Chapter 20

13.4K 160 1
                                    


---

Ron's POV

Sunday Morning <3

Restday namin ngayon ni Carlo, at ang kumag tulog pa. Malamang may hang over yun dahil lasing na umuwi kagabi, mukhang hindi umubra ang galing nya sa babae kay Suzzy.


Siguro ay na-basted ang gago, sobrang manyak kasi kung makatingin e kala mo hinuhubaran kung makatitig.

Pagkakain ay naisipan kong mag-jogging muna, every sunday ginagawa ko to para healthy. Napapansin ko kasi na lumolobo na ko.

Sa isang park malapit dito sa apartment ko naisipang pumunta habang balot na balot para pagpawisan.

Nasa gitna na ko ng pagtakbo ng may nakabangga ako,  paglingon ko ay isang babae na nakatalikod, nakasuot ito ng maroon na jacket.

"S-sorry. " sabi ko tapos humarap ito.

"It's you again. " sabi nito.

Sya yung tumulong sa akin doon sa bilihan ng damit, yung babaeng may sapak.


"Oo, pasensya na ulit. " sabi ko tapos nagsimula na ulit tumakbo ng mabagal.


Grabe hawig talaga nya.


Naisipan ko namang mag-kape sa isang coffee shop dito malapit sa park.


Ginawa kong libangan ang pagtitingin-tingin sa mga dumadaan dito, feeling ko halos lahat talaga ay iisa lang ang mukha. Pare-parehas singkit at mapuputi.


Para talaga kong alien dito.

"An nyeong (Hi)." biglang may lumapit sakin.

"Hello." sabi ko sabay yuko.

"Jebal useoyo. " sabi nito.

"Sorry, I don't understand. " sabi ko.

"Hahaha I mean, please smile. Like this. " sabi nya tapos pinakita sakin ang pag-ngiti nya.

"Ohhh." sabi ko at ngumiti na din.

"Majay. (That's right). Byeee..." umalis na din sya agad.


"Nakasimangot ba ako? Di naman a. " pagkausap ko sa sarili ko.

"Not totally, but you look sad." may nakarinig pala ng sinabi ko.

"Ikaw ulit? Sinusundan mo ba ko? " tanong ko dito.

"ang kapal ha, ano ka gwapo para sundan? "


"Medyo, pero may abs. "


"Weh patingin nga? "


"Tsk naiiba ang usapan e, bakit ka nga nandito? "


"Magka-kape? " pang-aasar nito.

"Ha-Ha-Ha."

"Malay ko ba na nandito ka? Pati may advice ako sayo, mag-ingat ka sa mga kilos mo. " sabi nito.

Aba! Wala na ko sa Pilipinas pero may banta pa din?

"Anong ibig mong sabihin? "


"Magkamali ka ng galaw for sure patay ka. "


"Tinatakot mo ba ko? "

"Yes. Kasi kahit ako natatakot, soon kuya Ron, soon. Order muna ko byeeee. "

My Boss/My GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon