Behind of it

2 0 0
                                    

"What the heck was that?!" He hissed. Dinikit nya 'ko sa sasakyan nya at akmang sasampalin. Nanlaki ang mata ko. "H-hon," hikbi ko. Nanlilisik ang mata nya na nakatingin sakin. "D-don't. I will explain to you everything... Calm down." Nanginginig ang boses ko. Binaba nya ang kamay nya at nagsimulang bumagsak ang mga luha nya. Kung kanina wasak ang puso ko. Ngayon wasak na wasak na!

"Ano pa ba Yena? Nakita ko na. Narinig ko na! Ano pa ba?!" Nanggigigil nyang sabi.

I'm aware that everyone is looking in our side. Pa'no nga bang hindi? Nasa kalsada kami for goodness sake's! But the hell I care! Ang lahat ng atensyon ko ay nasa lalaking nasa harap ko at umiiyak ngayon.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit na ayoko na syang pakawalan. Fuck, mahal na mahal ko 'tong lalaki na 'to at hinding hindi ko magagawa ang sinasabi nya.

Nakatayo lang sya at hindi ako niyayakap pabalik. Nasasaktan ako. Naniwala ba sya do'n? Dahil lang sa narinig nya? Hindi nya na ba ko mahal dahil do'n? Kinagat ko ang labi ko. Pero ang bilis naman.. I tasted my own tears.

"H-hon-"
"I think we need to break up." Buo ang boses nya ng sinabi nya yun. Walang bakas ng panghihina. Nanlamig ako. Unti unti nya 'kong nilayo sa katawan nya.

"Yena, let's break up." He said it while looking in my eyes. Damn, bakit ganito? Nagbukas sara ang bibig ko. May nais sabihin ngunit walang makawala na kahit anong salita. Wala akong ibang maramdaman kundi ang luha na tuloy tuloy na umaagos sa pisngi ko. Pati tibok ng puso ko hindi ko maramdaman.

Bakit? Bakit? Pagkatapos ng lahat? Two years of being together. Two years then? Tapos na ba? Hanggang dito nalang? Tangina! Hindi!

"Yena, ihahatid-" sinampal ko sya. He stiffed. Hindi ko alam kung saan ako nanguha ng lakas para masampal sya. Ang gusto ko lang ngayon ay saktan sya!

Nanatiling nasa gilid ang mukha nya. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa sobrang pag iyak. Ngayon lang ako nanumbalik sa reyalidad. Ngayon ko palang nararamdaman ang puso ko. Para itong piniraso. Sobrang sakit.

"Y-yun na ba yun Dash? Gusto mo na maghiwalay tayo dahil sa nakita at narinig mo? Tangina, gusto ko magpaliwanag sayo pero aayaw ka agad? Bakit hindi mo tanungin si T-trad about sa nangyari? Bakit aayaw kana agad?" Nanghihina kong sabi. I heard him cussing.

"Yena, hindi ko kaya yung mga narinig at nakita ko. He said na mahal mo parin sya.. That you only used me. Na pwede na kayo kasi break na sila ni Nath." Sa sobrang hina ng boses nya halos hindi ko na ito marinig. Tiningnan ko sya sa mata at naabutan ko sya na tumitingila na parang may naalala.

Lumunok sya bago nagsalita, "A-and," hirap na hirap syang banggitin ito. "And he kissed you." Tumingin sya sa mata ko. "He kissed you Yena, and you didn't even bother to push him. Bakit Yena? Gusto mo ba yun? I waited you to push him or slap him! Pero wala kang ginawa! FUCK. TANGINA KASI!" Tiim bagang nyang sinabi.

"Ihahatid na kita." Ani nya sa isang segundo namin na walang imikan. Lumayo sya sakin. Gusto ko magpaliwanag pero sobra 'kong nanghihina. I just nodded.

I looked at him while he's driving. Bakit ganito? Damn, hindi ko sya maintindihan. I want to explain, aryt? Dash give me a chance to fix this mess. Please? Don't give up that easily. But then, no words come out to my mouth. I feel like I'm a mute right now. Stupid Yena. Come back to your damn sense.

"Staring is rude."

Natawa 'ko sa isip. I remember how he said that word to me when we are young back then. When we are in Grade 8. Hobby ko ang titigan sya noon. Funny, how time flies. Just like a flower that will die in a short time.

Umiiwas ako ng tingin sa kanya. 'Yun lang ba sasabihin nya? Nilagay ko ang dulo ng kuko ko sa labi ko. I used my thumb for that. Nangilid ang luha ko. I took a deep sigh to prevent my tears from falling. Ayokong matapos ang gabi na 'to na hindi kami okay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon