Sabi nila ang pagsabi ng mag“GOODBYE” sa isang pinakamamahal mo ang pinakamasakit sa lahat dahil na rin daw maari syang mawala nang tuluyan sayo. Alam naman natin ang pagsasabi ng “GOODBYE” sa isang isang tao na aalis o lilisan ay ang pagpapahiwatag na papakawalan mo na sya pero para sa akin hindi lahat ng “GOODBYE” ay nagpapahiwatag na papakawalan mo na ang isang tao kundi susubukan mo syang kalimutan kahit alam mong hindi mo kaya.
Jam’s POV
“Jam! Bumaba kah nah! 6:30 nah oh. Malalate ka na. Unang araw pa naman ng pasukan. Ikaw talagang bata ka!”, sigaw ni mama mula baba. Haaayyyy.. Paulit-ulit nalang nangyayari toh eh at kahit kailan hindi na mababago na tamad talaga ako mag-aral. “Opo ma! Maliligo lang po ako!”, sigaw ko pabalik.
By the way ako nga pala si Jamella Aphrodite Servantes pero pwede mo akong tawaging Jam, masyado kasing mataas ang pangalan ko eh pero ok lang yan ganyan kasi pag maganda.. 3rd year college na ako at nag-aaral ako sa Ateneo. Pangmayaman noh? Hahahah.. Papa ko kasi eh! Gustong dun ako mag-aral at magtapos na din.
“Handa na ang almusal! Bumaba ka na Jam!”, sigaw ni mama sa kin. “Sandali lang po ma. Magbibihis po muna ako!”, sagot ko kay mama. “Ano?! Magbibihis ka pa? Malalate ka na oh.. ang bagal-bagal mo talagang kumilos kahit kailan. Unang araw ng klase tapos malalate kah?! Bilisan mo!”, galit na sigaw ni mama. “Andyan na po mama!!”, sagot ko nalang sa kanya.
Hayyyy.. ang aga-aga highblood agad si mama kaya nagkaka wrinkles eh.. Hahahah..
>FAST FORWARD<
Nandito na ako sa school. Naglalakad ako papuntang classroom namin at ang awkward kasi halos lahat ng istudyante nakatingin sa kin.. may dumi ba sa mukha ko? Ahh.. siguro kasi nakakita sila ng Dyosa! Hahahaha..
“Aray!!!”, sigaw ko. Alangan naman kasi napa upo lang naman po ako sa sahig kasi may bumangga sa kin na tanga.
“Sorry miss. Ah nahulog m-“, sabi nya pero hindi ko pinatapos.
“Tanga ka ba?! Ang laki ng daan oh tapos babanggain mo ko? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha mister?!”, nakapameywang na sabi ko sa kanya.
“Nagmamada-“, sagot nya pero hindi ko ulit pinatapos.
“Tumahimik ka na.. Nakaka badtrip yang mukha mo. Sinira mo agad ang araw ko! Bwisit!”, asik ko sa kanya.
“Sorry talaga.. may nai-” – sya
“Hmp!”, tinalikuran ko sya at tumakbo papuntang classroom.
Haayyyy.. ang aga-aga minalas agad ako! Ang tanga tanga kasi ng mokong na yun eh pero infairness napansin ko.. ang cute nya pala! Hahaha..
Kim’s POV
“Sorry talaga.. may nai-”, hindi ko natapos sasabihin ko kasi bigla nalang nya akong tinalikuran at tumakbo. Naiwan nya yung panyo nya. Hmm.. ang bango naman. Ako nga pala si Kim Andrew Santiago.. 3rd year college ako dito sa Ateneo.
Pagpasok na pagpasok ko ng classroom nakita ko sya.. yung babae.. yung babaeng nakabangga ko kanina.. kaklase ko pala sya? Nilapitan ko sya at inabot yung panyo nya.
“Miss yung panyo mo.. nahulog mo kanina.”, sabi ko sa kanya na nakangiti. Bigla nya akong tiningnan at halata sa maganda nyang mukha na nagulat sya nang makita ako.
“Ikaw na naman?! Ang malas naman oh! At syaka magkaklase tayo?!”, sigaw nya sa kin kaya napatingin yung mga Kaklase namin. Ang hilig nyang sumigaw promise!