit pa niya inintertain.
Sabi kasi ng kaibigan ko, the way siyang magtext, para bang ang talino.
Ang dami niya kasing ideas. Mas matanda lang siya samin ng isang taon at nag aaral sa **** ng kursong nautical ata.
Ikwenento iyon sakin ng kaibigan ko pero noong una binaliwala ko.
Then patuloy sila sa pagiging mag textmate.
Nang ikwento naman ulit sakin iyon ni Thea, hindi ko maalala kasi ganoon ako kaulianin.
Kaya kung gusto niyong mailabas ang hinanakit niyo ng hindi malaman ng iba, ikwento niyo lang sakin. Hehehe..
Kaya ayon ikwenento pa niya ulit para lang maalala ko.
At alam niyo ba kung ano ang nakikita ko sa kaibigan ko habang nagkikwento siya?
Para bang ang saya niya.
Para bang enjoy na enjoy siya kaya tinanong ko siya.
“nakita mo na ba yan in person?”
“hindi pa. Pero kilala niya si *** .”sagot niya.
“eh naitanong mo nab a si *** tungkol jan sa chris na iyan. Nakita na ba niya yan?”
“ewan?”sagot niya.
“thea, he was still a stranger. Ni hindi mo nga nakita kahit picture lang eh. Ni hindi mo nga alam kung totoo yan.”sermon ko sa kanya.
Siguro may sasabihin pa sana ang kaibigan ko at may sasabihin pa sana ako ngunit dumating na ang teacher namin kaya pumasok na ko sa room namin at pumasok na rin siya sa room nila.
Oo, magkabatchmate kami.
Magkaibang section.
------------------*
AN:
pasensiya na po kung wala akong ibinigay na pngalan doon sa nagbigay ng number.
mas mabuti na nga po na blank na lang yan kasi po mahirap na pag na i mention ko pa yung name niya.
sa susunod ko na po itutuloy ang kwentong ito dahil inaantok na po ako.
salamat po.
^__^