Chapter 1

2 1 0
                                    


'Hoy'

Sigaw ni janice saken sabay tapik sa balikat ko. Tinignan ko lang sya ng 'Ano?' look.

'Kanina pa ako da da ng da da dito eh mukhang hindi ka naman nakikinig. Ano bang tinitignan mo dyan sa labas at ang lalim ng iniisip mo?'

Habang sinasabi nya yan, napatingin ulit ako kong san nakatutuk yung mga mata ko kanina.

Sa isang lalaki....

At nawala na lang sya bigla.

'Wala'
Maiksing tugon ko sa kanya.

'Talaga lang ha? Hmm..wala naman akong nakikita maliban sa mga punong nag sasayawan.'

'Tara na jan. Baka mapagalitan tayo.' Aya ko sa kanya at tumayo naman sya.

---------------
----------------------

'Ate cheche!'

'Oh danica, bakit?'

Tanong ko sa batang pinsan ko na anim na taong gulang.

'Pumunta ka daw kila aling rose, may sasabihin yata.'

'Ah ganun ba? Sige salamat.'

Hinawakan ko muna sya sa balikat sabay alis at pumunta sa tindahan ni aling rose.

Mukhang alam ko na ang sasabihin nya.

Nasa tapat na ako ng maliit na tindahan ni Aling Rose at nakita ko naman sya sa loob na nakaupo at nakatitig sa notebook.

'Ala eh andyan ka na pala cheche. Yung utang ng..'

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil kahapon pa paulit ulit.

'Aling Rose...alam ko po. Sinabi ko naman po diba sa inyo na bukas pa yung sahod ni papa, kaya bukas po mababayaran kana namin. Pasensya na po.'

'oh ala eh, hindi ko pa nga sinasabi sayo ah? Pano nalaman?.

Natatawa talaga ako dito kay aling rose, pero syempre sa isip ko lang yun. Kahapon pa kasi nya sinabi saken tungkol sa utang ni Mama na kulang kulang 200 pesos.

'Nakalimutan nyo nanaman po? Kahapon pa po nyo sinabi saken yan.'

'Ay ganun ba? Makakalimutin na nga ako. Oh sya, bukas ah?'

'Opo'

'Sana yung utang namin nakalimutan nyo na din' Pabulong na sabi ko sa kanya. Syempre joke lang. Haha

'May sinasabi ka pa ba che?'

'Ha? ah..eh wala po. Sige po alis na ako. Bye.'

Hahaha sana hindi nya narinig.

Nag paalam na ako kay Aling Rose at dumiretso na sa bahay. Nakalimutan ko palang gawin yung homework ko.

Naabutan ko sa kusina si Mama na nag luluto ng hapunan.

'Hmmm...sarap naman nyan.'

'Saan ka nanaman galing at ngayon ka lang?'

'Kila aling rose po.'

'Oh anong sabi sayo? Nag paalala naman ba?'

'Yes mama. Haha Sige Ma pasok na muna ako sa kwarto, gagawin ko lang yung homework ko.'

'Sige, maya maya kakain na tayo.'

Pumasok na ako sa kwarto para gawin na yung homework.

Anong oras na pala? Tinignan ko yung maliit na wall clock na kasabit sa dingding. 6:50 pm.

Habang abala ako sa pag gawa ng homework, biglang may nahulog na bagay mula sa aparador.

'Hmmm..ano naman to? Isang box?' Pinulot ko to at binuksan.

Inilibas nito ang tatlong pirasong litrato. Dalawang batang mag ka akbay na kitang kita sa mukha nila ang saya. Isang batang lalaki na nasa siyam na taong gulang at isang batang babae na walong taong gulang.

'Hindi ko alam na nandito pa pala tong picture. Hayyy asan kana ba?'

Muli nanamang bumalik ang alaalang lumipas, at muli akong napaluha ng naalala ko sya.

'Sabi mo babalik ka. Sabi mo babalikan mo ako? Bakit hanggang ngayon wala ka parin? Huhu'

Pilit kong pinipigilan yung mga luhang tumutulo sa mata ko, pero kahit anong pilit ko ayaw talaga.

'Hays! Ang drama ko ngayon.'

Habang hawak ko yung litrato ko kasama sya, naalala ko naman yung huling pag uusap namin, huling pag kikita namin ni...

Ken.

-----

A/N: Hello reader's! Yung next part is gagawin ko palang. Salamuch sa inyo! Enjoy! :*

Ken Ken & Che CheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon