Walang Iba (OneShot)

113 4 0
                                    

Alam mo ba ang feeling ng may gusto kang makilala na isang bases mo palang nakikita? Well ako OO alam ko. Haha :))

At eto ang feeling non.

"Ikaw? Ikaw yung lalakeng yon!?"

"OO. Baket? Gwapo no?"

"Kapal mo! Grabe di ako makapaniwala ang sama mo kaya!"

Siguro nagtataka kayo kung baket kame nag-aaway no? Eto kasi ang nangyari:

Nung bata ako may nakilala akong isang lalake, MABAET at MASAYAHIN. Nakilala ko sya sa B-day Party ng kaibigan kong si Amae.

"Hi. Baket nag-iisa ka lang? Wala ka bang kasama?"

"Wala kasi akong kakilala dito eh, Si Amae lang kaya lang may ginagawa sya."

"Ano name mo?"

"Jill, Ikaw ano name mo?"

"Ako si Migs, lika punta tayo dun nuod tayo sa clown?"

"Sige"

Ako nga pala si Angela Jill Sntos, pero tawag nila sakin ay Jill. Yung lalaking nakilala ko kanina ay si Migs Montenegro ang bait niya.

Simula nung natapos ang B-day ni Amae hindi ko na sya nakita. 7yr old palang ako nung nakilala ko sya.

Ngayon 3rd yr highschool nako at nag transfer ako ng school. Sa school na to nakakilala ako ng isang lalakeng Bully. 2nd week of school ngayon, pumasok ako ng school ng:

"Hahaha" Ano bang meron at tawa sila ng tawa? Galing ako sa c.r ng may lumapit saking babae.

"Teh may menstruation ka."

"Ha? Kakatapos ko lang eh." sagot ko sa babae.

"Eh baka napag tripan ka nun." Tinuro nya yung isang lalake na naka ngiti. Tiningnan ko naman yung palda ko at hindi naman mens eh. Nilapitan ko yung lalake. Alam ko na kasing Bully yon. Classmate ko kasi sya.

"Hoy! Ayos ka din no! Lakas mong mang trip."

"Baket? May proweba ka bang ako may gawa nyan?"

"Kunwari ka pa! Alam ko na mga pakulo mo."

"Eh kung ako nga may gawa nyan ano gagawin mo?"

"Humanda ka sakin!" Umalis na ko at pumuntang c.r para alisin yung kung ano mang nasa palda ko.

Lumipas ang ilang araw ganon parin kame puro away. At isang araw nung lunch break namin nakasalubong ko sya kasama mga kaibigan nya. Sinamaan ko sya ng tingin at ganon din naman sya sakin.

"Boy, Sama ng tingin oh! Ano? Resbakan na natin?" Sabi ng isa nyang kasama na si Potchi.

"Hindi wag, Yaan mo sya." sagot ni Migs .

"Duwag ka lang eh! Ano? Kala mo uurungan kita? BAKLA!!!!!!!!!" Sabi ko ng may pang-asar.

"Anong tawag mo sakin?"

"Bingi ka ba? Ang sabi ko BAKLA!"

"Ah bakla pala ha."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 *tsssuuuupppp*

AT BIGLA NYA KONG HINALIKAN.......... Agad naman akong kumalas at nasampal ko sya.

"BASTOS!!!!!!!" Agad akong tumakbo paalis sa lugar na yun.

Pabalik na ko sa room namen ng nakasalubong ko si Amae yung kaibigan ko na may B-day nung makilala ko yung bata na name ay Migs.

"Jill wait lang" tawag sakin ni Amae lumingon naman ako agad.

"Hmmpp...  BAket?" nakita kong papalapit si Migs sa amin at tumatakbo. nainis nanaman ako.

"Amae maya na tayo mag usap, may nakita kasi akong di kanais nais." paalis na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Amae hinawakan nya ko.

"Mae-Mae!" tawag ni Migs kay Amae, Teka mag kakilala sila? Pano?

"Uy Migs, Kaw pala, Migs si Jill friend ko Jill si Migs." pakilala nya

"KILALA KO YANG PANGET NA YAN!!!!!!!!!!" sabay naming sabi

"Teka mag kakilala kayo? Ay oo nga pala, Jill sya yung pinsan kong nakilala ko nung B-day ko."

"Ikaw? Ikaw yung lalakeng yun?"

"Oo. Baket? Gwapo no?"

"Kapal mo! Grabe di ako makapaniwala ang sama mo kaya!"

"Haha ako? Masama? Bait ko kaya"

"Amp.. Aa teka Jill eto na pala yung notebook mo. Sige alis na ko" singit ni Amae sa usapan at tumakbo na paalis kaya di na ko naka pag thank you sa kanya.

"Nga pala Jill sabi sakin ni Amae lagi mo daw akong hinahanap sa kanya? Haha may tama ka pala sakin." Sabi nya ng pang-inis.

"Ha? Kapal mo! Hindi no, Asa ka naman, A-S-A K-A!!!!!!"

"Wag ka mag-alala gusto din naman kita eh." Sabi nya ng mahuna pero narinig ko pa din. ako pa!

"Anong sabi mo? Gusto mo ko?" Sabi ko ng nakangiti.

"Ha? Hindi ah. Wala akong sinasabi no!"

"Teka, Ano bati na tayo?" Dagdag pa nya sa sinabi nya sakin.

"Hmmpp.... Sige pero di ibig sabihin nyan eh nakalimutan ko na yung mga atraso mo sakin lalo na yung kiss mo!"

"Gusto mo naman eh"

"Hindi no."

Simula non naging close na kame at niligawan nya ko pero syempre di mawawala ang asaran pero masaya naman kahit ganon eh.

Hanggang sa dumating ang araw na special sakin ang araw na una kaming nagkakilala ang araw na B-day ni Amae, at sa araw na yon sinorpresa nya ko.

Maaga akong pumasok sa school sabi kasi ni Migs eh. At ng nasa school na ko dumiretso na ko sa room at pag dating ko sa room di ko inaasahan ang nakita ko. Nagsimulang kumanta si Migs ng kantang Walang Iba at ng pagkayari nyang kumanta unti unting bumaba ang banner na may nakasulat na "Will you be my girl?"

"Jill tanda mo yung date na to? Yung date na special sa atin dalawa? Ang date na nagkakilala tayo?"

"Oo naman Migs, Di ko makakalimutan ang araw na to no."

"Angela Jill Santos will you be my girl?"

Sa sobrang kilig ko para na kong kamatis. kaya sumagot na ko ng

"YES Migs"

"I love you Jill"

"I love you too Migs"

--END--

Salamat po sa time nyo para basahin to.

Vote and Comment po. Hihi :"))

LoveYouAll :3

Walang Iba (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon