Hindi ako hopeless romantic. Hindi rin ako desperada. Sadyang nagging hobby ko na lang siguro ang mag mahal.
Bata pa lang ako, alam kong iyan na ang kulang sa akin. Ang mahalin nung mga taong mahal at pinahahalagahan ko. Kaya naman nung lumaki at nag kaisip na ako, sinabi ko sa sarili kong hindi ko ipagkakait ang love sa mga taong nangangailangan nito. So give lang ng give.
Kahit alam kong hindi na tama at naaabuso na ko, kailangan give pa rin ng give. Nalimutan ko nang mag take.
Alam ko, kinain na ako ng sarili kong katangahan pagdating sa pananaw ko sa pag-ibig. Dati kasi may nakapagsabi sakin na ok lang na umamin ka sa tao na gusto mo siya. Kahit ayaw niya sayo dapat ok parin sayo. Tangapin mo. Ang goal mo lang kasi doon ay ang masabi sa kanya yung tun ay mong nararamdaman. Huwag ka nga lang mag eexpect.
Dahil doon kaya siguro na immune na ko sa sakit. Nasanay na ako sa ganoong routine na di naman dapat. Kaya nung natauhan ako, naisip kong ipahinga muna ang puso ko sa pag-ibig. Ok na yung hanggang crush crush lang. Dagdag inspirasyon.
Dahil sa pagkalamon sakin ng pag-ibig, napariwara ang buhay ko. Kaya naman nung natauhan ako isa sa mga pagbabagong ginawa ko ay ang paghahanap ng trabaho. Hindi ako nabigo. Nagkatrabaho na ako, nagka pera pa ako.
Akala ko doon na magbabago ang lahat. Hanggang sa nakatagpo ako doon ng panibagong pag-ibig.
Umibig. Umamin. Umasa. Nagpaka tanga.
Epic fail na naman. Ayoko na ng ganito. Kaya nag resign ako at nagsimula ng panibago na namang buhay sa pagbabalik aral ko. Isang taon na lang kasi ang gugugulin ko sa kolehiyo kaya ipinagpatuloy ko na. Gusto ko kasing makagawa ng kahit isang bagay man lang na alam kong tama. Kahit isang beses man lang.
Bagong Semster. . . .
Bagong Buhay. . . . .
Bagong Paghihirap. . . . .
Bagong mga Mukha. . . .
Bagong pakikisalamuha. . . .
At Bagong Kakaibiganin. . . .
Mahirap maging irregular student. Pero Masaya parin dahil alam kong mas bata sa akin yung mga bagong makakasalamuha ko.
“Physics Lecture at Laboratory”
Dalawa sa mga subjects na binabalikan ko. Ang subject na pinaka kinaaayawan ko. Madalas ko na talaga itong ibagsak. Hindi ko kasi talaga kaya. Buti pa sana kung chemisty yan.
Buti na lang talaga at mahilig akong mag basa ng libro kaya hindi ako naiinip sa klase.
Hanggang sa isang araw, bigla na lang akong ginanahang pumasok sa Physics dahil sa isang dahilan. Si Rodney. Isa sa mga kaklase ko at ang kaisa isang pumukaw sa atensyon ko. Oo, alam kong mas bata siya sa akin. Pero hayaan mo na, mukha naman akong bata. Bahala na si Batman.
Isa si Rodney sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Una dahil sa napapa kilig niya ako, pangalawa dahil ka grupo ko siya sa laboratory at ang pangatlo siya kasi yung nagging rason bakit ginaganahan akong pumasok sa klase kahit batong bato ako sa subject.
Hindi pa naman umaabot sa feeling na gusto ko na siyang mahalin. Hindi ko pa ulit nararamdaman yung pakiramdam na kontento na ko sa kanya yung tipong siya lang talaga. Malay mo, maramdaman ko yun soon.
Bukod kay Rodney. Isa sa mga nagging kasama ko sa kalungkutan ay yung panonood ng Kamen Rider (Mask Rider sa Ingles) at ang pag babasa ng mga libro.
BINABASA MO ANG
How to Court a Guy in Ten Days (At Kung Paano Mabasted sa Loob ng Sampung Araw)
Romance"Para sa mga Umiibig" "Nag iibigan" "Hopia" "Sa Mga Friendzone" "Para sa mga Konri" "At sa lahat ng tao na alam ang tunay na meaning ng Pag-ibig" Unang una sa lahat nais ko lamang pasalamatan ang mga kaibigan ko sa suportang ibinibigay nila sa akin...