Part 21

405 13 2
                                    

Princess POV

dahan-dahan akung lumingon sa kanya, napayakap ako sa sarili ko dahil nanlamig ako sa mga titig niya.

“B-bakit? ” napangisi siya dahil siguro nautal ako, sarap bigwasan ng lalaking to.

“Scared huh Jane” sinamaan ko siya ng tingin.

Ang laki-laki ng palasyo bakit ba kami palagi nagkikita, sinusundan siguro ako ng lalaking to.

“Kailangan mo?” pagtataray ko, ramdam ko na nanginginig ang paa ko at gusto na tumakbo sa takot, bakit ba ako natatakot sa lalaking to? mukha pa nga lang pang-gyera na.

“Nothing i just want to see you” bumalik sa pagkaseryuso ang boses niya, napa-irap ako

“Akala ko nam—insan may sasabihin ako sayo!” naputol ang sasabihin ko ng sumigaw sa likuran ko si Reina, humarap ako sa kanya na nakakunot ang noo, kailangan nito?.

Magsasalita na sana ako ulit ng hilain niya ako palayo kay Prince at tumakbo “Ano ba sasabihin mo?!” sumisigaw na tanong ko habang tumatakbo kami, hindi niya ako sinagot, ang sakit ng balakang ko.

“Ano ba sasabihin mo?” hinihingal na tanong ko habang nakayuko, nandito na kami sa kwarto niya hindi niya ako sinagot kaya tinignan ko siya di maipinta mukha niya at nakatulala.

napasimangot ako at umupo sa sofa, aantayin ko pa ata magsalita tong babaeng to, mukhang problemado.

“Insan sabi ni mama ikakasal daw ako”

*blagg*

nahulog ako sa kina-uupuan ko dahil sa gulat, ano daw? ikakasal siya.

“HAHAHAHAHAHA” gumulong-gulong ako sa sahig dahil sa tawa, putcha tingnan mo nga naman oh.

“Insan naman walang nakakatawa” tumigil na ako sa kakatawa dahil halata na sa boses niya na naiinis na.

“pfftt. bakit naman naisip ni tita yun?” pfffft ang hirap pigilan ng tawa ko.

“Malay ko dun” nakabusangot na wika niya, teka kanino ba siya ikakasal?, “Kanino ka ikakasal?” mas lalo siyang bumusangot sa tanong ko na ikinataka ko.

“Kay panget” panget?, sino yun?, may pangalan ba na pangit.

wait, si Lorenz ba?!!

“Si Lorenz ba?” hindi siya sumagot tumungo lang siya parang takot na takot magsalita. “Insan” agad siyang napatingin sa akin, may pagbabanta na kasi tuno ko.

huminga muna siya ng malalim bago sumagot “Oo i-insan sabi ni mama matagal na daw nila itong pinlano, gusto lang daw nila na matapos ang kasal mo bago yung akin” tumango-tango ako sa sagot niya, so planado na talaga ng magulang namin ang lahat ng tungkol sa kasalan.

“Well atleast it's Lorenz and not some other country Prince” i shrugged at tsaka tumayo, maglalakad na sana ako paalis ng magsalita si insan. “Insan, alam mo naman na ayaw ko kay Lorenz eh” bored ko siyang hinarap, wala namang masama dun eh magkakainlovan rin namsn sila.

“So what?, your relationship with each other will grow, you and him will love each other soon”

hayy ako nga go with the flow lang gusto niya talaga against the flow.

“that will never happen” napangisi ako sa sinabi niya “you know i believe in what others said, the more you hate the more you love” nakangising turan ko sa kanya, nagsalubong ang kilay niya at tumayo, nagmartsa siya palabas ng kwarto kaya sinundan ko.

A  ROYALTY ARRANGE MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon