HARDEN MY HEART

348 5 0
                                    

"Daddy! Daddy!." pagtawag ko sa aking Ama habang hinihila ko yung damit niya.

"yes sweetie what is it?".

"i want that dog" sabay turo sa aso na chow chow.

"ok sweetie i'll buy you that tomorrow".

"yehey!" masigla kong sagot at hinabol yung cute na aso.

I was six that time nung mangyari itong trahedyang ito,na hindi ko makalimutan.

nasa Bahay kami ni tito eman ang matalik na kaibigan ni daddy At ang congressman ng bayan ng San Martino,while si daddy naman ang Mayor.

matagal n silang magkaibigan, nagturingan na ding magkapatid hanggang sa pumasok sila pareho sa pulitiko.

iniwan ko sila sa bakuran,dahil sila ay nag uusap habang ako naman nakikipag habulan pa din sa aso ng bigla akong may narinig na sunod sunod na putukan.

bang! Bang! Bang!

napahinto ako bigla at tumakbo kung saan naguusap sila daddy.

nagulantang nalang ako ng makita si daddy na nakahiga na at duguan, .

"Daddy don't sleep please". iyak kong sabi habang hawak ko mga kamay niya. Habang siya nakatingin sakin at hinaplos yung aking pisngi.

Hanggang sa pumikit na ang kanyang mga mata.

"Daaaaaaddyyy"!.

sigaw ko, at dumating si tito eman na parang nagulat, nakita ko sa mga kamay niya na may hawak siyang baril.

"You killed Daaadddy" galit kong sabi sa kanya, nagsidatingan na din si mommy at si ate nung time na yun at umiiyak na rin,pero yung mga mata ko kahit lumuluha nakatingin lang kay tito eman.

dagsaan ang pumunta sa funeral ni daddy, at ako nasa tabi lang na parang gigil na gigil, pinipigilan ko lang pero parang gusto ko ng manuntok, halos hindi nila ako makausap ng maayos.

"mika, are you alright sweetie?".

tinignan ko lang ng masama si mommy at yumuko na ulit.

pilit ko sinisigaw sa kanila na si tito eman yung pumatay kay daddy pero ni isa sa kanila walang naniniwala. Dahil Bata pa ako. Lalo lang tuloy ako nag tanim ng sama ng loob at tuluyan ng nawalan ng gana .

Dala dala ko tong galit sa dibdib ko hanggang sa mag highschool ako,

Ayokong may paharang harang sa daan ko, pumasok din ako sa firing school at nag aral bumaril.

Tuwing death anniversary ni daddy lage akong napunta sa firing at sunod sunod bumabaril halos itutok ko na yung baril sa mga taong kasabayan ko.

nagyoyosi na din ako, minsan nga nagdadala ako ng alak sa kwarto ko at dun iniinom. Hindi ko iniimik sila mommy at ate kahit araw araw na akong pinapagalitan.

"mika!grow up, lagi mo nalang pinapainit ulo ni mommy, and i've heard your smoking, is that true huh mikaela?". pagalit sakin ni ate.

" ehe,you just told me to grow up right?... I'm growing up".

nagulat siya sa sinabi ko at iniwan ko nalang siya para pumasok na sa kwarto ko.

i always think of revenging, Lagi akong galit at wala akong pakealam sa kapaligiran ko.Halos sumuko na sila mommy sakin.

Pero kahit ganun man, hindi ko pinabayaan yung studies ko, kahit na nakagraduate akong 1st honorable mention,may ipagmamalaki pa din sila sakin.

sumali din ako sa team ng volleyBall, pero brutal ako kung maglaro, ayokong may umaapak sakin,binabangga ako,pero lagi naman kaming champion.

Hanggang sa nakilala ko si Nathan Jake Cruz, i'm about to take an entrance exam in a well-known university ng makita ko yung grupo nila.

Ever since wala akong naging kaibigan,kahit sa team namin saglit lang ako makipag usap. ,Lumapit ako kila nathan at Nagpakilala, first time kong ginawa to na parang may tumulak sakin para makipag kaibigan sa kanila.

Nasa late 20's na si nathan nun at ako'y 16 palang. Napalapit na agad ang loob ko sa kanila.

Nagaaral na ako ng college at kumukuha ng kursong Business Ad.

Gusto sana nila pasukin ko din ang politics pero mas pinili ko pa din yung kursong gusto ko. Wala naman na silang nagawa, hanggang sa grumaduate akong isa sa mga cumlaude ng school. Tuwang tuwa sila mommy nun at ibingay sa kanila yung medal ko,pero hindi na ako nakisalo sa pag cecelebrate nila.

At ito pa,lalong lumalim yung pakikipag kaibigan ko kila Nathan, pag tapos ko sa school, sila pinupuntahan ko,kung hindi sa Bar nakikipag karera kami, ako ang panlaban nila pag dating sa pag momotor.

minsan nalang din ako umuwi sa bahay namin dahil, binigyan naman nila ako ng isang unit sa condong naiwan ni daddg sa amin, si mommy na nag handle nito para mapaganda pa. despite sa nangyari samin, nanatiling malakas sila mommy at ate. Pero ako,ito duwag pa din sa katotohanang wala na si daddy at hindi ito mabibigyan ng hustisya.

One time dinala ako sa so-called "camp" nila nathan, nagulat ako sa mga malalaking armas na nakita ko, nung una akala ko nag fifiring din sila dahil meron din sila shooting range sa loob, pero nito lang nung nalaman kong,Mga hired killer pala sila.

napaatras ako sa nalaman ko,na parang gusto ko ng lumabas at tumakbo, pero prang bigla akong sumigla, lumapit ako at tinulungan sila mag ayos ng baril.

Halos araw araw yung chill, at kung minsan sila nagkwekwento ng mga napatay na nila. kinwento ko din yung nangyari sa akin na parang nabigyan ko sila ng ideya.

Galit din si Nathan kay Emmanuel Rodriguez ang congressman na ngayon Mayor na ng San Martino.

tinuruan din nila ako magbaril kaya lalo akong gumaling humawak ng baril.

Ako nga Pala si Mikaela Sebastian. 21 years old, Isa rin sa residente ng San martino, at ito ang mga mangyayari pa sa buhay ko.

HARDEN MY HEART (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon