Worthy To Be Loved

12 0 0
                                    





My name is Diana Rose Paborito. I'm 24 years old. Single (no boyfriend since birth). I went to a business college and got a degree in business management and now I am working as a sale's lady in our Construction Supply Trading Company. Hindi ko alam kung anong kaek-ekan ang pumasok sa kukote ng daddy ko at ginawa nya akong sale's lady.

Matangkad? ❌

Maganda? ❌

Matangos ang ilong? ❌

Maputi? ❌

Makinis?❌

MaSexy? ❌


Lahat ng iyan ay wala sa akin. Sa madaling sabi HINDI AKO MAGANDA.


Ako yung tipo ng babae na takot lumabas ng bahay at makihalubilo sa maraming tao, lalo na't hindi ko naman kakilala. Nahihiya kasi akong ibandera ang feslak ko sa madlang people. Mahiyan lang siguro ako o sadyang mababa ang self-esteem.


Pero dahil sa estado ng buhay namin at dahil sa negosyo hindi ko maiiwasan makisalamuha sa ibang tao. Kung sana ay pupwedeng magtago na lang ako sa loob ng bahay forever. Kaya lang kailangan ko rin kumain, kailangan kong magkapera at kailangan kong pag aralan ang mga bagay-bagay tungkol sa aming kumpanya. Wala namang mag mamana noon kundi ako lang. At ang trabahong ito lang ang dahilan kung bakit lumalabas ako sa aking lungga.

Isa rin ako sa mga taong hindi naniniwala sa forever, na may forever.
Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Hindi dahil bitter ako. Hindi lang talaga ako naniniwala na may magkakagusto sa tulad ko, na may seseryoso sa akin. Sino bang magkakagusto sa pandak, pango, maitim, mataba at puro tigidig ang mukha? Wala di ba? Kaya hindi nyo ako masisisi kung bakit ganito ko hamakin ang sarili ko. Wala naman kayo sa kondisyon ko kaya anong alam nyo sa nararamdaman ko?

Loner din ako. Walang kaibigan. Pakiramdam ko ayaw ng mga tao sa akin.

Takot akong magmahal, dahil alam ko na aasa lang ako at masasaktan. Kaya pinili kong maging manhid sa mga bagay-bagay. Pinili kong mapag isa at umiwas sa mga kalalakihan na ang alam lang ay pag laruan ang aking damdamin.

Hangang sa isang araw may isang lalaking dumating sa buhay ko Na nagpabago ng aking pananaw, si John Patrick Esmana. Isa syang Engineer na apat na taon ang tanda sa akin. Sa aming shop sila kumukuha ng supply para sa ginagawa nilang buildings.


"Oh ano na naman ang ibabalik mo?" Inis kong sabi ng makita si Engineer. Pamali-mali kasi ang order nya at sa isang linggo ay nakaka ilang balik sya dito. Ginugulo nya ang sale's record ko. Iniisip ko tuloy kung paano ba naging Engineer to?

Gwapo sana sya eh, kaya lang. Nevermind!


Oo. Gwapo. Syempre kahit hindi ako marunong umibig e marunong pa rin ako mag describe at maka appreciate ng magagandang bagay. Ka tulad nitong nilalang sa harapan ko. Kaya lang nakaka turn-off di ba? Pogi tapos aanga-anga. Hay buhay kung sana ay ako na lang ang biniyayaan ng ganyang kagandahan.


"Ang sungit mo naman. I am your customer you should treat me well" Sabi nito na naka pamulsa at naka taas ang kanang kilay.

Oo nga naman. Kailangan kong maging mabait sa kanila dahil isa sila sa pinaka malaki naming kliyente at mapapatay ako ng aking mga magulang kung lilipat sila sa ibang trading.

"Okay. Take a sit. Sabi ko at itinuro ang upuan sa harapan ng aking table.

"So, what can i do for you engineer?" Plastik akong ngumiti. Inihanda ko ang ballpen at papel para sa kanyang sasabihin.

Worth to be lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon