Loveless Valentine

44 4 0
                                    

February 14 - Valentine's Day

*Para sa may boyfriend at girlfriend at may asawa, ito ang araw upang iparamdam pa lalo ang kanilang pagmamahal sa isa't isa sa mga espesyal na paraan. <3

*Para naman sa may birthday, siyempre itong ang kanilang araw upang maghanda at maging masaya kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

*Para sa may nililigawan at nagugustuhan, eto ang chance para umamin at iparamdam sa nililigawan ang pagmamahal at sweetness sa mga girls.

*Para naman sa mga SINGLE...

~*~

"Girl, anong balak mo sa Friday?" pagtatanong ni Paula saken habang naglalakad kame sa corridor ng school.

"Ha? Sa Friday? Ano bang meron?" pag-iisip ko sabay kamot sa ulo ko.

"Etong si Jessia talaga! Kapag walang kadate, wala na sa kalendaryo ang February 14?" pang-aasar naman saken ni Diane.

Oo nga pala Valentine's Day na sa Friday. Ayaw atang mag process ng utak ko, dapat aware ako dahil head ako ng decor committee ng school. ><

Speaking of decor committee, oh NO!

"Paula, Diane naku speaking of February 14, may meeting pala kame ng decor committee for Friday!" pagmamadali kong pag-eexplain sa kanilang dalawa.

"Ayan tayo! Kaya wala kang love life ee. Sobrang busy mo sa buhay mo." inis na tono ni Diane.

"Oo na po! Pwede bang mamaya mo na ko sermunan, kailangan ko ng pumunta ha. Sige na, text text nalang." sabay takbo ko papuntang room 201.

"I have an idea! :)" ngiting pagtitinginan nina Paula at Diane sa isa't isa.

~*~

ROOM 201

Sumilip muna ko bago pumasok, buti na lang at si Jonas pa lang ang nandon. Si Jonas ang pinakaclose ko sa decor committee, paano ba naman sa dalawang taon kong head, ee napaka-active at supportive niya. Naging gitarista ko din siya sa tuwing nagpeperform kame. Aviation student siya pero kahit ganun naging close pa din kame. :)

"Andito na pala si Head! Head ng mga single! hahaha XD"

"Ikaw talaga Jonas! Tumigil ka nga, makapang-asar ka parang di ka single!" sabay tapik ko sa braso niya.

"Saan ka sa Friday?"

"Bat ba lahat kayo yan ang tanong! Big deal na big deal talaga ang Valentine's day sa inyo!" Inis na inis kong tanong.

"Eh bat ang bitter at sungit mo? Kaya natatakot yung mga lalake na umamin sayo ee." sabay talikod niya saken.

"Oy Jonas, sorry.. diba nga sabe mo, head ako ng mga single kaya syempre ang ending ko nyan, kakanta nalang ulit ako sa acoustic night naten.. Para naman di ako lamukin." ngiti kong sabe sakanya.

"Ayan ang gusto ko sayo Jess ee!" sabay akbay saken.

"Ha?" sabay tingin ko sakanya. Ano nanaman bang sinasabe nitong si Jonas.

"Ha? ahmm.. Wala, eto parang di sanay sa topak ko! hahaha" sabay alis ng kamay sa balikat ko.

"Hi! sorry late kame." papasok na sabe ni Trish sabay umupo sa upuan kasama ng iba.

"Okay lang, saglit pa lang naman kame dito ni Jonas. Diba brad? :)" sabe ko sakanila sabay siko ko kay Jonas.

"Trish habang hinihintay pa natin yung iba, magpaattendance ka na." ngiting sabe ko sa kanya.

Si Trish ang tumatayong secretary ng committee. 2nd year college siya katulad ko pero HRM ang course niya samantalang ako, Tourism naman..

Maya-maya'y dumating na ang iba at nagsimula na ang meeting. Ibinahagi ko ang magiging layout para sa Acoustic night at binigyan sila ng sariling assignments.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loveless ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon