Year 2010'Che!!! Che!! Asan kaba?'
Mula sa kinauupuan ko, rinig na rinig ko ang sigaw ni ken.
'Hayyy..ka-kanina pa kita hina-hanap. Ha..'
Hingal na hingal na sabi ni Ken.
'Nakalimutan mo na ba, na eto ang favorite place natin? Maupo ka muna nga. Bakit mo ba ako hinahanap?'
'Oo alam ko, malay ko bang dito ka pumunta. Tinuro lang saken ni danica. Ano kasi...may sasabihin ako.'
'Ano? Wag ng paligoy ligoy ken'.
Atat na atat akong malaman. Hindi naman kasi sya ganito dati, sinasabi nya agad.
Dug
Dug
Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Kinakabahan ako. Bakit?
'Ano nga kasi yun? Kinakabahan ako ah.'
'Bukas, aalis na kami. Luluwas na kaming maynila beng.'
Sinasabi nya yun habang nakayuko.
'A-ano? Nag bibiro ka lang diba? Sabi ko hindi tayo mag hihiwalay?'
Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
'Oo, yun nga ang sabi ko. Pero disesyon nila mama yun. Doon na daw ako mag aaral.'
'H-ha? huhu iiwan mo na ako?'
Tuluyan ng tumulo ang mga namumuo kong luha sa mata.
'Oo beng, huhuhu pero babalikan kita promise. Wag ka ng umiyak.'
Sabi nya habang pinupunasan luha ko.
'Promise yan ah?'
'Oo promise'
Pinupunasan ko yung luha ko at nag pinky swear kaming dalawa.
Tumayo na kami at sabay umuwi.
----
------Kinabukasan
March 5 2010
Eto na yung araw ng alis nya.
Mag papakita ba ako sa huling pag kakataon?
Hindi ko alam.
Andito ako kwarto namin ni danica nakahiga.
'Che!! nasa labas si Ken. Hinahanap ka'
Naririnig kong sigaw ni Mama.
Nasa labas si Ken. Mukhang mag papaalam na.
Mag papakita ba ako?
Sa halip ay sinilip ko sya sa bintana habang papaalis.
Gusto ko mang gawin pero naisip ko na okay lang na ako ang makakita sa kanya.
Tuluyan nanamang tumulo ang mga luha ko.
Tok
Tok
'Che alam kong nandyan ka. Wala na si Ken. Lumabas ka na.'
Si mama.
'Opo'
Tumayo na ako't binuksan ang pinto.
Nakatayo si Mama at nakita kong nalulungkot din sya.
'Hayyy tignan mo itsura mo. Wag ka ng umiyak anak, babalik pa naman si Ken.'
Pinapatahan ako ni mama habang pinupunas ng luha ko.
Alam ni mama kong gano ako nahihirapan na mawalay sa isang kaibigan. Simula't pag ka bata mag kasama na kami ni Ken. Walong taong gulang na ako ngayon, at sya naman siyam.
Mag kakaibigan ang magulang ni Ken at ang magulang ko.
'Mama..huhuhu'
Napayakap na lang ako kay mama.
'Shhh tahan na. Tara na sa kusina mag memeryenda na tayo.'
'o-opo'
Pinunasan ko yung mga natitirang luha sa mata ko at pati na din ang mga sipon na tumutulo.
---___
1 month na ang nakalipas simula ng umalis si ken ken. Hanggang ngayon namimiss ko parin sya. Pero pilit ko paring isinasautak ang mga katagang 'Babalikan kita' mula sa kanya.
'Mag hihintay ako ken ken'
Mula sa kinatatayuan ko, tumingala ako sa langit.
'Ang ganda ng langit, kulay asul. Sana nakikita mo din'
'Tara na cheche! Ano pang hinihintay mo? Ma lelate na tayo.'
Si janice, ang bago kong kaibigan. Mag kahawak kamay kaming tumatakbo papunta sa iskwelahan.
A/N: Hi guys! Wait nyo na lang ang next part. ThanksMuch :*