Chapter 4 - Nobody no more!

26 1 5
                                    

Chanelle's PoV.

Minsan natatanong ko sa kawalan kung bakit kailangang magkaroon ng panandaliang makakasama sa buhay? boyfriend/girlfriend kumbaga.

Like, pwede namang huwag nalang at hintayin nalang yung tamang taong para sayo talaga diba?

Para sa ganun, maiwasang masaktan ng lubusan at magsayang ng oras para lang sa maling tao na akala mong tama.

Bakit ang gulo ni Tadhana? Di nalang tayo diretsuhin sa taong para sa atin talaga. Bitter ka ba Tads? Di mo ba nahanap forever mo? Lol.

Im walking towards Jaimee's house, sasabayan ko siya or rather susunduin para pumasok talaga siya. May test kasi kami sa lahat ng asignatura ngayong araw at balita ko ay balak nitong gagang umabsent.

Hawak ko ang phone ko na may nakasukbit na earphone habang naglalakad patungo kay Jaimee. It's 10 am in the morning, sobrang aga pa.

Tumigil ako sa harap ng isang tindahan, puno ito ng mga stuff toys at kabilang na dun ang cartoons na dilaw na kahon na may mga butas at tila naka-pants na may necktie habang nakangiti.

Spongebooob!!!!!!!

Agad ko itong pinasok at sinunggaban ng yakap si Spongebob, uuuh my weakness!

Sa gitna ng pagtitingin ko sa mga tinda tila nakalimutan ko na ang oras. Ommmmg!!!!! Si Jaimee!!!

11:15 am naaa!!!!!!

Takbo lang Cha, sige. Malapit ka na, Cha!!

Kasalanan mo ito Spongeb-- ay hindi, yung may-ari ng shop pala ang may kasalanan!

Kahit na hingal na hingal na ako, narating ko naman ang mansion ni Jaimee. Bumungad siya sa akin na naka-uniform, haay buti nalang at papasok siya kundi nako. Sobra ang pagod kong tumakbo ah.

" Anyare sayo? Parang hinabol ka ng rapist ah? " saad nya habang binubuksan ang gate.

I bit my lower lip to endure my pain of my feet.

She handed me a handkerchief but I refused, di ko type ang pabango nito. Amoy pang mayaman talaga. Sapat na sa akin ang Juicy Fruit. Lol

Umikot siya sa likod ng bahay nila at pagkabalik, sakay na siya ng kotse niya. " Hop in. " agad akong sinalubong ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon ng kotse.

" 'Di naman kasi kailangang sunduin ako eh, papasok talaga ako ngayon. Sinabihan ako ni Kenneth kagabi.. " dagdag niya. Pinaharurot na nito ang sasakyan niya.

Kenneth? Who's Kenneth?
Kenneth cabinet automatic ang pwet!

Pero sino ba talaga si Kenneth? Hmm. Kalandyotay nanaman siguro nito ni Jaimee! Tsk.

" Jai, tingnan mo yung poging guard dali! Nakatingin sakin oh, type yata ako. Hihi " turo ko sa guard na nakangiti kaya lumabas ang kanyang sparkling teeth. Hart hart beh!

Nagulat ako sa paghampas sa akin ni Jaimee sa braso ko, mahina lang naman pero masakit pa rin.

" Ano ka ba? eh, parang kuya mo na yan, Cha! " napasimangot ako. " 17 ka, 22 naman siya. Limang taon ang agwat niyo, Cha! " dagdag pa nito habang naglalakad kami patungong room.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I must not fall inlove..Where stories live. Discover now